CHAPTER 44 KING/QUEEN

3.5K 109 1
                                    

At nagsimula na nga ang seremonya ni Father para sa aming dalawa ni daddy Prince na kasalukuyan na ngang ikinakasal sa harap ng aming mga malalapit na kamag-anak at kapamilya.

Saksi ang Islang ito na siya ring bumubuo sa pagkatao ko. Saksi ang buwan at maging ang karagatan sa pag-iisang dibdib naming dalawa ng pinakamamahal ko. Na akala ko ay hindi na mangyayari pa magpakailanman.

Nawalan na ako ng pag-asa noon pero ngayon, muli siyang ibinalik sa akin. Ang pangakong kanyang binitawan sa akin noon, kailanman ay hindi nag-iba. Hindi ko man naramdaman pero nariyan lang pala siya. Nananatili siyang nakaagapay, nakasubaybay at pinaghaharian ako. Dahil ako ay kaniya lang pagmamay-ari.

"You have no idea how much I've waited for this moment...to have you confined to my kingdom. And you will not have the strength to come out 'cause I am a mighty Prince who's now one of the King and all the tunnels of my castle are sacred. Magsasama tayo habambuhay, mahal kong Reyna. Bubusugin kita ng aking pagmamahal. You will be my weakness and my strength within our castle. Ikaw lang ang magiging siyang aking sandigan sa lahat ng oras. Tayong dalawa ang siyang magiging magkaramay para mapalaki natin ng maayos, mabuti at may takot sa Diyos ang ating mga anak. You are all my life. And I will give everything for you and for our children. Maging ang buhay ko ay laan ko para sa inyo," mahabang panata ng mahal kong Hari kasabay ng pagsusuot niya sa akin ng singsing. And I couldn't hold back my tears as I heard from him his passionate vows infront of me.

"I also didn't expect this day to come. I didn't notice that I was still covered by a Prince. All I could think was that I was just a slave traveling in the dark. All I thought was that, I was alone...but my dear Prince didn't abandon me. And if you will imprison me now in your Kingdom, kusa na akong magpapasakop and I have no plans to run away. I surrender myself to you, my dear King. I'll live with you for the rest of my life, kasama ng ating mga anak. At mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan, maging sa kabilang buhay."

Pinunasan ni daddy Prince ang aking pisngi na hindi ko namalayang basang-basa na pala ng luha habang ipinapasok ko sa kanyang daliri ang kanyang singsing na magpapatunay na kaming dalawa ay pinagbuklod na ng tadhana.

"I love you so much, baby," bulong niya sa aking mukha habang punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata.

"I love you too, Prince."

"For as much as BRIDE and GROOM have consented together in holy matrimony, and have pledged their love and loyalty to each other, and have declared the same by the joining and the giving of rings, by the power vested in me, and as witnessed by friends and family, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."

Prince immediately grabbed my waist and gave me a passionate kiss on my lips. At the same time flashing cameras around us.

"Congratulations!!!!!"

Kasabay ng kanilang sigawan at palakpakan ay ang pagsabog naman ng fireworks sa kalangitan.

"Oh my God!" napahiyaw ako sa gulat at sa walang kapantay na saya habang nakatingala sa kalangitan na punong-puno ng makukulay na fireworks.

"Mommy!! Daddy!!" Sabay kaming napatungo ni daddy Prince sa aming mga baby.

Kaagad kong binuhat si Princess Jade at si Prince Ice naman ay binuhat ni daddy Prince. 'Di magkamayaw sa pagkuha ng mga litrato ang mga tao sa aming paligid.

"Congratulations, anak," nakangiti pero lumuluhang bati ni mommy na lumapit at sumakay na rin sa aming balsa. Kasunod niya sa kanyang likuran si daddy.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now