CHAPTER 22 DRUNK

4.1K 147 2
                                    

Maian's POV

"I love you."

"I love you ka d'yan! Marami kang ipapaliwanag sa akin," Inis kong sagot kay Kuya Ian dahil imagine?! Five years! Five years ko siyang hindi nakausap! Ni magpakita sa akin kahit thru video call man lang eh wala! Natiis niya ako ng ganun katagal!

"I'm sorry, Sweetheart. I've been very busy over the years. Don't worry, I'm now here and i'll never leave again."

"Hindi ka pa rin nagpaalam sa akin! Ganun ba ang mahal, iniiwan? Hmp!" singhal ko pa rin sa kanya sabay subo sa malaking pork chop.

"Sorry na nga."

"Eh, pasalubong muna! Anong work mo na doon? Naka-graduate ka na tapos hindi ka man lang nag-send ng pic mong nakatoga. Naiinggit nga ako sa iyo. Sana sinama mo na lang ako doon," nakanguso kong sabi sa kaniya. Dapat kasi ay sabay kaming grumaduate. "Dapat nga ay hinintay mo na lang ako eh para sabay pa rin tayong ga-graduate."

Sabay-sabay naman silang nasamid at sabay-sabay ding dumampot ng kani-kanilang mga baso sa tapat at sabay-sabay ding uminom. Aba, anong meron?

"Aaah..I-if you want it, I'll wear a toga gown too at your graduation para k-kunyari ay sabay pa rin tayong ga-graduate. Is that okay with you?"

"Ano pa bang magagawa ko?" Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain. "Anong pasalubong mo sa akin?"

"I d-didn't buy anything. N-next time na lang, sweetheart." Nangamot siya sa kanyang ulo.

"Ano?! Anong next time, kasasabi mo lang na hindi ka na aalis!"

"Sweetie, lower your voice," saway sa akin ni Mommy.

"So, what's your plan now?" Napalingon naman kami kay Daddy nang siya na ang nagsalita.

Pansin ko ang pagiging mas seryoso ngayon ni Daddy. After kasi noong mga nangyari sa akin ay biglang nagbago si Daddy. Hindi na siya gaanong nagjo-joke sa amin. Hindi na siya gaanong ngumingiti. Lagi na siyang seryoso at tahimik.

Pero kapag tumitingin siya sa akin ay napapansin ko ang mga emosyong nagtatago sa kanyang mga mata. Awa, pagsisisi, pagmamahal. Siguro ay dahil sa nangyari sa akin noon.

"Ahm, m-maybe I'll just help Mommy with her business for a while," sagot niya kay Daddy. Pansin kong hindi siya makatingin ng tuwid.

"Oo tama, d-doon ka na lang muna sa factory, ha. Tutal, k-kailangan ko ng tao ngayon doon eh," salo kaagad ni Mommy kay kuya Ian. Si Daddy ay napansin kong bumuntong-hininga ulit ng malalim at hindi na ulit umimik.

Si Mommy kasi ay may factory ng mga iba't-ibang klase ng tuyo, daing, pusit, dilis at kung anu-ano pa na nagmumula sa Isla na hanap-buhay naman doon nila Lolo at Lola. Inaangkat naman dito at nire-repack para ipasok naman sa mga groceries and supermarket.

"M-may problema po ba?" mahina kong tanong habang isa-isa ko silang tinitingnan. Pansin ko kasi ang tensiyon sa mesa na ito lalo na kay Daddy at Kuya Ian.

"W-wala, baby. Kumain ka na oh, masarap ang niluto ko. Favorite mo 'yang pork chop, 'di ba?" sagot agad ni Mommy habang itinuturo niya ang porkchop sa aking harapan.

"Beef mushroom po ang favorite ko, Mommy. Si Kuya Ian ang may favorite ng pork chop," sagot ko naman.

"Ah...oo nga pala. Pasensiya na, anak. Naubusan kasi ako ng stock ng beef mushroom eh. 'Di bale bukas anak, ipagluluto kita niyon ha."

SHADOW 2 [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt