CHAPTER 2 WARNING/THREAT

6K 163 9
                                    

Sorry? Why sorry?

"Ting!" bigkas ni Rhea na may kasamang pagpitik ng daliri sa aking harapan. "Ayan ang sinasabi ko sa 'yo. Tulo-laway ka na naman d'yan sa isang Prinsipeng ubod ng MANHID!" Lumingon pa siya sa gawi ni Prince habang ni-emphasize nang pasigaw ang salitang manhid. 

Pero ang Prince ay parang wala lang namang narinig kahit hindi pa naman siya gaanong nakakalayo. Mas nakaagaw-pansin pa nga namin ang mga estudyanteng nasa mas malalayong table.

"Hindi, no. M-May iniisip lang ako," pagtanggi ko kahit sa loob-loob ko ay... KINIKILIG AKO, OH MY, FAFALICIOUS! NIYAKAP NIYA AKO! OH MY GOD! Pero hindi mo 'yan makikita sa physical appearance ko. Magaling akong mag-hide ng aking nararamdaman simula noo-

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad paalis ng canteen pero dahil kilala na ako ni Rhea, alam niya kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

By the way, ipinapakilala ko nga pala ang Prinsipe ng buhay ko na si Prince Hernandez Jeong. Anak siya ni Tito King na friend and ka-work ni Daddy. At ang Mama naman niya na si Tita Nancy ay friend and workmate din dati ni Mommy noong sa restaurant pa sila nagwo-work. Pareho na kasi silang nag-resign doon since nag-asawa na sila.

Kaya ang resulta, mga bata pa lang kami ay magkakakilala na kami. But never kaming naging close ni Prince, but he tried his best na lapitan ako at palagi niya talaga iyong ginagawa pero ni minsan ay hindi rin siya nagtagumpay dahil sa panggigitna sa aming dalawa ng aking istriktong kambal.

Yes, may kambal po ako at lalaki siya. Si Ian Rhavalez Heinrich. Five years na 'ata siyang wala dito sa Pilipinas, i'm not sure the exact year. Nagising na lang ako mula sa pagkakatulala na hindi ko na siya nakita. Ang sabi nila Mommy ay nagtungo daw ito ng ibang bansa doon kay Tito Chad na kapatid ni Mommy. Doon na lang daw siya mag-aaral. Siguro nga ay nakatapos na iyon ngayon eh.

Hindi ko kasi siya nakakausap four years na simula noong magising ako. Suplado kasi iyon at sabi nila Mommy ay hindi rin daw nila nakakausap. Si tito Chad lang daw ang nakakausap nila at kinukumusta.

Nagtaka rin ako kung bakit biglaan na lang siyang umalis samantalang halos itali na niya ang sarili niya sa akin. Ayaw akong hiwalayan, ni ayaw akong palapitan sa kahit sino lalong-lalo na sa mga lalaki. Kahit lamok ay ayaw akong padapuan dahil ako daw ang kaniyang Prinsesa. Tapos ay magigising na lang akong wala na siya at iniwan akong hindi man lang nagpaalam.

Pero nasanay na rin ako sa itinagal-tagal na rin naming magkahiwalay. Pero ang ipinagtataka ko ay si Prince na dapat ay nagagawa na niya ang lahat ng gusto niya dahil wala ng hahadlang sa kaniya. Pero...

...lumayo siya. Lumayo siya sa akin. Naging stranger ako sa kaniyang paningin simula noong magising ako sa isang bangungot ng nakaraan.

FLASHBACK~~

"Mag-iingat kayo ha. Ian, ang kapatid mo. Huwag na huwag mo siyang iwawala sa paningin mo," paulit-ulit na habilin ni Mommy. Naririndi na nga 'ata si Kuya Ian eh pero hindi naman niya kasi pinapansin dahil busy siya sa kaniyang phone.

Kanina ko pa rin napapansin ang pagtawag-tawag niya sa kung sinuman sa kaniyang phone at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Lumalayo pa nga siya kaya hindi namin marinig ang kanilang usapan.

"Ian, did you hear me?! I'm talking to you." Naiinis na si mommy sa kaniya. Narito kami sa living room ng aming mansiyon na akala mo ay apartment kapag nasa labas ka. Nag-aayos na kami ng aming bagahe para sa camping sa Antipolo. At three days and two nights iyon kasama ang buong senior high.

"Yes Mom, I heard you. Nakukulele na nga ang tainga ko eh," masungit niyang sagot kay Mommy habang hawak pa rin ang kaniyang phone at doon pa rin nakatutok. Palakad-lakad siya at hindi magawang umupo.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now