CHAPTER 17 RESEMBLES

4K 142 1
                                    

"Hmmmnnn...uhmmmnnn.."

"Mommy, wake up!"

"Uhmmnnn..."

"Mommyyyy!!"

Napamulat ang aking mga mata at bumungad sa aking harapan ang naka-poker face na mukha ni bulilit Prince. Nakatapis siya ng towel at basa ang buhok. Napalingap ako sa paligid at hindi ko na makita si Princess at Daddy Prince.

"Why are you moaning, Mommy? Are you dreaming?" Panaginip? Panaginip lang ba iyon? Haayst! Kainis naman!

"Si Princess? Ang Daddy mo, nasaan sila?" tanong ko na lang kay Prince at tuluyan na akong bumangon.

"Daddy bathes Princess, Mom. Get up na po, we'll be late for our class." Shocks! Monday na nga pala ngayon at may klase na naman kami!

"Oo na po. Nag-breakfast na ba kayo? Bakit hindi ako ginising ng daddy mo?" tanong ko sa kanya habang mabilis kong hinila ang towel niya at ilang beses ipinunas sa kanyang ulo para matuyo.
"Nasaan ang uniform mo?"

"There po." Tumakbo siya sa cabinet at binuksan ang wardrobe. Lumapit din ako doon at maayos na naka-hanger ang ilang uniform ng mga bata. Plantsado na rin ang lahat. I wonder kung si Daddy Prince din ba ang nagplantsa ng mga ito.

Agad ko ng kinuha at binihisan si Prince.

"Breakfast is also ready at the kitchen, Mom. Daddy cooked breakfast early for us po," sabi ni Prince habang isinusuot ko sa kaniya ang kaniyang white brief at ako naman ay napapa-wow sa isip ko dahil ang galing-galing talaga ng kanilang ama na mag-asikaso! Tinalo ang nanay! Lalo tuloy akong nai-inlove sa kaniya!

"Mommy!" Napalingon naman ako kay Princess na lumabas din ng banyo na nakatapis at fresh na fresh ang hitsura. May balot pa na maliit na towel ang kaniyang buhok. Ngiting-ngiti siyang tumakbo palapit sa amin ni Prince.

"Baby, baka madapa ka," saway ko pero nagpatuloy pa rin siya hanggang sa makalapit na sa amin.

Ini-angat niya kaagad sa akin ang dalawa niyang kamay at nagpapakarga kaya mabilis ko ng tinapos ang pagbibihis kay Prince.

"Wait Princess, Mommy hasn't finished dressing me up yet," sabi ni Prince sa kapatid.

"Mommy," humihikbi namang sabi ni Princess.

"Eto na, eto na ha. Malapit na baby. Nasaan na ba si Daddy?" tanong ko habang ang polo naman ni Prince ang isinusuot ko sa kaniya. Tapos ko na ring ipasuot sa kaniya ang kanyang short na uniform at sando.

"Daddy is taking a shower na po," sagot naman niya habang nakanguso kaya kaagad ko na siyang binalingan after ko kay Prince.

"Mommy I know how to wear socks and shoes na po!" sabi ni Prince at kaagad kinuha ang kanyang sapatos kung saan.

"Sige baby, check ko later kung okay ang pagkakasuot mo ha," sagot ko kay Prince.

"Opo!"

"Hmnn...ang bango naman ng baby ko." Inamoy-amoy ko ang buhok ni Princess at hinalikan sa pisngi habang ipinapasuot naman sa kaniya ang kanyang panty na printed Dora.

"Kasi i used Dora shampoo po eh. Daddy bought it," sagot naman niya habang binibihisan ko na rin siya.

"Talaga? Galing-galing naman ni Daddy." Matapos ko siyang bihisan ay sinuklayan ko naman ang mahaba niyang buhok.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now