CHAPTER 46 PANTY/SPG

5.1K 134 1
                                    

Nagising ako sa magagaang haplos sa aking pisngi ngunit nanatili pa rin akong nakapikit. Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa at sumiksik sa kanyang kili-kili.

Ngunit nagtaka ako nang kakaibang amoy ang nalalanghap ko. Ramdam ko rin na parang may suot ng damit ang asawa ko. I could feel her kissing my forehead.

"Good morning, sweetheart. Wake up. Tanghali na," bulong niya sa aking mukha at doon na ako tuluyang nagising.

My eyes widened and I can't believe I'm staring at the man next to me right now! Napabangon na ako at napansin kong may suot na akong white robe na mahigpit ang pagkakatali sa aking baywang pero natuon ang aking atensiyon kay kuya Ian na kasama ko ngayon dito sa balsa!

"K-kuya Ian?" Kaagad akong napahikbi nang maaliwalas at nakangiting mukha ng kambal ko ang aking nabungaran.

"Congratulations, sweetheart. Miss me?"

"Kuya.." Bumuhos na ang aking mga luha at niyakap siya ng mahigpit.

"You really miss me, eh?" I could hear his warm laughter as he hugged me tightly.

"I'm sorry, kuya. Bati na tayo. Miss na miss na kita. Wala ka kahapon sa kasal ko! Kinasal na kami ni Prince! Ang daya mo! Siguro galit ka sa akin!" humahagugol kong sumbat sa kaniya na may kasamang pagsuntok sa kanyang dibdib pero niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"What am i? Ikaw nga ang wala sa kasal ko eh." Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

"Ha? Kelan ka kinasal?! Bakit 'di mo ko in-invite?! Galit ka sa akin!"

"Last night. Last night, Cj and I got married. Only mom and dad were there at ikaw 'yung wala."

"Ha? Kagabi din? Sabay tayo ng araw?"

"Aha..para sabay din tayong magce-celebrate ngayon and every anniversary natin ay palagi tayong sabay pero sa inyo na lang ang handa para makatipid kami."

He grinned at me so I slapped him in his arm. 

"Kuripot ka! Kaya pala umalis sila mommy at daddy kagabi."

"Yes." Pinisil niya ang aking ilong at saka malamlam ang mga matang tumitig sa akin. "I'm so sorry, sweetheart...for all the wrong i've done to you. Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon. Nagkamali ako, mahal ko. I hope you can forgive me again."

Pansin ko ang panunubig ng kanyang mga mata habang isinusumping niya ang ilang hibla ng aking buhok sa aking tainga.

"Napatawad na kita, kuya. Mahal na mahal kita at hindi ko magagawang magalit sa iyo at magkimkim ng sama ng loob. I'm also sorry for what I said. I didn't mean it. I love you. I love you so much, kuya."

I couldn't help but cry. My tears flowed down my cheeks habang siya ay wala ring tigil sa kapupunas nito. Hindi ako makapaniwalang narito siya sa aking harapan at nakakausap ko na ng ganito.

"I love you more, Maian. I can do everything for you...pero syempre ngayon ay iba na. I can still do that but there's someone will protect you at all times from now on. I know he and your children will care more about you than I do. But I'm still here when you need me. Always remember that." Muli niya akong hinalikan sa aking noo. "I love you so much."

"I love you too, kuya." Muli akong yumakap sa kaniya. "And congratulations din."

"Okay na ba?"

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon