CHAPTER 30 SAFE

4K 130 3
                                    

Tunog ng isang humahagibis na ambulansiya.

"Daddy, daddy, daddy Prince. Can you hear me? P-pinapatawad na kita. P-please, don't sleep, Prince. I need you. Hindi ka p'wedeng mawala. 'Yung mga bata! Kailangan ka namin ng mga bata!" Sumasabog na ang aking luha dahil sa sobrang pag-iyak habang hawak ko ng mahigpit ang mga kamay ni Prince.

Narito na kami sa loob ng ambulance at mabilis na humaharurot patungong hospital. Sobra-sobrang takot ang nadarama ko sa mga oras na ito dahil hindi siya nagsasalita!

Nakatitig lang siya sa akin pero nakikita kong pinipilit niyang ibuka ang kaniyang mga labi na para bang may gustong sabihin ngunit walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig.

"Daddy, lakasan mo ang loob mo. Kahit hindi na ako ang isipin mo, 'yung mga bata na lang. Please."

Biglang huminto ang sasakyan at bumukas ang dulong pinto. Kaagad na nilang pinagtulungang ilabas ang stretcher na kinahihigaan ni Prince at mabilis na ipinasok sa emergency room.

Hindi ko pa rin binitawan ang kanyang mga kamay habang mabilis kaming naglalakad dito sa kahabaan ng hallway hanggang sa makarating na kami sa operating room.

"Ma'am, hindi na po kayo maaari sa loob. Hintayin niyo na lang po ang doctor dito sa labas," sabi ng isang nurse na humarang sa akin nang ipasok na si Prince sa loob ng operating room.

"Please do your best, please. Iligtas niyo siya!" malakas kong sabi sa kanila habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

"We'll do our best, ma'am," pagkasabi niyon ay mabilis na siyang pumasok sa loob at naiwan na ako dito sa labas.

Kaagad kong dinukot ang aking phone sa bulsa ng suot kong pants at nanginginig ang aking mga kamay na nag-dial sa telephone number sa aming mansion.

"Hellow?" dinig ko ang tinig ni mommy mula sa kabilang linya kaya napasigaw na ako.

"Mommy!!!"

"Maian? What happened?!" Ramdam kong nataranta siya. Narinig ko rin ang boses ni daddy sa background.

"We're now in the hospital. Prince had an accident. Nabundol siya ng L300. Mom, please come here right now! I'm so scared, mommy!"

"What?! Okay relax lang ha, sweetie. Papunta na kami dyan ng daddy mo, okay. Just calm down, okay?"

"Make it faster, mommy."

Wala na akong narinig sa linya. Bigla na itong naputol at siguro ay nagmadali na silang nagtungo dito. Tahimik akong naupo sa gilid habang nanginginig pa rin ang aking katawan at patuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha.

Hindi ako makalma ngayong alam kong nasa bingit ng kamatayan si Prince. Kasalanan ko ang lahat! Sana hindi na lang ako umalis!

"Don't worry, he's not dead yet. This is not the right time for him to leave this world." Napalingon ako sa nagsalita sa aking tabi at nakita ko si Rhyan.

"Paano mo nasabi?! Hindi ka Diyos!" Inis kong sabi sa kaniya.

"Basta alam ko lang. Bye." Umalis na siya at nagtungo sa isang silid dito sa hallway.

Sino naman kaya ang pinuntahan niya don?

***
Malayo pa lang sila mommy at daddy ay napatayo na kaagad ako at mabilis silang sinalubong. Nakita ko ring kasama nila sila tito King at tita Nancy na umiiyak.

"Ano bang nangyari? Ang anak ko," umiiyak na sabi ni tita Nancy.

Sinalubong ako ng yakap ni mommy at daddy.

"Mommy, si Prince." Napahagulgol ako pero kaagad din akong bumitaw at humarap kila tita Nancy at tito King.

"T-tita, tito...i'm so sorry po. Kasalanan ko po. Kasalanan ko. Iniwan ko si Prince. Nag-motor ako at siguro ay nag-alala siya sa akin kaya hinabol niya ako. Bumangga po siya sa isang L300 na nakasalubong namin. Dapat ako po iyon. Ako dapat ang babangga pero inunahan niya ako. Siya ang sumalubong sa sasakyan. Hinarang niya 'yung sarili niya para hindi umabot sa akin. Patawarin niyo po ako." Halos maglumuhod ako sa kanilang harapan ngunit kaagad akong itinayo ni tito King.

"Ano bang nangyari?" umiiyak na tanong ni tita Nancy.

"Maian already knew the truth. Sa mga nangyari sa kanila noon ni Prince, Ian and Cj," sagot ni daddy.

Napansin kong natigilan sila tita Nancy at tito King. Siyempre alam din nila iyon. Ako lang naman ang walang alam dito.

Pero napapaisip ako kung hindi ba sila nagalit kay Ian noon? Anong ginawa nilang parusa kay Ian sa mga kasalanang ginawa niya? Hinayaan na lang ba nila?

Sa tingin ko ay wala namang kasalanan dito si Prince. Pinagtulungan siya ng barkada ni kuya Ian kahit nananahimik siya sa kanyang tent. Tinurukan ng drugs kaya wala siya sa sariling katinuan noong ma-rape niya ako.

At wala rin siyang alam noong mga oras na iyon na gumanti ang kanyang mga kaibigan at si Kuya Ian naman ang kanilang pinagtulungang turukan ng drugs kaya si Cj naman ang nagahasa niya nang mawala din siya sa sarili niyang pag-iisip.

Kung tutuusin ay parehas may kasalanan ang mga kaibigan ng parehong panig at si Kuya Ian ang pasimuno ng lahat.

Ang tanging naiisip ko lang na kasalanan sa akin ni Prince ay nanahimik siya. Hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Nagpanggap pa siyang anino sa akin noong mga nakaraan.

Sinabi niyang sa kaniya lang ako at siya lang ang nagmamay-ari sa akin. Iyon pala ay siya si Prince. 'Yan ang pangako niya sa akin simula noong mga bata pa kami.

"I'm so sorry, Maian kung hindi namin nasabi sa iyo. Iyon kasi ang desisyon ni Prince at kaya nakapagdesisyon si Prince ng ganun ay dahil alam niyang ang kuya Ian mo ang may kagagawan ng lahat. Alam ni Prince kung gaano mo kamahal ang kambal mo kaya wala siyang karapatang magsabi sa iyo ng totoo. Ang kuya mo ang hinihintay niyang magsalita at aminin ang lahat sa iyo."

"I understand, tita." Nagyakap kami ng mahigpit ni tita Nancy.

Ilang oras pa ang hinintay namin bago lumabas ang doctor mula sa emergency room. Lahat kami ay napatayo upang salubungin ang doctor.

"Doc, how's my son," naunang tanong ni tito King sa doctor.

"Doc, ligtas po ba anak ko?" sunod na tanong naman ni tita Nancy.

"He needs a copy of blood. His head hit the gutter na siyang dahilan ng pagkawakwak ng kanyang anit kaya sumabog ang maraming dugo. But the wound wasn't big. We have sewed the wound but we're still monitoring and scanning it to ensure na walang na-damage sa kanyang utak at walang namuong dugo sa loob. Sa ngayon ay ligtas na siya."

Napahinga ako ng maluwag at sobra-sobrang pasasalamat ang naihatid ko sa Panginoon sa pagkakaligtas niya sa mahal ko.



SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now