CHAPTER 4 BUBUWIT

4.7K 160 21
                                    

Davin's POV

"Bakit ba napakatagal nila?" inip na tanong ni Jex habang pabalik-balik ng lakad sa aming harapan. Hinihintay kasi namin ang buong barkada.

We're now in the bar parking lot owned by our friend Prince. Sampo kaming magbabarkada. Si Jex Evan Espinoza ang pinakamainipin sa lahat. Maya't-maya na lang 'yan tumitingin sa orasan at akala mo ay laging hinahabol ng orasan.

"Tawagan mo na kasi!" inis naman na sigaw ni Athan habang nakasandal sa kaniyang kotse at pakamot-kamot sa kaniyang ulo. Athan Jake Ceron, ang pinakabugnutin at pinakamasungit sa barkada. Pati babae pinapatulan. Sira-ulo din eh.

"Ayan na pala si Prince eh," kalmadong sabi naman ni Jhae. Arrince Jhae Nartatez, ang pinakakalmado naman sa lahat. Sa sobrang kalmado niya, nakakatakot na. Hindi mo alam kung kailan siya galit. Bigla ka na lang hahandusay sa lupa pero kalmado pa rin siya.

Oh di ba, nakakatakot? Baka nga napatay ka na niya pero kalmado pa rin siya.

Napatingin naman kaming lima kay Prince na naglalakad palapit sa amin. Bakit kaya naglalakad na naman siya? Saan na naman kaya ito nanggaling? Mukhang sa dilim na naman ito nanggaling. Umaariba 'ata doon eh.

Si Prince Hernandez Jeong, ang pinakamalihim sa lahat. Ewan ko ba sa taong ito. Ang daming sikretong tinatago, magugulat ka na lang na siya pala ay ganito na. Siya pala ay ganoon. Siya pala ay naging ganiyan. Siya pala ay isa ng T.

Alam niyo ba kung ano 'yong T?
Huwag niyo ng alamin kung ano 'yong T. Mga tsismosa din kayo eh no. Hmmnnn! Gigil niyo 'ko!

At oo, lima kaming naririto dahil mayroon pa dito sa aking tabi na napapanisan na ng laway. Si Gray Shown Lee, ang pinakatahimik at pinakaseryoso sa lahat. Ang hirap niyan kausap at mahirap ding lapitan dahil siguradong dededmahin ka lang niyan.

"Late ka boss, kanina pa kami rito eh," pagmamaktol ni Jex habang sinasalubong Prince.

"Sorry, kumpleto na ba? 'Asan na iyong apat?" Luminga si Prince sa aming lahat. Apat na unggoy pa kasi ang nawawala. Ang dalawa sa kanila ay parehong pagong kung kumilos. At ang dalawa naman ay malamang humahanap na naman ng paraan para makatakas sa kani-kanilang jowa.

Kaya ayaw ko ng babae eh. Tsk. Hindi maintindihan ang mga ugali. Kaaarte at mga sumpungin pa, at akala mo ay mga asawa na kung umasta. Bantay na bantay ang kilos mo at hirap na hirap kang makatakas para mag-goodtime man lang paminsan-minsan. Akala mo naman, ipagpapalit na agad sa iba. Tsk. Hirap talagang maging pogi.

Anyway, si Alexus Fernandez ang pinakamakupad sa lahat pero matinik pagdating sa babae. Kailan ko lang nagdiskubre na ang dahilan ng pagiging makupad niya ay dahil nagpapa-charming sa mga babae sa loob ng bar, sa school o kahit saan pa. Anak ng teteng oh.

Isa pa itong si Jamir John Saez na pinakamabanat at pinakabolero sa lahat ng bolero. Kaya nga nagkakasundo itong dalawang ito eh, parehong makukupad pero mabibilis naman pagdating sa babae. Hindi ako gayahin, ako kasi ang habulin sa lahat, habulin ng mga langaw. Oo, para silang langaw sa aking paningin, habol ng habol. Kagigil! I am Davin Romero ang pinakagwapings, pinakapogi at pinaka-macho sa lahat. Huwag na kayong umangal, halikan ko kayo diyan eh. Ang hirap maging pogi, akala niyo ba?

