CHAPTER 26 RIGHT TIME

4.1K 155 2
                                    

Cj's POV

"What am i gonna do to all of this?" tanong ni Ian nang ibaba ko sa kanyang harapan ang mga luma kong books na ginamit ko noong nag-aaral pa ako.

"Kakainin?" sarkastiko kong sagot sa kanya habang binababaan ko siya ng kape sa kanyang harapan dito sa mesa.
"Malamang pag-aaralan mo. Mag-take ka na lang ng exam para hindi ka na magpakaburo pa ng taon sa pag-aaral. Kailangan mo ring maka-graduate."

Hindi siya sumagot at halatang may malalim na iniisip.

"Worried about Maian?" Napalingon siya sa akin. "Na baka malaman niya ang totoo? Na hindi ka pa talaga nakaka-graduate."

Muli siyang yumuko. Napahinga na lang ako ng malalim at umikot sa kanyang likuran. Humawak ako sa magkabila niyang balikat.

"Ian, malalaman at malalaman din ni Maian ang totoo. Walang sikretong hindi nabubunyag. So you better prepare yourself and accept the consequences of your past mistakes. 
You should let her know as early as possible before she knows about this from anyone else. Magpasalamat pa nga tayo dahil hindi nagsasalita si Prince kasi ang gusto niya ay ikaw ang magsabi ng lahat kay Maian. Pero kahit siya ay ayaw na ring maglihim pa kay Maian dahil sa mga bata. Pero ayaw ka niyang pangunahan," I calmly explained to him before I hugged him from behind so he could feel I was here for him and he wasn't alone.

"I'll tell her. I'm just looking for the right timing," malungkot niyang saad.

I know he's very worried 'cause Maian will definitely get mad at him and that's what he really doesn't wanna happen because he loves his twin so much.

Saksi ako, simula noong nag-aaral pa lamang kami kung gaano niya kamahal ito at kung gaano niya pinoprotektahan si Maian lalo na sa mga lalaki.

"Don't worry, I'm here beside you. Sasamahan kita. I will not leave you alone," pag-aalo ko sa kaniya para gumaan ang nararamdaman niya.

Napatingala naman siya sa akin at hinila ako patungo sa kanyang harapan. Iniupo niya ako sa kanyang lap at niyakap ng mahigpit. Hinawakan niya ang aking pisngi at iniharap sa kaniya.

"Why are you so kind, baby? May kasalanan din ako sa 'yo. I know you still don't forgive me but why are you helping me?" he asked while staring into my eyes intently. Confusion can be seen in him.

"I don't know. S-siguro nga dahil...m-mahal kita." Napakagat ako sa aking labi at saka nagbaba ng tingin.

"I thought you didn't love me. You told me that you couldn't love me."

"Ian, noon pa man gusto na kita. Mahal na kita at hindi ko lang matanggap kung bakit mo nagawa sa akin 'yun?"

"How can you be so sure that I'm the person who raped you?"

"S-sila. Sila ang nagsabi sa akin," tukoy ko sa mga kaibigan ni Prince.

"Prince's friends. Did they also tell you how and why I did that to you?"

"W-wala na silang sinabi." Napatango-tango siya sa akin.
"W-why? Ano nga bang dahilan?"

"I'll tell you when we're all facing each other."

"Eh bakit hindi pa ngayon?"

"I don't wanna ask for your trust in me, baby...because I knew it was gone and I also know it's hard to restore that trust you have in me. For all the wrong I've done to you, i know you can't trust me anymore......so how can you believe me if I tell you now the truth?"

Hindi ako nakaimik. Napayuko ako at napakagat na lang sa aking labi.

"But I understand you, baby. I'm responsible for everything that happened. I'm the only one to blame for everything kaya ayos lang 'yun sa 'kin. But if you give me another chance, I can do it all. Kaya kong paghirapan ang lahat. I've been able to wrestle again for years to regain your full trust. I can wait, baby," punong-puno ng emosyon niyang sabi.

Nababasa ko sa kanyang mga mata ang pagpupursige. Ang kagustuhan niyang magtiwala ulit ako sa kaniya. Ang paghingi ng tawad. Ang pag-amin at pagtanggap sa kanyang nagawang kasalanan.

Alam kong naghirap na siya. Ipinakulong na niya ang sarili niya sa loob ng limang taon at doon pa lang ay alam kong pinagsisihan na niya iyon ng sobra-sobra.

Ganun katagal! Hindi ko mapigilang maiyak.

"Ahmn..." Pinakalma ko ang aking sarili. Pinunasan niya rin ang mga luha ko sa pisngi. "M-may itatanong ako."

"What is it?" Hinalikan niya ako sa gilid ng aking noo.

"Ahmn, 'd-di ba, h-hindi mo naman ako pinapansin noon...noong n-nag-aaral pa tayo. Noong before mangyari 'yung trahedya."

"Ahaa..."

"So after incidents, b-binalikan mo 'ko after a year. Sabi mo m-mahal mo 'ko. How did that happen? N-na mahal mo 'ko? After what you did to me?"

Taimtim niya akong pinakatitigan sa aking mga mata.

"Mahal naman talaga kita. Hindi pa nangyayari ang bagay na 'yun, mahal na kita. Hindi lang din kita malapitan because of Prince. He was retaliating against me back then because I was taking Maian away from him. And that night, hindi ko alam na ikaw 'yun. I was on drugs that night."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

"D-drugs?!" gulat kong tanong sa kaniya.

"Baby, I'm not saying that you have to believe me now but that's true."

"S-sinong gumawa sa iyo no'n?"

"Prince's friends, silang lahat." Napailing ako sa hindi ko mapaniwalaang sinabi niya.

Pero kung iisipin kong mabuti at pagninilay-nilayin ang mga nangyayari sa kanila sa ngayon. Bakit sila nagpapaalila kay Prince sa restaurant simula noong nangyari ang trahedya?

Napakayayaman nila pero ngayon ay naglulumuhod silang lahat kay Prince na dati naman ay hindi. Pantay-pantay silang tropa. Tapos bigla na lang nagkaganun.

Dahil ba may nagawa silang kasalanan? Dahil may kinalaman din sila sa pagkaka-rape sa akin ni Ian?

Pero walang sinasabi sa akin si Prince. Wala siyang nabanggit sa akin. Maaari kayang nagsasabi ng totoo si Ian?

"Okay. Kakausapin ko si Prince at ang buo niyang barkada. Gusto kong malinawan ang lahat. Gusto ko ng matahimik Ian."

"C-can I ask for another favor?"

Muli akong napatitig sa kaniya. May nababasa akong pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.

"Ano 'yun?"

"C-can I see...I-iana? C-can I be with my daughter too?" Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. "Kayo ng anak ko, I w-want to be with you. You and our daughter. I'm begging you, baby."

Hindi ko rin napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Kahit si Iana ay hinahanap na rin ang kanyang ama. At hindi ko kailangang ipagkait na magkita at magkasama silang dalawa.

Maybe this is the right time. I don't have to torture them anymore. Kailangan namin si Ian. Kailangan din siya ng aming anak.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now