CHAPTER 28 RAPED

4.2K 137 3
                                    

"Rapist," walang emosyon kong bulong sa aking sa aking sarili.

FLASHBACK

"Stay here, sweetheart. I'm goin' somewhere," biglang sabi ni kuya Ian kasabay ng kaniyang pagbangon mula sa pagkakahiga dito sa loob ng aming tent.

"Ha? Saan ka pupunta? Sama ako, kuya," sabi ko rin sa kaniya.

Pansin kong bitbit pa rin niya ang kaniyang phone at abala sa pakikipag-text sa kung sinuman. Malamang ay mga barkada niya 'yan na kasama rin dito sa camping pero may mga sari-sarili din silang tent.

Napansin ko rin na nagsesenyasan lang sila at nagtatanguan na para bang nag-uusap sila gamit lang ang kanilang mga mata habang gumagawa kami ng mga activity kanina.

"I'm gonna poof. Sama ka?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"Eww! Kadiri ka, kuya. Lumayas ka na nga! Bilisan mo lang, ha." Pinagtutulak ko ang kaniyang likuran para mabilis siyang makalabas dahil baka dito pa siya abutan sa loob! Kadiri!

"Just stay here, okay at huwag na huwag kang aalis dito hangga't wala ako. I love you," seryoso niyang sabi sa akin. Humalik pa siya sa aking noo bago tuluyang lumabas ng tent.

"Basta hahanapin kita kapag nagtagal ka," pahabol kong sabi sa kaniya nang makalabas na siya. Muli naman siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Hehe. I love you too," sabi ko sabay belat sa kaniya at muli ko ng isinara ang tent ng mabilis.

Tahimik na sa labas dahil hatinggabi na at natutulog na ang lahat. May mga ilang siga pa kami sa paligid na nagsisilbing ilaw namin sa magdamag.

Muli na akong nahiga at matutulog na sana ako nang makarinig ako ng mga kaluskos mula sa labas. Mga mabibilis na yabag at sa tingin ko ay marami sila. Kaya muli akong napabangon at sumilip sa labas.

Nakita kong naglabasan din ng tent ang mga barkada ni kuya Ian. Mga nasa lima katao sila. Si Onyx Stewart, Romeo Ray Tyzon, Rhyan Olaf Mcfadden, Aeron Dale Lincoln  and Alden Gamilla.

Kabisado ko na sila dahil palagi silang pumupunta sa bahay para mag-jamming sa pool. Hanggang sa eskwelahan ay hindi sila naghihiwalay. Mababait naman sila kaya nga tanggap din sila ng parents namin bilang kaibigan ni kuya Ian.

May pagkamayabang at hambog din ang iba pero hindi naman na 'yan mawawala sa barkada. Si Rhyan at Onyx  nga lang ang kilala kong tahimik sa kanila. Ang iba ay sobrang magugulo na at makukulit.

Pero nagulat ako nang makita kong pinuntahan nila ang tent ni Prince at binulabog. Pinilit itong buksan ni Alden at nang hindi mabuksan ay ginamitan ni Romeo ng gunting at sinira ang tent. Napilitan ng lumabas si Prince at nakipagtagisan ng katawan at sukatan ng tingin sa lima kataong nakapalibot sa kaniya.

Muntik na akong mapasigaw nang bigla siyang undayan ng malakas na suntok sa panga ni Alden kaya kaagad na napahandusay si Prince pero kaagad naman siyang sinalo ni Romeo at pinagtulungang bitbitin sa kung saan.

Pansin kong tahimik lang na nakasunod sa likuran si Rhyan at Onyx.

Nang mawala na ang grupo ay bigla ding naglabasan ang mga barkada ni Prince at sinundan kung saan nagtungo ang mga barkada ni kuya Ian na bitbit si Prince. Dito na ako napalabas sa aking tent at sinundan ang grupo.

***
Naglakad ako sa madilim na kagubatan at pilit sinusundan ang mga yabag at kaluskos ng grupong aking naririnig. Hindi ko sila gaanong makita dahil sa kadiliman pero may kaunting liwanag naman ng buwan ang tumutulong tanglawan ng kahit kaunti ang paligid. Wala rin silang gamit na kahit anong ilaw.

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon