CHAPTER 19 SHADOW

4.1K 153 16
                                    

Maian's POV

"Marami na siguro 'to," sabi ko habang ni-check ng mabuti ang mga items na nasa pushcart namin.

"Mommy, i want ice cream po," humihikbing sabi ni Princess habang nakaupo sa loob ng pushcart.

"Daddy, i want that!" Napabaling naman ako kay bulilit Prince na nakasakay sa batok ng kanyang ama na namimili naman ng beverages. Nakita kong dumampot siya ng mga juices.

"Huwag ka ng kumuha n'yan. Ipagbe-blend ko na lang sila ng fruits para mas fresh ang iinumin nila. Ibalik mo na 'yan," sabi ko at sinimulan ko ng itulak ang pushcart.

"A'right, sabi mo eh," sagot niya at naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin at sumabay sa paglalakad.

"But I like that milktea, Daddy," pangungulit ni bulilit Prince sa kaniyang ama.

"Ssshh, enough Ice. Ayaw ni Mommy, magagalit siya." Sinamaan ko ng tingin si Daddy Prince. Kailanman ay hindi ko pa pinagalitan ang mga bata!

Two weeks ko na silang nakakasama at kahit sobrang makukulit sila ay napakalalambing naman. Minuto pa nga lang simula noong makaharap ko sila ay kakaiba na kaagad ang naramdaman ko para sa kanila. Lalo na ngayon na alam kong mahal na mahal ko na sila sa loob ng dalawang linggo ko pa lang silang nakakasama, araw at maging sa pagtulog.

Pati na nga rin siya eh. Muntik-muntik na ngang may mangyari sa amin. Haayst! Kainis! Kaso bigla na lang akong magigising, panaginip lang pala.  B'wisit.

"Mommy please po," ungot ni Prince bulilit sa akin kaya hinarap ko na. Nasa itaas siya kaya nakatingala ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kanyang maliit pa na kamay.

"Baby, hindi masarap 'yon. Gagawaan ko na lang kayo ng milktea ni Princess. 'Yong mas masarap pa doon at mas marami s'yempre. Dadamihan ko ng milk, gusto mo ba 'yon?" nakangiti kong sabi sa kaniya. Pansin ko naman sa ibaba ng aking mga mata ang mariing pagtitig sa akin ng kanyang ama habang ngiting-ngiti. B'wisit na ito eh.

"Do you know po how to do it?"

"Ofcourse! Bihasa si Mommy gumawa ng milktea," pasikat kong sabi sa kaniya.

"Daddy too. Daddy also knows how to make milk tea. Iyong mas creamy pa at mas malapot at siguradong nakakabuhay," bigla namang sabat ni Daddy Prince habang ngingisi-ngisi at pakindat-kindat sa akin.

Parang ibang milk tea 'ata 'yon ah.

Sinamaan ko siya ng tingin. Iba kasi ang dating sa tainga ko ng sinabi niya eh. Siya naman ay todo pigil na matawa sa akin.

"Ang galing mo nga, letse," sabi ko sabay kurot sa kanyang tiyan.

"Aw! That hurts," nakangiwi pero natatawa niyang sabi habang hinihimas ang kanyang tiyan dahil kinurot ko ng sagad. Kainis.

Tinalikuran ko na silang mag-ama at iniwan. Nagtungo kami ni Princess sa mga ice cream at kumuha ako ng dalawang box. Diretso sa counter at ipina-punch ang lahat ng items.

Maya-maya lang ay nakasunod na ang mag-ama sa aming likuran.

"Ang cute ng mga anak nila no?"

"Kambal ba 'yan?"

"Oo, magkamukha eh. At saka kamukha rin ng kanilang Mommy."

"Kamukha rin kaya ng Daddy," bulungan na naman ng ilan.

Kahit saan kami magpunta ay iyan ang aking naririnig. Kamukha ko raw ang mga bata o half naming dalawa ni Prince. Minsan nga ay iniharap ko ang dalawang kambal sa malaking salamin na kasama rin ako at napansin ko ngang hawig ko ang mga bata.

Ang saya-saya ko na sana ang kaso naisip kong baka kamukha ko lang din ang babaeng nabuntis ni Prince! Kaya siguro niya binuntis dahil kamukha ko! B'wisit siya!

At about naman doon sa pagpapakilala niyang ako ang Mommy ng mga bata sa school. Eh mas mabuti na raw iyon kaysa magpakilala pa siya ng ibang Mommy eh ako na nga raw ang kinikilalang Mommy ng mga bata.

At ang magaling kong pinsan na si Rhea ay gulat na gulat at halos mahimatay pa sa sobrang gulat. Paano ang gulat niya? Iyong tirik-tirik ang mata, gano'n.

Hindi siya makapaniwala pero ako din naman eh. Ang plano ko ay lalayo na kay Prince ang kaso, biglang napurnada. Naging instant mommy tuloy ako ng hindi lang isa kun'di dalawa pang bata!

Si Davin at Jhae ay araw-araw na lang nakasimangot. Ano kayang problema ng dalawang iyon? Sa tuwing kinakausap ko ay hindi ako pinapansin! Oo nga pala, hindi ko nga pala nasasabi sa inyo na kaming lahat ay magkakaklase. Nasa iisang room lang kaming lahat, section 1. Oh 'di ba, talino no?

Ang iba naman ay kinukulit at nilalaro-laro ang dalawang bata habang nagle-lecture si Prof. Mabuti na lang at masunurin ang mga bata at tahimik sa klase kapag nariyan na ang mga prof. Si Princess naman ay lagi lang nakakalong sa akin at nakikisulat din sa aking notebook. After one and half hour ay ihahatid na namin ni Prince sa kanilang school na malapit lang naman sa University. Then pagdating ng lunch ay muli na naming susunduin at sabay-sabay kaming kakain sa canteen. Kasama na ulit namin sila sa room hanggang sa matapos ang aming klase.

Gano'n ang aming daily routine. Naaawa ako sa mga bata dahil after lunch ay dapat nakakatulog na sila ng maayos sa kama pero hindi at kasama pa rin namin sa klase. Ang sabi ni Prince ay hindi pa raw kasi nakakabalik sila tita Nancy at tito King kaya wala kaming choice.

Sa gabi naman ay magkakatabi pa rin kaming apat matulog at si Daddy Prince ay palagi pa ring nakayakap sa akin. Nasasanay na rin ang Prinsipeng ito eh.

Hindi na nga siya pumupunta ng bar. Ayaw niya raw kaming iwan na kanyang mag-iina. Ang sarap lang pakinggan sa tuwing sinasabi niyang kanyang mag-iina. Sana totoo na lang.

***
After makapagbayad sa cashier ay diretso uwi na kami sa aming condo. Ang card niya ay sa akin na niya ipinahawak para kung may bibilhin daw ako ay siya daw ang sasagot ng lahat.

Kinuha ko na lang. Hindi ko naman ginagastos kung saan-saan. Para lang din naman sa pagkain namin at ng mga bata.

Pagdating sa basement kung saan ang parking lot ay isa-isa na naming ibinaba ang aming mga ipinamili.

"I can walk na po, Mommy!" sabi ni Princess nang makababa na sila ng sasakyan ni bulilit Prince. Mabuti naman dahil marami ang aming bubuhatin ni Daddy Prince.

"Sige baby, Prince hawakan mo ang kapatid mo," utos ko kay bulilit Prince na agad namang sumunod.

"Opo! Let's go Jade!"

"Mabigat yan, My. Palit tayo," sabi ni Daddy Prince sabay agaw ng hawak kong mabigat na supot.

Hinayaan ko na at kinuha ko naman ang hawak niyang supot na magaan. Yakap-yakap niya ang tatlong mabibigat na supot habang ako ay dalawang magagaan lang na supot ang aking yakap.

Naglakad na kami ng sabay sa hindi gaanong kaliwanag na basement. Nasa unahan namin ang dalawang batang magkahawak-kamay. Malawak ang basement na ito at marami na rin ang mga naka-park na sasakyan dahil gabi na at siguradong nakauwi na ang ilan sa mga taong naninirahan dito.

Pero maya-maya lang ay bigla akong natigilan nang maramdaman ko na parang may nakamasid sa amin. Tumambol ng malakas ang aking dibdib nang matanaw ko sa gilid ng aking mga mata ang isang anino sa 'di kalayuan.

Narito siya?

Napansin kong napahinto rin si Prince sa paglalakad. Napatingin ako sa kaniya at pansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang habang nakatingin sa lugar ng kinaroroonan ng aninong sa tingin ko ay sa amin nakamasid.

"Let's go Maian," mariin niyang sabi sabay hila niya sa akin pero tumingin pa rin siya ng matalim sa taong nagtatago sa dilim.

***
Shadow's POV

"I miss you so much...my little baby."

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now