CHAPTER 23 PAGLAYA

4.3K 148 5
                                    

CJ's POV

I hurried out of Prince's unit to chase Ian. Nakita ko na siyang lumiko sa hallway at alam kong elevator na iyon kaya nagmadali na ako sa aking paglalakad. Halos takbuhin ko na nga ang hallway sa pagmamadali upang maabutan siya!

Humihingal na akong dumating sa tapat ng elevator at nakita kong nasa loob na siya at nakahawak ang kanyang kamay sa pinto at pinipigilan ito mula sa pagsara.

H-hinintay niya ako?

Kumabog ng malakas ang aking dibdib at halos manlambot ang aking mga tuhod dahil sa taimtim niyang pagtitig sa akin. Pinilit kong ihakbang ng maayos ang aking mga paa papasok sa loob.

At saka pa lang niya binatawan ang pinto hanggang sa tuluyan na itong sumara.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Magkatabi kami at parehong nakaharap sa pinto pero ni isa sa amin ay walang nagtangkang magsalita.

Until the elevator door opened again.

Pinakiramdaman ko siya kung siya ba ang unang lalabas pero hindi siya kumilos kaya ako na ang naunang humakbang palabas. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

Until we got outside the condo building, he just stayed behind me. I really wanna talk to him but I don't know what to say to him? How do I get started?

Nakarating na ako sa aking kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada at hindi na talaga ako mapakali. I may never see him again. This is my chance!

"I'll take you home." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita mula sa aking likuran.

I slowly faced him. Siya naman ay lumapit sa akin at kinuha ang hawak kong susi. Saglit na nagtama ang balat naming dalawa at kakaibang init ang hatid niyon sa akin.

He opened the door for me and I quickly went inside. Kaagad din siyang umikot sa kabila para makapasok sa driver's seat.

Siya ang nagmaneho at ganun pa rin ang nangyari. Buong biyahe pa rin kaming tahimik hanggang sa makarating kami ng aking apartment.

"T-tuloy ka muna," sa wakas ay nakapagsalita na rin ako.

Hindi siya umimik pero nauna na siyang bumaba ng sasakyan at muli akong pinagbuksan.

Sumama naman siya sa loob ng aking apartment.

"Ahm, m-may gusto ka bang inumin?" tanong ko habang naghuhubad ako ng suot kong shoes at hindi malaman kung saan ilalagay kahit may tamang lagayan naman dahil hindi ako makakilos ng tama.

Tumatambol ng malakas ang aking dibdib!

Hindi ulit siya umimik pero napansin ko siyang dumiretso sa refrigerator at nangalkal doon. He took out my stock of can beer and drank it.

He's still the same as before, the shadow hiding in the dark. Nag-i-istock talaga ako ng can beer dahil alam kong iniinom niya 'yan habang naghihintay siya sa akin na makauwi ako sa hating gabi.

Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang hawak niyang beer at ako naman ang uminom. Tinungga ko ito sa kanyang harapan habang nakikita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang pagtitig niya sa akin.

Halos maubos ko ang laman nito ng aking bitawan pero hindi ko man lang nalasahan ang pait nito dahil sa tindi ng aking nararamdaman.

I stared into his eyes and tried to strengthen my heart. He was also staring at me and seemed to be waiting for me to say something. I could read mixed emotions in his eyes.

"Why? W-why did you do that?" kaagad nabasag ang aking tinig at dagling namasa ang aking mga mata.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at yumuko hanggang sa maipatong na niya ang kanyang noo sa aking kaliwang balikat. Narinig ko ang kanyang mga pagsinghot at pag-uyog ng magkabila niyang balikat.

Napatingala ako at pinigilan ang paglakas ng aking iyak.

"I'm so s-sorry. I'm so sorry, b-baby. If my five years in prison were not enough, I can still go back there right now. Kahit habambuhay pa, kakayanin ko. Mapatawad mo lang ako." Napanganga ako sa aking narinig.

"N-nakulong ka? H-how? P-paano ka nakakapunta dito sa gabi?" Napahawak ako sa magkabila niyang braso at pilit siyang iniangat.

"T-tumatakas ako sa gabi...to see you."

Nang maiangat ko na siya at matunghayan ang kanyang mukha ay pilit pa siyang bumaling sa iba para maitago ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"S-sinong nagpakulong sa iyo?"

"That was my own decision."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman ko. Although I had a suspicion that he was the one who did it to me, I never reported him to the police.

Wala rin naman akong matibay na ebidensiyang maipapakita bukod sa mga maaaring tumestigo na may kinalaman sa mga nangyari noong gabing iyon at medical kung magpapa-doctor ako. Ayaw ko ring maeskandalo ako at ang pamilya ko, so I chose to remain silent.

The Heinrich camp did the same for Maian's sake. Maian's parents know the truth.

Pero kung ang lahat ay tetestigo at masasabi nila ang buong pangyayari ay siguradong mahahatulan si Ian ng panghabambuhay na pagkakakulong.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw kong mangyari iyon sa kaniya. Ayokong makulong siya pero iyon pa rin pala ang nangyari dahil siya na ang nagdesisyon para sa sarili niya.

Sana lang ay mapatawad pa siya ng kambal niya kapag nalaman na nito ang katotohanan.

"Tell me, baby. J-just tell me what do I need to do for you to forgive me for what I've done wrong to you?" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Kitang-kita ko ang matinding pagsisisi sa kanyang mga mata.

"H-hindi ko alam. B-basta ayoko ng babalik ka pa ng kulungan. Huwag ka ng babalik doon, please."

Hindi ko maiwasang maluha. Hindi ko maiwasang maawa para sa kaniya. Ibig bang sabihin ay hindi siya nakapag-aral? At ang pagkakaalam ng kanyang kambal ay nag-aral siya sa ibang bansa at naka-graduate?

"If that's what you want, I will. I'll do everything you want. Anything. J-just tell me, baby."

Tanging pagtango na lang naisagot ko sa kanya.

Bigla niya akong kinabig at siniil ng mapusok na halik sa labi. Sa matindi niyang pagkasabik sa akin ay para bang halos ilang taon ang lumipas simula noong huli kaming magniig samantalang dalawang linggo lang naman ang dumaan.

"I miss you so much, baby. I love you. I love you. I love you," bulong niya nang saglit na naghiwalay ang aming mga labi at muli rin akong hinalikan.

I hugged his neck and answered his kisses. Mabilis niyang nahubad ang suot kong damit habang wala siyang tigil sa pagsiil sa aking mga labi at pagkatapos ay binuhat niya ako.

I immediately wrapped my thighs around his waist. I felt him walk into the room and quickly laid me down on the bed.

Kung noon, kahit naliligayahan ako sa mga ginagawa niya sa akin sa kama ay hindi ko pa rin makuhang gumanti sa kanyang mga yakap at halik. Pero ngayon ay iba na. Ako na ang kusang umibabaw.

Ngayon kasing nakapag-usap na kami at umamin na siya sa nagawa niyang mali, pakiramdam ko ay kagaya niya akong lumaya mula sa matagal na pagkakakulong.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now