CHAPTER 20 I LOVE YOU

4K 158 1
                                    

Maian's POV

"Yes, Mom......okay.....okay, Mom. See you later. Bye. I love you."

"Tita Kisma?" Bigla akong napalingon kay Prince nang bigla siyang magsalita mula sa aking likuran.

"Ah, yeah. Ginulat mo naman ako," sagot ko kasabay ng paghaplos ko sa aking dibdib. Kumabog kasi itong bigla ng malakas. "P-pinauuwi niya muna ako sa bahay ngayon eh."

Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang aninong nagpakita na naman kanina kaya siguro madali akong tamaan ng nerbiyos.

"Bakit daw?"

"I don't know," kibit-balikat kong sagot. "Nakiusap eh. Gusto niya daw mag-dinner kami ngayon ng sama-sama." Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Daddy Prince.

"Sama-sama?"

"Aha.." Tinalikuran ko siya at humarap sa kama. Inayos ko ang pagkakakumot sa mga bata na maagang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod dahil sa maghapon naming pamamasyal at paglalaro nila sa mall.

"With your brother?" Natigilan naman ako sa kanyang tanong.

"No. Alam mong wala si kuya, nasa ibang bansa."

"I'll go with you and the kids." Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Kaagad ko siyang hinarap.

"Ah...t-teka. S-sasama pati ang mga bata?" Hindi p'wede 'yon!

"Ayaw mo?" tanong niya. Ramdam ko ang kaseryosohan sa kanyang tinig. Napalunok naman ako sa uri ng pagkakatitig niya sa akin.

"H-hindi naman sa ganun. P-pero kasi-"

"No buts. Sasama kami ng mga bata, whether you like it or not," putol niya sa aking sinasabi. Kaagad siyang nagbukas ng drawer at kumuha ng pants at shirt. Mabilis niya itong isinuot sa aking harapan dahil naka-boxer lang naman siya.

"P-prince, wait. Tulog na ang mga bata. A-at saka, you know...about our situation. 'Y-yong mga bata, mommy ang tawag sa akin. W-what if magulat sila dommy at daddy k-kapag narinig nila iyon? H-hindi ko alam kung anong magiging reaction nila. Baka atakehin si daddy dahil sa akin. A-at ikaw, b-baka questionin ka niya? P'wede bang next time na lang? Ipapaliwanag ko muna sa kanila. Huwag tayong pabigla-bigla," awat ko sa kaniya dahil natatakot talaga ako sa magiging reaction ng parents ko kapag bigla-bigla na lang kaming bubungad doon at malamang nagka-instant anak ako! Si Rhea nga ay pinakiusapan ko lang mabuti na huwag idadaldal kila mommy or kay mama Mia ang pagdadala ko ng mga bata sa school. My ghad!

"Fine. Tsk," sagot ni Daddy Prince at muling hinubad ang pants na naisuot na niya. Hinagis niya na lang ito sa ibaba ng drawer at padabog na humiga sa kama ng nakadapa.

Napakagat naman ako sa aking labi nang mapatitig ako sa mabibilog at mauumbok na pisngi ng magkabila niyang butt kahit nakasuot pa naman siya ng boxer. Oh my God!

Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi. Kailangan ko 'ata siyang suyuin. Nagtatampo ang mahal na Prinsipe.

"P-prince, g-galit ka ba? Please naman oh, i-intindihin mo naman ako, please." Hindi siya umimik. Ni hindi rin gumalaw. Tulog na ba kaagad siya? Marahan akong humawak sa kaniyang balikat.

"Dy, sige na kasi," ungot ko sa kaniya. Tinawag ko na rin siyang Dy short of daddy. Siya kasi ang naunang tumawag sa akin ng My short of mommy.

"Sige na, you can leave," dinig kong sagot niya habang nakadapa pa rin at hindi kumikilos. Ang mukha niya ay nakatalikod sa akin at nakaharap naman sa mga bata.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now