EPILOGUE

5.6K 142 37
                                    

"CONGRATULATIONS!!!"

"WHOAAAAAAH!"

"CONGRATS, NEWLY WEDS!!!"

Masayang selebrasyon ang pumuno sa buong isla Maian dahil sa katatapos lang na pag-iisang dibdib ng mga kambal sa kanilang kanya-kanyang kapareha.

Punong-puno ng mga tao na ang iba ay nanggaling pa sa siyudad upang makisalo sa engrandeng pagdiriwang na nangyari sa ikalawang pagkakataon. Ang una ay ang nangyaring kasalan sa pagitan ni Ghian at Charisma. At ang pangalawa ay ang kanilang mga anak na kambal na sina Ian at Cristine, Prince at Maian.

Abala ang karamihan sa pagsasaya kaya naman hindi na nila halos napagtutuunan ng pansin ang kani-kanilang mga anak.

"P-pwede bang h-humingi ng pagkain? G-gutom na gutom na ako. M-masakit na ang tiyan ko." Isang batang lalaki ang lumapit kay Princess Jade na abala sa pagkain sa isang lamesa na nasa bandang sulok ng bulwagan.

Nag-iisa lang siya dahil ang kambal niyang si Prince Ice ay bigla na lang nawala maging ang pinsan nilang si Iana Cristine na kanina lang ay kasama pa niya sa mesa at abala sa pagkain ay nawala rin.

Napalingon dito si Princess Jade at nagulat pa sa hitsura ng batang lalaki. Marungis ang batang lalaki at nakabalot lang ng malaki at malapad na tela na marumi ang buong katawan nito. Nakasaklob din ito sa ulo. Nakabalot sa buong mga braso. May suot na maruming gloves sa mga kamay. Nakabalot din ito sa mga binti at nakasuot ng maruming mga medyas.

Halos matakpan din ang buo niyang mukha at tanging mga mata lang nito na kulay luntian ang kanyang nakikita.

Maamo at mapupungay ang kanyang mga matang kulay luntian. Nakahawak siya sa kanyang tiyan at namimilipit sa sakit.

Naisip ni Princess Jade na siguro ay dahil sa sobrang gutom na talaga. Kaya naman kaagad niyang kinuha ang sarili niyang plato na puno pa ng pagkain at iniabot dito.

Nang makuha na ng batang lalaki ang platong puno ng pagkain ay nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig dito at bakas sa kanyang mukha ang saya at kagalakan.

"Here. That's all for you. Don't worry i'm too full," nakangiting sabi ni Princess Jade sa batang lalaki.

Napatitig dito ang batang lalaki at napansin ni Princess ang pagbabago ng kulay ng mga mata nito. Mas lalong tumingkad ang kulay luntian nitong mga mata.

"A-ang g-ganda mo. P-pero h-hindi kita maintindihan," nahihiyang sabi ng batang lalaki.

"Basta magpakabusog ka na lang. Kung kulang pa 'yan, bibigyan pa kita. Gusto mo ba ng strawberry juice? Si daddy ang gumawa niyon kasi favorite daw nila 'yun ni mommy ko."

"Ah-

"Here. Sa iyo na lang 'to." Inabutan ni Princess Jade ang batang lalaki ng isang tumbler na may design na Princess at may pangalan ni Princess Jade.

Kinuha din naman ito ng batang lalaki. Dinala niya ito sa kanyang ilong at inamoy.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Princess ang saglit na paglabas ng dila ng batang lalaki. Mabilis din itong nagtago sa loob ng kanyang bibig.

"Huh! May i see your tongue again? Bakit ang liit at ang haba?" Napababa mula sa kinauupuan si Princess Jade at kaagad lumapit sa batang lalaki.

Ang batang lalaki naman ay mukhang nataranta.

"W-wala. S-sige na. S-salamat dito ah." Mabilis itong tumakbo papalayo habang bitbit ang platong puno ng pagkain at tumbler niyang may lamang strawberry juice.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now