At ang dalawang nagpapasakal lagi sa kanilang mga jowa ay si Raf Xandrake Salazar, ang pinaka-smiling face naman sa lahat ng smiling face. Kahit galit na 'yan, naka-smile pa rin. Anak ng tokwa oh.

Ito namang si Yuan Terron Schwartz, ang pinaka-terror o pinakamalupit. Wala siyang ipinagkaiba kay Gray na tahimik at laging seryoso. Pero pagdating sa kaniyang jowa ay tiklop. T*ngina.

Every night ay naririto kaming lahat sa bar na pag-aari nga ni malihim na Prince para maging alila. Yes! A.LI.LA. Ginawa niya kaming alila! Anong akala niyo? Nag-eenjoy kami dito? No way, my way. Oooops. Baka tamaan ako ng baril.

"Wala pa nga eh! Kab'wisit, nagdidilim ang paningin ko sa apat na 'yan!" galit na namang sagot ni Athan at nauna ng maglakad palapit sa entrance ng bar na ngayon ay naka-close pa. Highblood na naman ang king*na.

Nagsisunuran na rin kaming lahat sa kaniya. Maya-maya naman eh nariyan na rin 'yang apat na makukupad. May ilan-ilan na ring tao ang nakapila dito sa labas at hinihintay na rin nilang magbukas. Anyway maaga pa naman. Six thirty pa lang naman ng gabi at saktong seven ng gabi kami nagbubukas.

Pagkapasok namin sa loob ay nagkaniya-kaniya na kami sa aming mga nakatokang gawain.

Si Athan at Jex ang nakatoka sa kitchen. Sila ang parehong bugnutin kaya hindi sila p'wedeng mag-entertain. Si Jhae na kalmado ang nakatoka sa bar counter, magaling siya sa pagmi-mix ng alak. 'Yong dalawang makupad na sina Alexus at Jamir ang waiter kaya naman nabobola nila ang lahat ng mga babae dito.

Si Gray at Terron ang siyang bouncer. Nababagay naman 'yan sa kanila dahil magkapareho sila ng ugaling tahimik at seryoso. Kami naman ni Raf na smiling face ang siyang nakaupo sa entablado bilang dj at banda. Paminsan-minsan ay narito rin si Prince sa itaas para kumanta pero mas malimit ay iniikot niya ang lahat at tinutulungan. All around kung baga. Simula sa kitchen, sa bar counter, sa mga customer, sa pagkanta at sa security. Ganyan talaga kapag isa kang T. Responsable.

Maya-maya lang ay napansin ko na siyang nakatingin sa labas. Sa glasswall, sa may madilim na parking lot dahil nariyan na naman ang stalker niyang anino.

Yes! May stalker siya, king*na, buti pa siya. Pero nakakatakot naman ang stalker niya, palaging nagtatago sa dilim. Una kong napansin ang aninong 'yan noon ay akala ko ako ang sinusundan niya. Magkasama kasi kami noon ni Prince pero noong maghiwalay na kami dahil pareho na kaming pauwi sa kaniya-kaniya naming condo ay kay Prince siya sumunod. Letseng 'yan. Paasa.

Alam ko kasing babae dahil sa hugis pa lang ng kanyang katawan. Ewan ko lang kay Prince kung kilala na ba niya 'yan. Ayaw kasing magkuwento eh, napakamalihim.

Pero napapansin ko na ang mga saglit niyang pagkawala sa loob ng bar na ito. Pati ang anino ay nawawala rin sa kaniyang puwesto. Gaya na lang ngayon, nagpalinga-linga ako dito sa loob ng bar dahil hindi ko na makita si Prince.

Asan na 'yong Prinsipeng iyon? King*na, nawala agad?!

Hindi ko rin alam kung saan nagmana ng bilis kumilos itong si Prince. Kaya naman ang bata-bata pa lang ay nakadalawang bubuwit na! Letseng tinik talaga, oo.

Miss ko na tuloy 'yong dalawang bubuwit na iyon. Mabisita nga bukas.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now