CHAPTER 9 HAPPY FAMILY

4.4K 184 5
                                    

"Prince, where are your sister's clothes para mapalitan ko siya ng damit?" tanong ko kay Prince habang pinupunasan ko naman ang mga binti ni Princess.

"There po," sabi niya at mabilis siyang bumaba sa kama at nagtungo sa isang pink trolly bag sa isang sulok. May katabi iyong dalawa pang malalaking trolly bag. Ibig sabihin ay kararating pa lang talaga nila dito dahil nasa bag pa rin ang mga damit ng mga bata?

Hinila ni Prince ang pink trolly bag palapit sa akin.

"Here po, oh," sabi niya at binuksan ang trolly bag habang patuloy pa rin ako sa pagpupunas kay Princess. Nakita kong punong-puno ng mga damit. May stuffed toys pa sa ibabaw nito.

"Sige, ako ng kukuha ha. Wait lang Princess." Agad kong binalingan ang trolly bag. Inilabas ko na ang mga stuffed toys at inilagay sa ibabaw ng kama sa harapan ni Princess. Kumuha ako ng ilang pirasong cotton sando and short para maaliwalas lang ang kaniyang pakiramdam.
"Hindi ka ba nilalamig, Princess?"

"No po."

Mabilis ko na siyang pinalitan ng damit.
Pagkapalit ko sa kaniya ay muli siyang umupo sa lap ko at yumakap. Para na namang hinaplos ang puso ko sa pagiging sweet ng batang ito. Bakit ba iniwan sila ng mommy nila? Napakatanga at napakawalang-puso naman niya para gawin niya ito sa mga  bata. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Kumain na ba kayo? Nagugutom ba kayo?" tanong ko sa kanila. Si Prince ay lumapit na din sa akin at yumakap naman sa aking leeg mula sa likuran.

"Not yet po. Can you just be our Mommy po?" tanong ni Prince. Paano ko ba naman mahihindian ang mga batang ito eh kalalambing. Pakiramdam ko ay mga anak ko sila.

"You can call me ate or tita," sagot ko sa dalawa.

"But i want Mommy, 'di ba Princess?" At naghanap pa siya ng kakampi!

"Mommy," sagot naman ni Princess na tumitig din sa akin. Biglang bumugso ang damdamin ko at nanubig ang aking mga mata. Bakit ba ang tapang-tapang ko at napakatatag ay biglang lumalambot sa mga batang ito?!

"Mommy! Mommy! Mommy!" pagsisigaw naman ni Prince sa aking likuran.

"Kaya mo bang hindian ang mga bata?" Napalingon naman ako sa pinto nang biglang magsalita si Prince. Naglakad siya palapit sa amin na may dalang isang basong tubig at gamot.

"Daddy! Please, let her be our Mommy, please Daddy," pakiusap ni Prince sa kaniyang Daddy at ipinagdikit pa ang kaniyang mga palad na parang nagdadasal.

"Paano kapag bumalik ang totoo nilang mommy?" tanong ko kay Prince Daddy. Nalilito ako sa dalawang ito eh. Magkaparehas kasi ng name!
Tumitig naman siya sa akin ng matagal kaya nailang na naman ako. Bakit ba ganyan siya makatingin?!

"Don't think about it. Ako na ang bahala doon pero kung ayaw mo, sige. Si C-"

"Fine! Oo na," putol ko sa kaniya at napabaling naman sa akin si Prince bulilit na may nanlalaking mga mata.

"Really po?!" sigaw niya sa akin sa sobrang tuwa.

"You can call me Mommy from now on," sabi ko sa dalawang bata. Napasulyap ako kay Daddy Prince at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng emosyon sa kaniyang mga mata at pagkislap nito. Nangiti pa siya ng saglit pero bigla din agad binawi.

"Mommy! Have you heard that Princess? We have a mommy now!" tuwang-tuwa na sabi ni Prince bulilit sa kaniyang kapatid na nakayakap pa rin sa akin at mukhang ayaw ng umalis sa aking kandungan.

"Mommy," sagot ni Princess at kahit namumungay ang mga mata ay nakangiti pa rin.

