CHAPTER 29 L300

4.1K 138 3
                                    

"I raped you."

Dahan-dahan akong napabaling sa kaniya habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha.

Ilang beses akong napa-iling habang nakatitig sa kanyang mukha na puno ng pagpapatibay sa sinabi niya. Hindi ko magawang paniwalaan ngunit iyon ang ipinapakita ng kanyang mga mata.

"I r-raped you."

"H-hindi. Hindi. Y-you didn't," paulit-ulit kong bulong sa aking sarili.

"We drugged him." Muli akong napabaling kay kuya Ian nang siya ang sumagot. "I was the one who planned to drug him to stimulate his sexual desire."

"W-what?"

"T-the plan is for him to have sex with another woman, so that when you find out what he did, you'll stay away from him. You will hate him. So I told you not to go out and wait for me until I get back to you but you were so stubborn!" sinigawan pa niya ako kaya naman tumaas ng bigla ang dugo ko!

"So, ako pa? Ako pa ang may kasalanan?! It was because of you that I was fvcking raped! If you hadn't made a bad plan against him, this wouldn't have happened to me! I've seen how your fvcking friends forcefully dragged Prince! They even hit Prince on his face!"

"I'm so s-sorry, sw-"

"I hate you! I hate you! I hate you!" Hindi ko mapigilan ang galit ko. Sinugod ko siya at pinag-susuntok sa kanyang dibdib!

"Sweetheart." Hinawakan niya ang pareho kong braso at tinangka niya akong yakapin pero agad akong kumawala sa kaniya.

"Don't you dare call me by your fvcking endearment! It's all your fault! You ruined my life! Hindi mo alam kung anong buhay ang nawala dahil sa ginawa mo sa akin! At dahil sa 'yo kaya kinasusuklaman ko ngayon ang sarili ko! I don't wanna see your face ever again!" Hindi ko na kinaya pang dalhin ang sakit kaya tumakbo na ako palabas ng mansion.

"Maian!" dinig ko ang pagtawag sa akin ni mommy ngunit nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Sumakay ako ng elevator at bago pa ito sumara ay nakita ko pa ang paghabol sa akin ni Prince.

Bumaba ako sa groundfloor. Tatakbuhin ko na sana ang basement para ilabas ang isang sasakyan ngunit naalala kong wala akong dalang susi.

Mabilis akong lumabas ng gate at ang kotse na lang sana ni Prince ang naisip kong imaneho ngunit naalala ko ring nasa kaniya ang susi.

Natanaw ko si Rhyan na nasa tapat pa rin ng mansion nila Heaven Sia kaya sa kaniya ako tumakbo. Napalingon naman siya sa akin nang mapansin niya ako.

"Give me your key," matigas kong sabi sa kaniya. Nagulat naman siya at hindi siguro inaasahan ang inasal ko.

"W-what?"

"You were among the people that night so give me your fvcking key!" 'Di ko mapigilang sigaw sa kaniya at mas nagulat naman siya.

Hindi kaagad siya nakaimik kaya mabilis ko ng inagaw ang hawak niyang susi at sinakyan ang kanyang motorsiklo.

"You can't just let your anger burn," kalmado niyang sabi sa akin.

"Maian!"

Natanaw ko mula sa side mirror ng motorsiklo ang tumatakbong si Prince palapit sa amin.

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon