CHAPTER 21 LUHA

3.9K 144 6
                                    

Cj's POV

"What are you doing here? It's late," tanong sa akin ni Prince pagbukas na pagbukas niya ng pinto ng kaniyang unit. Medyo sumilip ako sa loob at pinakiramdaman kung nariyan ba si Maian.

"Ah..dito muna ako ha. Promise, hindi ako mang-iistorbo." Hindi pa siya sumasagot ay kaagad na akong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kitchen at nagbungkal ng pagkain. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Is there a problem?"

"Si Maian, nariyan ba?"

"Dinner with her family." Napahinga ako ng maluwag.

"Okay. Ang mga bata?"

"Sleeping."

"Mabuti hindi sumama kay Maian?"

"The children were already asleep when she left."

"Okay." Kumuha ako ng plato at sumandok ng kanin sa rice cooker. May nakita akong beef mushroom sa table na may bawas na. Siguro ay iyon ang ulam nila kanina.

"What is it?" tanong ulit ni Prince. Inilapag ko muna ang plato ng kanin at umupo sa harapan nito. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Alam na niya ang tungkol sa anak namin," mahina kong sagot sa kaniya.

"It wasn't difficult for him to discover about that," mahinahon niyang sagot at tila hindi man lang nagulat. Alam ko naman iyon. May sa lahi yata sila.

"What should i do? Natatakot ako. Baka kunin niya si Iana."

"Has he ever done something that you should be afraid of?"

"Wala pa naman. Iyong jacket lang. Kinuha niya at ibinigay niya sa anak ko."

"Has he ever showed to your daughter?"

"I don't know. Ang sabi lang ni Mama ay natanggap na raw nila ang ipinadala kong mga laruan at kasama nga doon ang jacket. Sa kaniya rin galing ang mga laruan."

"Have you talked to him about it?"

"H-hindi na siya nagpapakita sa akin. Two weeks na."

"This early on, he was here." Napatingala ako kay Prince at napanganga dahil sa aking narinig.

"W-what? Narito siya?" Mukhang alam ko na ang dahilan. Kumabog at kumirot ang aking dibdib pero hindi sa takot kundi sa pagka-miss at sama ng loob ko sa kaniya dahil sa pag-alis niya ng hindi nagpapaalam sa akin. At malamang narito lang pala siya sa paligid pero hindi man lang niya ako magawang puntahan.

Ayaw na ba niya? Bakit hindi niya sinabi para naman nakapaghanda ako?! Magpapa-fiesta pa ako! Letse!

"Yes, nagpakita lang siya."

Hindi na ako nakaimik. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata kaya dagli akong tumungo para hindi mapansin ni Prince. Inabala ko na lang ang aking sarili sa paglalagay ng ulam sa aking plato.

"You love him." Natigilan ako sa sinabi ni Prince.

"N-no, of course not. Why would I love the man who ruined my life?" pagtanggi ko. Sunod-sunod kong isinubo ang pagkain sa aking bibig.

"You better ask yourself," kibit-balikat niyang sagot. Napahinga na lang ako ng malalim at saka ipinagpatuloy ang aking pagkain. Siya naman ay dumiretso sa refrigerator at naglabas ng ilang can beer.

"By the way, may bakante pa ba rito sa tabi mo? Dito na lang ako lilipat." Kung hindi na talaga siya magpapakita sa akin ay aalis na lang ako doon. Masyado na akong nalulungkot sa apartment na iyon.

"Why?" tanong niya sabay tungga sa lata ng bote.

"Nalulungkot ako doon. Gusto kong makasama ang mga bata sa araw-araw."

"Eepal ka lang eh." Sinamaan ko siya ng tingin. Binato ko sa kanya ang kutsara na agad din naman niyang nasalo.

"Bad ka. Kumakain ka eh." Muli niyang ibinalik ang kutsara sa aking plato.

"Ah basta, lilipat na talaga ako. Mamamatay ako sa lungkot sa bahay na 'yon."

"It's up to you."

***
"Dito na lang ako matutulog ha," sabi ko sabay higa sa malapad na sofa sa sala. Siya naman ay pansin kong maya't-maya ang tingin sa orasan.

Mag-aalas onse na ng gabi at may plano pa yata siyang lumabas. Nagsuot na siya ng pants and t-shirt na panglabas.

"Tsk."

Napalingon ako sa kaniya na abala sa kanyang phone habang nakatiim-bagang. May hawak pa rin siyang beer at malamang ay may tama na 'yan dahil ten cans na 'ata ang naubos niya!

"Hoy! Huwag ka ng lumabas ha. Nakainom ka na," malakas kong sabi sa kaniya. Baka kasi kung mapaano pa siya sa daan eh. "Sino bang hinihintay mo? Si Maian? Uuwi ba siya?"

"May usapan kami kanina before she left."

"Na?" Tuluyan na akong bumangon mula sa aking pagkakahiga.

"That she would come home right away 'cause she knew that I would wait for her." Nakita kong inabot niya ang susi ng kotse na nakasabit sa may wall.

"Tss. Eh paano kung hindi pinauwi ng family niya?"

"Susunduin ko siya." Nagtungo na siya sa pinto kaya kaagad na akong tumayo at hinabol siya para pigilan.

"Hey, Prince! Huwag ka ng lumabas. Tawagan mo na lang siya."

"Out of line siya," frustrated niyang sagot sa akin. Humarang ako sa pinto para hindi niya ito mabuksan.

"Eh baka lowbat?"

"Dami namang dahilan. Stay here. Bantayan mo 'yong mga bata."

"Hoy, lasing ka na."

"I'm not drunk, okay. Get out of my way."

"Lasing ka na."

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at pilit itong binubuksan kahit narito ako sa kanyang harapan.

"Prince, ano ba?!" Wala akong nagawa sa kanyang lakas. Nabuksan niya ito at nakulong ako dito sa likuran ng pinto. Hinintay ko siyang isara ito pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin sumasara.

"P-prince, I'm sorry i'm late," tinig ni Maian ang aking narinig. Kusa na akong lumabas upang makita ang kanilang eksena.

At nang oras na mapaharap na ako sa kanila ay halos mangatog ang aking mga tuhod nang mabungaran ko doon si Maian...

....at....

....si Ian.... na nakikipagsukatan ng titig kay Prince.

Kumabog ng malakas ang aking dibdib nang masilayan kung muli ang kanyang hitsura. Apat na taon din ang lumipas na hindi ko siya nakita. Pantay lang ang taas nila ni Prince pero napansin ko ang medyo pangangayayat ni Ian. Hindi katulad noon na napakaganda ng kanyang katawan. May bigote na rin siya na para bang pinababayaan niya lang na humaba.

"What are you doing here?" matigas na tanong sa kaniya ni Prince kasabay ng kanyang paghila kay Maian at paghapit sa baywang nito.

Napansin kong unang nagbitaw ng tingin si Ian na hindi niya naman ugali dati. Dati kasi ay wala siyang sinasanto. Kahit sino ka pa, o kahit mismong si Prince ay napapayuko niya noon dahil ang tingin niya sa sarili niya ay kaya niya ang lahat, na siya ang pinakamataas.

Ngunit ngayon ay tila ba nabaligtad na ang mundo. Malamlam ang kanyang mga matang bumaling sa akin.

Pilit kong pinatigas ang aking dibdib. Pilit kong pinatalim ang mga titig ko sa kaniya ngunit sadya nga pa lang traydor ang puso...

...dahil kusa pa ring bumagsak ang mga luha ko.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now