"Take your medicine baby," sabi ko at kinuha ko kay Daddy Prince ang hawak niyang baso at gamot. Tila naaaliw naman siyang nakatitig sa akin. Kainis naman ang lalaking ito!

Kaagad namang ininom ni Princess ang gamot. Mabuti na lang pala at madali lang siyang painumin. Ako kasi noong bata pa ako ay hirap na hirap si Mommy sa pagpapainom sa akin. Ayoko kasi ng lasa, mapait.

"Ang galing naman ng baby namin," puri ko kay Princess dahil ang galing niya talagang uminom ng gamot. Ini-abot ko na kay Prince na nakangisi sa akin ang baso kaya sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.

"Kumain na ba sila?" tanong ko sa kaniya.

"N-not yet. Maggo-grocery pa lang kasi ako," sagot niya kaya kaagad ko 'uli siyang binalingan.

"Eh tanghali na ah, nagugutom na ang mga bata!" inis kong sabi sa kaniya.

"Oo na nga, mamimili na nga ako eh," sagot niya at tangka ng lalabas ng room.

"Huwag na! Kunin mo na lang 'yong niluto ko sa unit ko!" habol ko sa kaniya.

"Okay," mabilis niyang sagot at nagdire-diretso na palabas at ilang minuto lang ay mabilis na rin siyang nakabalik at kita kong may bitbit na siyang dalawang kaserola dahil tanaw dito sa loob ng k'warto ang labas.

"Daddy! C'mon Mommy, we're gonna eat na po," sigaw ni Prince at nauna ng tumakbo palabas ng room.

But wait, paano siya nakapasok sa room ko? May card ba siya ng room ko? Napatayo na rin tuloy ako habang karga ko sa aking harapan si Princess at lumabas ng room. Nagdiretso kami sa kitchen at naabutan naming naghahayin na si Daddy Prince. Naglagay siya ng four plates sa table. Pinagmasdan ko lang siyang mabuti sa kaniyang ginagawa. Para talaga siyang Daddy na Daddy. 'Di ko alam na ganito pala siya kapag nasa bahay na.

"Woooww! Smells good," bulalas ni Prince bulilit habang may nanlalaking mga mata at ngiti na nakatitig sa beef with mushroom soup na nasa mangkok. Ilang beses pa niyang nilanghap ang amoy nito. Mabuti na lang pala at medyo marami-rami ang nailuto ko kanina dahil ang plano ko ay hanggang gabi at umaga ko na 'yang ulam. But it's fine with me dahil mas masaya akong makakakain ang mga bata ng luto ko.

"You like this?" tanong ko kay Prince bulilit.

"Yes po, Mommy. That's our favorite! We've tasted it with jobbee and it tastes so good and yummy po! So, Daddy always buys that for us. 'Di ba po Daddy?" baling pa niya sa kaniyang Daddy na umupo na rin sa kaniyang tabi.

"Yeah," simple niyang sagot at ipinaglagay na niya kami ng kanin sa plato.

"Really? So, we both have this favorite so I always cook it. So now, Daddy doesn't have to buy that because I can cook it for you every day," nakangiti kong sabi sa kaniya at mas lalo naman nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Really po, Mommy?" Nakangiti naman akong tumango sa kaniya.
"Yehey! Thank you po Mommy. Have you heard that Daddy? It means, Mommy will be living with us from now on!"

Sabay kaming nasamid at naubo ni Daddy Prince dahil sa kadaldalan at kakulitan ni Prince bulilit!

"We can sleep together every night in our bedroom. Mommy will bathe and dress us everyday. From now on, we will be with Mommy on the mall. We can now watch movie cartoons, we can now play in the timezone and eat at the jobbee! And let's live with a happy family!" napakahaba niyang sabi na may kasamang pagpalakpak.

Napapalakpak na rin si Princess na nakaupo pa rin ng paharap sa aking kandungan. Ang kanila namang Daddy ay ngiting-ngiti kay Prince bulilit.

"'Di ba po, Daddy?" tanong pa ni Prince bulilit sa kanyang ama.

"Yeah," agad niyang sagot at tumitig pa sa akin.

Yeah? Payag na payag siya sa mga sinabi ni Prince ice?! Mukhang wala na akong kawala sa mag-aamang ito. Pinagtulungan na ako!

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon