CHAPTER 8 OWN REASON

4.8K 157 5
                                    

Rejected?

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pinagmasdan ko ang mga bata. Paano naman nagawa ng babaeng iyon na i-reject ang mga wala pang muwang na mga batang ito? Pagkatapos niyang magpakasarap? At kapag nagbunga ay itatapon na lang ng basta?

"May sasabihin ka pa?" tanong ni Prince at dahan-dahan na lang akong umiling. Isinara na niya ang pinto at wala na akong marinig na ingay mula sa loob.

Napahinga na lang ako ng malalim bago napagdesisyunang bumalik sa aking unit. But wait, dito na ba siya nakatira? Lumipat siya? Kumuha na rin siya ng condo? Nagkataon lang ba na dito rin siya nakakuha ng unit sa mga Delavega? At sa tapat pa ng sa akin?

Ang alam ko kasi ay sa mansion nila sa Rizal siya nakatira. Doon talaga siya umuuwi gabi-gabi pagkatapos niyang magtrabaho sa kaniyang bar. Sinusundan ko rin siya hanggang doon pero hanggang gate lang ako ng subdivision. At ilang beses pa lang naman din akong nakapasok sa kanilang mansion pero iyon ay noong mga bata pa kami.

At hindi ko alam na may anak na pala siya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sa mansion nila sa Rizal talaga siya umuuwi ay dahil may dalawang batang naghihintay sa kaniya gabi-gabi. Pero bakit ngayon ay naririto na sila? Sinong mag-aalaga sa dalawang batang iyon kapag nasa school or nasa trabaho siya?
At paano ko pa siya ngayon maiiwasan kung kapitbahay ko na siya?! Haayst!

Walang pasok today dahil weekends kaya dito lang ako sa loob ng aking unit para maglinis-linis at mag-laundry ng mga bedsheet, kumot, kurtina at ilan ko pang labahan. Hindi ako nagpapa-laundry sa labas dahil mas gusto kong gawin ito ng mag-isa.

Kasalukuyan akong nagluluto ng pagkain ko nang biglang tumunog ang doorbell. Sino naman kaya iyon? May bisita ba akong darating?

Mabilis kong tinungo ang pinto. Sumilip muna ako sa hole... Prince? Agad kong binuksan nang makita kong si Prince ang nag-doorbell.

"Prince," bungad ko sa kaniya. Pansin kong parang hindi siya mapakali.

"Aah, s-sorry. Are you busy? M-may ginagawa ka ba? Nakakaabala ba ako?"

"H-hindi, bakit?" Mas niluwagan ko pa ang pagkakabukas ng pinto.

"I badly need your help. Parang may fever kasi si Princess, masyado siyang mainit. I h-have to buy medicine outside."

"Ha? Teka, sandali." Nagulat naman ako at nag-alala ng sobra! Mabilis kong binalikan ang aking niluluto at pinatay ang kalan. Bumalik ako sa kaniya at sumama sa kaniyang unit.

Nagdiretso kami sa k'warto at nakita kong nakaupo sa gitna ng kama ang magkapatid. Humihikbi si Princess at medyo namumula na ang pisngi at ilong habang nilalaro-laro naman ng kaniyang kapatid na hawak ang isang barbie doll.

Kaagad ko silang nilapitan at hinawakan sa magkabilang side ng leeg si Princess at mainit nga siya pero hindi naman sobra.

"Pahingi na lang ng medyo maligamgam na tubig at bimpo. Tapos p'wede ka ng bumili ng paracetamol for baby sa drugstore. Ako na ang bahala dito," sabi ko sa kaniya ng hindi tumitingin. Naramdaman ko naman siyang mabilis na lumabas.

"Baby, anong masakit sa iyo? Halika." Kinarga ko si Princess na mahinang humihikbi at ini-upo ko sa aking lap. Hindi naman siya sumagot at tumitig lang sa aking mukha at nakikita ko ang kaniyang paghikbi pero maya-maya ay biglang yumakap sa akin. Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Are you our Daddy's friend po?" tanong ng batang lalaki sa aking harapan. Napatitig ako sa kaniyang maamong mukha. Hindi talaga maipagkakailang anak sila ni Prince dahil kamukhang-kamukha niya ang mga bata.

"Aah, y-yeah? What's your name little boy?"

"My name is Prince Ice po," magalang niyang sagot sa akin. Halatang maayos at talagang inaalagaan sila ng mabuti ng kaniyang ama or ng kaniyang mga lolo at lola kung doon man sa Mansion sila dating nakatira.

"Ang cute naman ng name mo? Halika nga rin dito. Are you guys twin?" tanong ko sa kanilang dalawa. Umupo din sa kabila kong lap si Prince. Niyakap ko silang dalawa at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko sa dibdib ko. Parang hinaplos ang puso ko nang mayakap ko ang dalawang batang ito.

"Yes po, and her name is Princess Jade po."

"Oh, so cute. Sinong nagbigay ng name niyo?"

"Our daddy!" sigaw ni Prince na may pagtaas pa ng dalawa niyang kamay. Nakakatuwa ang mga batang ito. Naalala ko tuloy si kuya Ian. Parang kami lang noong mga bata pa kami. Parang ganito din. Maldito at masungit nga lang si kuya Ian pero pagdating sa akin ay over protective siya. Pero hindi na ngayon dahil kinalimutan na niya ako.

"Here's the water," rinig kong boses ni Prince sa aming likuran kaya napalingon naman kami sa kaniya. Ibinaba niya sa kama ang isang maliit na planggana na may lamang tubig.

"Wait lang Prince ha, pupunasan ko lang ang sister mo," sabi ko kay Prince at tumayo naman siya. Lumapit siya sa kaniyang Daddy na nakatayo sa paanan ng kama. Ako naman ay inabot ang planggana at piniga-pigaan ang bimpo.

"Daddy, is she your new friend po? Can she just be our Mommy?" Natigilan ako sa pagpupunas sa mga braso ni Princess nang marinig ko ang sinabi ni Prince sa kaniyang ama.

Kumabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung gugustuhin ko bang marinig ang isasagot ni Prince. Alam kong hindi ang isasagot niya dahil may girlfriend siya at si CJ iyon. Malamang ay si Cj ang pipiliin niyang maging mommy ng kaniyang mga anak at hindi ak-"

"Ask her." Napalingon at nagulat ako sa kaniyang isinagot. Mas lalong kumabog ang aking dibdib dahil sa taimtim niyang pagtitig sa akin.

Anong ibig niyang sabihin? Pumapayag siyang ako ang magiging Mommy ng kaniyang mga anak? How about his girlfriend CJ?

"Ask her if she's ready to be a Mom for the two of you."

"P-prince?" mahina kong tawag sa kaniya ng may pagtatanong. Hindi ba ako nagha-hallucinate?

"I would be glad kung papayag siya?" sabi niya pa rin sa kaniyang anak na lalaki.

"H-how about CJ?" Parang gusto na 'atang tumalon ng aking puso papunta sa kaniya!

"Tita Cj po? Tita Cj is our Aunt, Daddy's cousin," sagot ng batang Prince na nagpatulala naman sa akin.

"C-cousin?" Nangunot ang aking noo at wala na akong maintindihan!

Tinitigan ko si Prince pero umiwas siya ng tingin sa akin. Nagsisinungaling lang ba siya? Palabas lang ba na girlfriend niya si Cj? Pero lagi ko silang nakikitang nagyayakapan at... n-never ko pa silang nakitang naghalikan.

"Is it true?" napakahina kong tanong sa kaniya at halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. Kita ko ang kanyang paglunok at paghinga ng malalim.

"I'll j-just buy medicine," sabi niya at tumalikod na. Naglakad na siya patungong pinto pero hindi na ako mapakali!

"Prince!" sigaw ko sa kaniya at napahinto naman siya pero nanatiling nakatalikod sa amin.
"Please, answer me," bulong ko pero sinisiguro kong maririnig niya.

"Yes. She's just pretending to be my girlfriend."

"W-why?"

"We have our own reason," sabi niya at tuluyan na siyang umalis. Naiwan akong may naguguluhang smart brain.

Own reason?

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now