CHAPTER 37 CANIBAL

4.5K 132 3
                                    

ONE MONTH LATER
Cj's POV

"Ma, ano pong meron? Bakit marami yatang tao at saan nila dadalhin ang mga baboy natin? Ibebenta niyo na po ba? At saka 'yung kalabaw na nanunuwag at mga baka, bakit narito?" nagtataka kong tanong kay mama dahil paggising ko kaninang umaga ay marami akong naririnig na mga ingay at nang sumilip ako sa labas ng bintana ay nakita ko nga na napakaraming tao.

Abala sila sa paghihila at pagtatali ng mga alaga naming hayop. May mga hawak pa silang itak. Marami rin ang may dalang malalaking planggana, mga malalaking kawali at kaserola at halatang kakatayin nila ang mga alaga naming hayop.

Pagpasok ko naman dito sa kusina ay nakita ko ring punong-puno ng mga pinamalengkihan si mama.

"Kakatayin na ang mga iyon," sagot ni mama habang abala sila ni Lara, ang pinsan ko at iba pa naming kapitbahay na babae dito sa aming kusina.

"Ha? Malayo pa naman po ang fiesta dito ha," sagot ko habang nagtitimpla ng kapeng barako.

Paborito rin ito ni papa at na-miss ko ring uminom nito.

"Haay ate, tulog ka kasi ng tulog eh. Magkakaroon ng santakrusan mamaya. Isa nga ako sa mga kasali eh. Hihihi. Sa wakas! Makakapagsuot na rin ako ng gown sa tanan ng buhay ko!" masayang-masaya na sabi ni Lara. May pakilig-kilig pa habang may bitbit na bayong.

Oo, lately din kasi ay palagi akong inaantok at pakiramdam ko ay bumibigat ang katawan ko. Ito ang mahirap kapag narito ako sa probinsya. Madali akong tumataba dito dahil na rin sariwa ang lahat ng pagkain dito. But wait, santakrusan?

"Talaga, ma? P'wede ba nating isali si Iana?" Na-excite din naman ako.

Gustong-gusto ko kasing laging isinasali si Iana sa mga kung saan-saang program at sa mga ganitong klaseng parade na may suot na mga gowns at kung anu-ano pang costume. Tapos ay kukuhanan ko siya ng sandamakmak na pictures.

"Hay naku, ate! Huli ka na naman sa balita eh. Syempre pati ikaw at si kuyang pogi ay kasali. Para naman ma-expirience niya ang pagsasantakrusan! Hihihi! Siguradong pagkakaguluhan siya ng mga babae mamaya! Excited na ako!"
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Lara.

"P-pati kami?" Mas lalo tuloy akong na-excite!

"Ayaw mo yata ate eh. Ako na lang!"

"W-wait, w-wala pa kaming damit."

"No problem, iha, nakahanda na ang mga susuotin niyong mga damit para mamaya," sabat naman ni Aling Lota kaya naman napanganga ako at nanlalaki ang aking mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

"T-talaga po, aling Lota? Nasaan po? Para maisukat ko na." Mas na-excite pa tuloy ako ng bongga!

"Naku, bawal isukat 'yun, iha. Baka hindi matuloy!" sabat naman ni Aling Tess.

"Ha? Bakit naman po hindi matutuloy? Isusukat ko lang naman po. Baka mamaya masikip eh 'di hindi pa tuloy kami makakasali niyan."

"Oo, iha. Baka kasi umulan mamaya. Oh 'di hindi pa natuloy. Sayang naman ang mga kinatay na hayop at ang mga magagandang bihis niyo mamaya," sabi naman ni Aling Jovy.

"Sigurado namang kasyang-kasya sa inyo ang mga damit. Kaya mamaya mo na lang tingnan kapag isusuot mo na," si Aling Arlyn naman ang nagsalita.

"Ang gawin mo, ate. Magpahinga ka na muna ha para may lakas ka mamaya. Hihihih," kinikilig pa ring saad ni Lara.

"At saka marami tayong darating na mga bisita mamaya," ani Mama.

"Talaga po? Sino pong mga bisita?"

SHADOW 2 [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя