CHAPTER 5 PRINSIPE

4.3K 164 2
                                    

Davin's POV

Nagsimula na kaming tumugtog dito sa stage at naririto na rin si Prince while holding his guitar and standing in front of the microphone. Si Raf ang nakaharap sa disc jockey mixing music at ako naman ang drummer.

Kumpleto na kaming lahat at napupuno na rin ng tao dito sa loob. Ang apat na kulokoy ay dumating na rin at nasa kaniya-kaniya na ring trabaho.

🎶"When you were here before,🎤
🎶Couldn't look you in the eye.
🎤You're just like an angel,
Your skin makes me cry."🎤

I noticed some women entering the entrance of this bar. Ang ilan sa kanila ay mga kaibigan din namin sa school at ang iba ay mga classmates and schoolmates lang.

🎶"You float like a feather🎤
🎶In a beautiful world
     I wish i was special🎤
🎶You're so fckn special."🎤

Napansin ko ring pumasok ang babaeng nakakaagaw palagi ng aking atensiyon. Si Maian. Kaya naman mas ginanahan akong pahatawin ang hawak kong stick sa drum habang nakatitig sa kaniya. Bakit kasi ang ganda-ganda niya? Sh*t!

🎸"But i'm a creep🥁
🎶I'm a wierdo🎤
What the hell am i doing here🎶
🎤I don't belong here."🎶

I saw her walk straight to the bar counter and fistbump with Jhae. Tsk. Dapat talaga ako ang nandiyan eh. Madali lang naman ang mag-mix ng alak.

🎶"I don't care if it hurts🎤
I wanna have control🎤
🎤I wanna perfect body
🎤I wanna perfect soul."🎶

Parang gusto ko na tuloy madaliin si Prince sa pagkanta para makababa na ako.

🎤"I want you to notice🎶
🎶When i'm not around🎤
You're so fckn special
🎤I wish i was special."🎶

I saw her turn to us and watch our performance as she held a shotglass. Ang galing na ring uminom ng babaeng ito eh. Gustong-gusto kong agawin ang hawak niyang baso.

🔊"But i'm a creep🎤
🎸I'm a wierdo🎶
🎙What the hell am i doing here
I don't belong here."🎤

For me, she was a mysterious woman. Kakaiba siya sa lahat. Oo, palagi ko naman siyang nakikitang nakangiti pero kabaligtaran ang nababasa ko sa kaniyang mga mata. Halo-halong emosyon, lungkot, galit, poot, pagkamuhi, inlove? I don't know kung kanino. Aasa na ba ako? Ang hirap naman kasing basahin ng kaniyang kilos. Hindi mo mapapansin kung kanino ba sa amin ang kaniyang nagugustuhan.

🎶"She's running out🎤
She's running🎤
🎤She run, run, run,
🔊Runnnnnn.....
🔊Runnnnnn....."

Pantay-pantay kasi siyang tumingin. Lahat naman ay pinakikisamahan niya at pinakikibagayan. Wala pa rin akong nababalitaang naging boyfriend niya or even shorttime jowa lang, gano'n.

🎤Whatever makes you happy
Whatever you want🎶
🎤You're so fckn special
I wish i was special."🎶

Marami na ring nagtangkang magpapansin pero parang wala lang sa kaniya. At marami na rin ang nagtangkang manligaw pero nakakaisang word pa lang ay bokya ka na. Tsk. Kaya nga natatakot din akong magpapansin sa kaniya eh. Takot kasi ako sa rejection.

🎶"But i'm a creep
I'm a wierdo🎤
🎶What the hell am i doing here
I don't belong here."🎤

And I also started feeling this way for her when we were in 1st year college until now. Tsk. Ang tagal ko na palang nababaliw sa kaniya. Kailangan ko na yatang kumilos.

Natapos ang first performance namin at bumaba na ako ng stage. Naiwan pa si Raf para mag-dj. Si Prince ay bumaba na rin at sinalubong naman siya ng girlfriend niyang si Cj. Cj Lanzar is one of the muses of the National Collegiate Athletic Association (NCAA). At siyempre siya ang pambato ng aming University Colegio de San Juan de Letran.

Ang ganda naman kasi. P'wede na nga siyang isabak sa Beauty Queen eh. Pero kung pagtatabihin sila ni Maian ay mas hamak na mas lamang si Maian ko. One time nga ay nakita ko sila ng family niya sa isang event sa school at doon ko nakita ang malaking pagkakahawig niya sa kaniyang Daddy. Balita ko nga ay may kambal daw itong si Maian na lalaki eh pero ang alam ko ay nasa ibang bansa. Oh 'di ba, tsismoso din pala ako. Gano'n talaga kapag interesado ka sa isang tao. Kayo naman, oo. Ganiyan din naman kayo eh.

"Hi, Babe!" malambing na salubong ni Cj kay Prince at nagyakapan pa ang mga lintik na ito sa harapan ko nang magkatabi kami sa ibaba ng hagdan.

Napangiwi na lang ako at bumaling na sa bar counter. Nakita kong humarap na rin kay Jhae si Maian at nakipagk'wentuhan. Tsk. Nagmadali na akong makalapit sa kanila.

"Madali lang naman 'to. Turuan kita, you want?" naabutan kong sabi ni Jhae kay Maian habang nagde-demonstrate ng pagmi-mix ng alak. Pansin ko pa ang kakaiba niyang lambing at saya habang kaharap si Maian. Uunahan pa yata ako nitong kulugong 'to ah.

"Really? Sige," nakangiti namang sagot ni Maian sa kaniya.

What the hell? Halos malaglag naman ang aking panga sa isinagot ng babaeng ito at halos matulala naman sa kaniya si Jhae. Natunaw 'ata sa magandang ngiti ni Maian. Iumpog ko kaya ang ulo ng tukmol na ito!

"Hi!" agaw-pansin ko sa kanilang dalawa. Hindi maaari ang pinaggagagawa nila! Lumingon din naman si Maian sa akin.

"Oh Davin, hi," nakangiti niyang bati at marahan pa niya akong sinuntok sa kaliwang balikat.

Haay! Sa wakas, p'wede na yata akong mamatay!

"Hellow Mai," nakangiti ko ring sagot sa kaniya at gumanti rin ako ng suntok sa kanyang kanang balikat kaya naman natumba siya at nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat. Epic, tang*na.

"Dude naman, bakit sinusuntok mo si Maian?!" sigaw ni Alexus na makupad sa akin. Makupad ito eh, paano ito nakarating agad dito? Nasalo niya kasi kaagad si Maian kaya hindi ito natuloy sa pagbagsak.

"Sorry, sorry. Sorry M-maian." Tsk. Kakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo. Mahina lang naman ang suntok ko ah. Paano siya natumba?

"Tipsy ka na Mai, that's enough," sabi ni Alexus kay Maian at inalalayan itong makaupo ng maayos. Nakarami na ba siya ng inom?

"Eherm." Bigla naman kaming napalingon sa aming likuran dahil sa narinig naming pagtighim. At nabungaran nga namin si Prince na matalim ang mga matang nakatitig sa amin.
"Back to work," matigas niyang sabi kaya naman agad kaming nagpulasan paalis.

Lintik naman talaga maka-utos itong anak ng Hari na ito, oo. Ewan ko ba kung paano niya kami napapasunod ng ganito? Prinsipe nga talaga. Tsk.


SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon