CHAPTER 32 ITAK

3.7K 121 1
                                    

Cj's POV

"C-Can i ask you?" tanong ni Ian. Kanina ko pa napapansin na para bang balisa siya. Is he afraid?

"Ano 'yun?" Ngumiti ako sa kaniya para mabasawan ang tensiyon na nararamdaman niya.

"A-about Iana? D-do you think she'll accept me?" Mas nilakihan ko pa ang aking pagkakangiti.

"Bakit naman hindi? Daddy ka niya at matagal ka na niyang hinahanap."

"R-really?" Tila na-excite naman siya.

"Hmmn. Ang sabi ko lang sa kaniya ay nagtrabaho ka sa ibang bansa kaya hindi ka nakakauwi." Bumalatay ang emosyon sa kanyang mga mata.

"You lied to our daughter just for me. Just to cover up what I did to you."

"Hindi pa naman kasi niya maiintindihan 'yun kung sabihin ko man sa kaniya ng ganito kaaga. Four years old pa lang siya, Ian. Saka na lang natin sabihin sa kaniya kapag malaki na siya. Kapag maiintindihan na niya ang lahat," mahinahon kong paliwanag sa kaniya at nakita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mukha.

"H-how about your p-parents?"

Tumitig ako sa kaniya at nakikita ko naman ang kanyang katatagan pero di pa rin maiwasan ang kaba at takot na kanyang nararamdaman para sa pagharap niya sa aking mga magulang.

"Wala silang alam. Ang n-nasabi ko lang ay hindi ka pa handa. H-hindi ko pa rin kasi alam kung anong sasabihin ko noon sa kanila. Gulong-gulo ako noon at saka lately ko lang na-sure na ikaw talaga 'yun base sa mga k'wento ni Prince sa akin. Pero hindi niya naman nabanggit ang about sa drugs na ginawa sa iyo ng mga kaibigan niya. Pero naiintindihan ko na ngayon kung bakit naging sunod-sunuran silang lahat kay Prince. Iyon ay dahil kung hindi sila gumanti sa iyo ay hindi naman din sana ako mare-rape. Pinalaki ng mga kaibigan niya iyong nangyaring gulo."

"I also understand them. They love their friend so that's why they did the same thing. Iginanti lang din nila si Prince sa akin. Ganun kapag totoong mga kaibigan. Hindi nag-iiwanan at ayaw nilang may maaagrabyado na kahit sino sa kanila."

"Nagkakausap pa ba kayo ng mga friends mo?" bigla kong naitanong dahil ang iba sa kanila ay matagal ko ng hindi nakikita.

"Si Rhyan and Onyx lang. They always visit me. Wala na akong balita kila Aeron, Alden and Romeo. Hindi rin daw alam no'ng dalawa kung nasaan iyong tatlo."

Tumango-tango na lang ako sa kanyang mga sinabi. Wala na rin naman akong balita sa kanila.

***
Narito na kami sa tricycle at malapit na kami sa aming bahay na hindi naman kalakihan. Sakto lang.

Hindi naman din kami mayaman. May kaunting pananim lang din kaming sinasaka at si mama ay abala lang palagi sa garden niya at ang mga ito ay ibinebenta niya.

Si Papa naman ay retired sundalo at hindi ko alam kung alam iyon ni Ian.

Hawak ko ng mahigpit ang nanlalamig na mga kamay ni Ian habang papalapit na kami sa aming bahay hanggang sa huminto na ang tricycle. Gabi na at ilan na lang ang tao sa labas. Mas mabuti na rin iyon para iwas-tsismis ng mga kapitbahay.

"Hey. Ayaw mo pa bang bumaba?" sabi ko kay Ian nang mapansin kong nasa loob pa rin siya ng tricycle at ako ay narito na sa labas. Naibaba ko na rin ang aming mga gamit sa tulong na rin ng tricycle driver.

"H-ha?" nautal pa niyang sagot sa akin at parang nagulat pa. Pinigilan ko na lang ang matawa sa kaniya.

"Narito na tayo. Halika na." Hinila ko na ang kanyang kamay para lumabas na siya.

"B-baka hindi pa dito." Natawa na talaga ako sa kaniya.

"Narito na tayo. Ayon na 'yung bahay namin oh." Itinuro ko ang bahay namin na may gate dito sa gilid ng highway.

"B-baka naliligaw pa tayo."

"Heh! Tumigil ka. Halika na," natatawa kong sabi sa kaniya at lumabas na rin naman siya ng tricycle.

Napapakamot na lang siya sa kanyang ulo at hinila na rin ang aming mga bagahe. Marami kaming pinamiling pasalubong lalo na kay Iana. Siguradong masusurpresa siya lalo na at hindi kami tumawag na uuwi kami ngayon.

Lumapit na kami sa gate at kaagad nag-doorbell. Kita naman ang loob ng bakuran namin at ang hindi kalakihang bahay na puno na ng ilaw sa loob at sa terrace nito ay may ilan kaming natatanaw na parang nagkakainuman at nagkakasayahan dahil yari lang naman sa rehas-rehas na bakal ang aming gate.

Nagkahulan at nagtakbuhan ng mabilis ang aming mga aso patungo dito sa gate. Si Ian ay ramdam kong nagkubli sa aking likuran at humawak pa sa magkabila kong balikat.

"Blacky! Whitey! Browny! Bluey! Redy! Yellowy! Tsutsuuu!" tawag ko sa kanilang lahat. Rinig ko namang natawa mula sa aking likuran si Ian.

"Bluey, Redy? Yellowy? Meron pala no'n?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Wala, wala. Black silang lahat no?" pambabara ko sa kaniya dahil kita naman niyang iba-iba ang kulay ng mga aso. May ilaw naman dito sa gate namin at mga poste sa calsada.

Natawa naman siya sa akin at bahagya pa niyang tinusok ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Sasawayin ko na sana siya nang matanaw kong may lumabas na sa aming bahay at patungo na dito sa gate.

"Hay ate?! tita! ate Cj naa diri!" sigaw ng pinsan kong babae na kaagad kaming pinagbuksan ng gate kaya nagtakbuhan naman palabas ang mga aso.

"B-baby?" Nanigas si Ian sa aking likuran at para na siyang na-estatwa habang tuwang-tuwa ang mga aso sa pag-amoy at pagdila sa aming mga binti. Ganun din kay Ian.

"Maayong gabii, ate Cj. Ngano nga wala ka magtug-an sa amon nga ikaw pauli na? Kinsa ang gwapo nga lalaki kauban nimo, ate Cj?" sunod-sunod na tanong ng aking pinsan habang kinukuha ang aming mga bagahi at tinulungan kaming ipasok sa loob.

Natawa naman ako sa kaniya dahil napansin niya kaagad ang kagwapuhan ni Ian kahit gabi.

"Tagalog na lang, please. Nand'yan ba si mama at papa?" sabi ko sa kaniya para naman hindi ma-out of place si Ian at baka isipin pa niyang pinag-uusapan siya.

"Ay sorry, ate. And'yan po sa loob. Nag-iinuman nga pala sila tito. Ayon, oh sa terrace."

Napalingon ako kay Ian at halata sa kanyang mukha ang pamumutla at napapangiwi pa siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang nanlalamig na mga kamay at hinila na rin papasok sa loob ng bakuran.

Pagbungad namin sa terrace ay napalingon kaagad sila sa amin. Si papa ay napatayo at kaagad na lumapit sa amin.

Hinawakan niya ang kaluban ng kanyang itak na nakasabit sa kanyang tagiliran baywang.

Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha kaya kahit ako ay kinabahan din.

"P-papa."

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now