CHAPTER 6 RIGHT PLACE

4.3K 173 6
                                    

Maian's POV

"Back to work," matigas na utos ni Prince sa kaniyang mga kaibigan na kaagad din namang nagsisunod.

Nagtataka rin ako kung paano niya napapasunod ang mga kaibigan niyang ito gayong kayayaman naman nilang lahat. Gabi-gabi silang naririto para magtrabaho at magpasailalim kay Prince. Oo, alam ko dahil gabi-gabi rin akong naririto para makita siya pero banayad lang ang aking pagkilos at hindi ako nagpapahalata sa kanila.

Tiklop silang lahat kay Prince na hindi ko maintindihan kung paanong nangyari samantalang ang pagkakatanda ko noong highschool pa lang kami ay pantay-pantay lang ang turingan nila sa isa't-isa. At ang isa pang pinagtatakhan ko ay paano nangyaring nagkasabay pa rin kaming lahat sa pag-aaral sa college at lahat sila ay nasa iisang school pa rin. Samantalang na-stop nga ako ng one year. Dapat ay graduate na sila ngayon at nagtatrabaho ng lahat.

Naramdaman ko siyang umupo sa silya sa aking tabi. Ako naman ay dinukot ang phone sa aking bulsa at inabala ang sarili sa pag-scroll down sa newsfeed ng facebook. Hindi na rin ako kinausap ni Jhae at inabala niya rin ang kaniyang sarili sa pagbibigay ng order sa mga customer. Narito kasi ang amo kaya hindi makaporma.

"Babe, narito ka lang pala eh. Kanina pa kita hinahanap," dinig kong tinig ni Cj at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagyayakapan nila sa aking tabi. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone at pinigilan ko ang paghinga ko ng malalim.

"Jhae, one more please," malambing kong sabi kay Jhae at alanganin naman siyang tumingin sa akin.

"Oh, hi Maian, you're here. Hindi agad kita napansin," bati sa akin ni Cj kaya lumingon na rin ako sa kanila. Nakaharap ng upo sa kaniya si Prince habang si Cj ay halos nakayakap pa rin sa leeg nito. Medyo may kataasan kasi ang stool dito sa counter kaya halos kaunti lang ang itinaas ni Cj kay Prince mula sa pagkakatayo nito sa harapan.

"Ah yeah? Don't mind me, I'm just a breeze na hindi nag-eexist," nakangiti kong sagot sa kaniya na pinangunutan naman niya ng noo.

"Ha? I don't get what you mean," maarte niyang sagot sa akin. Pansin ko ang pagtitig sa akin ni Prince pero kahit isang sulyap ay hindi ko ginawa sa kaniya. At sisiguraduhin kong wala siyang mababasang kahit anong emosyon sa aking mga mata. Ganiyan ako kagaling magtago ng aking nararamdaman.

"Never mind. Just ignore me," walang  emosyon kong sagot at muling bumaling kay Jhae. Nginitian ko ulit siya ng pagkalambing-lambing.
"Please?" Kinindatan ko pa siya at pansin ko naman ang kaniyang pagtulala at pagtitig sa akin.
"Woi," paggising ko sa kaniya at pinitik ko pa ang aking daliri sa kanyang harapan.

"H-ha? A-ano nga ulit iyon?" utal niyang tanong at nangiti naman ako sa kaniya.

"Ihahatid mo naman ako eh, hindi ba? Incase na malasing ako," malambing ko pa ring sabi sa kaniya.

"O-oo naman."

Muli kong narinig ang pagtighim ni Prince pero hindi ko pinansin.

"So, what are you waiting for? Bigyan mo na ako, nauuhaw na ako oh." Hinawakan ko pa ang aking lalamunan at hinimas-himas habang lumulunok ng laway na nanunuyo na talaga.

"S-sige, here." Nilapagan niya ako kaagad sa aking harapan. Dadamputin ko sana ito kaagad nang biglang may nauna. Napalingon ako kay Cj at nakita kong mabilis niya itong ininom.

"Hey, that's mine," super kalmado kong sabi sa kaniya. Medyo nakangiti pa ako at hindi ipinakita sa kaniya ang aking pagkainis.

Sa totoo lang ay gusto ko na siyang ingudngod diyan sa sahig para malaman niyang akin 'yang lalaking niyayakap niya pero hindi ako gano'n. Nasa ibaba na ako at hindi ko na hahayaan pang tuluyang malugmok sa lupa ang sarili ko para sa kaniya. Okay na sa akin ang makita siya at makasama siya kahit hindi ko siya mahawakan.

"Oh sorry, bigla rin kasi akong nauhaw eh. Isa pa nga Jhae," baling niya kay Jhae.

"Sure." Agad niyang inabutan ng panibagong baso si Cj at kaagad din naman itong ininom.

Si Cj ay schoolmates ko na simula pa noong highschool pero never kaming naging magkaklase dahil ang balita ko ay nasa last section siya. Not sure, hindi rin naman kasi ako intiresado.

Palagi ko na rin siyang nakikita noon sa comments sa bawat post ni Prince sa facebook. Hindi ko lang pinapansin dahil famous naman si Prince. Ang akala ko ay isa lang din sa mga tagahanga ni Prince pero nagulat ako nang malaman ko noong magbalik eskuwela ako na girlfriend na pala siya ni Prince. Natulog lang ako, paggising ko ganito na ang nangyari.

Simula noong mag-aral ulit ako sa college ay hindi ko na makuhang makipag-usap sa mga lalaki. Ultimo si Prince ay iniwasan ko at napansin ko rin naman ang paglayo niya sa akin na akin din namang pinagtakhan.

Noong medyo maka-recover na ako ng isang taon ay paunti- unti na akong nalalapitan ng ilang kalalakihan hanggang sa maging close ko na ulit sila pero si Prince ay never ko ng kinausap.
Lalo na noong malaman kong may girlfriend na siya. Okay na akong tanawin siya mula sa malayo, hindi niya na rin naman ako napapansin kaya fair lang.

"Jhae," tawag ko ulit kay Jhae. Kinuha ko ang card sa aking wallet at inilapag sa kaniyang harapan.
"Babayaran ko na ang lahat ng 'yan kaya ibigay mo na sa akin 'yan." Pansin ko namang natigilan si Cj sa aking gilid pero hindi ko siya nilingon.

"Hindi ka pa ba nahihilo? Naka-ten glass ka na eh," tanong ni Jhae.

"Nope, parang hindi mo naman ako kilala niyan? I can drink at least 50 glasses," taas-noo kong sagot sa kaniya.

"Fifty?!" gulat na tanong ni Cj sa aking tabi.

"What's the matter?" tanong ko sa kaniya habang bahagyang nakataas ang sulok ng aking labi.

"Nababaliw ka na ba? Eh sa ten glass pa nga lang ay lasing na lasing na ako eh," sabi niya at pansin ko na nga ang medyo pamumula ng kanyang pisngi.

"Huwag mong ipantay ang sarili mo sa akin, magkaiba tayo. Hindi tayo magka-level," mahinahon ko pa ring sabi sa kaniya.

"Sinasabi mo bang mababang uri ako?"

"No, I'm the one below. Ibinaba niya ang pagkatao ko." Sa pagtitig ko kay Cj ay napansin ko ang pagtiim-bagang ni Prince. Bahagya pa itong yumuko at ibinaba na rin ang kanyang paningin.

"W-what? What are you talkin' about?" nakatitig ding tanong sa akin ni Cj.

"The man who ruined my life." Hindi nakaimik si Cj at bahagya siyang lumingon kay Prince na nakatungo na sa kaniyang kinauupuan.
"And because of that, I couldn't even get him. But it's fine with me then, I know we don't fit in with each other anymore. At matagal ko na iyong tinanggap." Tumayo na ako.
"And now I realized that....I need to stop my madness...because now I know where my right place is."

"S-saan?"

"Kung saan nababagay ang mga katulad ko." Pagkasabi ko niyon ay mabilis ko na silang tinalikuran.

Ito na ang huling gabing makikita nila ako dito. Ito na ang huling gabing susunod-sunod ako kay Prince. Walang k'wenta ang ginagawa ko at kailangan ko na itong ihinto. Tanggap ko ng hindi siya para sa akin at kalimutan na ang mga salitang binitawan niya noon dahil wala na iyong halaga ngayon.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now