CHAPTER 33 ALAK

3.8K 145 8
                                    

Cj's POV

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang hugutin ni Papa ang kaniyang itak!

"Papa!!"

"Granny!!" sabay na sigaw namin ni Iana na biglang lumabas sa pinto at naabutan lang naman niya ang lolo niya na naka-umang na sa leeg ni Ian ang itak!

Si Ian ay hindi kumilos sa aking tabi pero naramdaman ko pa rin ang paghawak niya sa aking kamay ng mahigpit.

Na-stock naman sa ere ang hawak ni Papa na itak at lumingon kay Iana na na matalim ang tingin sa kanyang lolo.

"What are you doing to my daddy, granny?!" sigaw niya sa kanyang lolo. Ako naman ay nagulat. Paano niya nalamang daddy niya Ian?

"Daddy?! Daddy mo ito?!" sigaw din ni Papa habang iginalaw-galaw niya ng ilang beses ang hawak niyang itak sa harapan ni Ian na napapailag naman.

"I know he's my dad 'cause he's handsome and I'm beautiful. I got my beauty from my daddy, i know," taas-noong sagot ng aking anak habang naka-cross arm at naglakad palapit sa amin ni Ian.

"In-english-english mo na naman akong bata ka!" sigaw ni Papa kay Iana pero hindi na siya pinansin pa ng bata dahil kaagad na niyang nilapitan si Ian sa aking tabi.

"Daddy!!!" sigaw niya sa harapan ni Ian habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

Kaagad namang binitawan ni Ian ang aking kamay at mabilis na kinarga si Iana at niyakap ito ng mahigpit. Si Papa naman ay napababa na ang kanyang kamay na may hawak na itak at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ikaw akong amahan, 'di ba daddy?" tanong ni Iana kay Ian habang hawak ng maliliit niyang mga kamay ang magkabilang pisngi ni Ian. Si Ian naman ay naluluha pero kitang-kita naman sa kaniya ang walang kapantay na kaligayahan habang nakatitig sa aming anak.

"Yes, i'm your dad, baby," naiiyak na sagot ni Ian kay Iana. Ako naman ay naluluha na rin sa kanilang harapan.

"Tinuod ba? Ikaw akong Daddy? Yehey! Nalipay kaayo akong Daddy ato!" masayang sabi ni Iana. Si Ian naman ay napakunot ang noo dahil malamang hindi niya naintindihan.

"Baby, wag ka na lang magbisaya. Maybe daddy doesn't understand you," sabi ko sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang dumating, daddy?"  nakasimangot na niyang sabi kay Ian. Bumaling na muna ako kay Papa at hinayaan ang mag-ama.

"Ah P-papa...s-si Ian nga po pala. Ahm...b-boyfriend ko po and daddy ni Iana," kinakabahan kong sabi kay Papa.

Napatingin naman ako kay Ian nang bigla siyang lumapit kay Papa habang karga si Iana.

"G-good evening po. P-pasensiya na po kung ngayon lang ako n-nagpakita po sa inyo?" nakatungo niyang sabi kay Papa at tinangka pa niyang abutin ang kamay ni Papa pero umiwas si Papa.

"Mag-uusap tayo. Lalaki sa lalaki," matapang niyang sabi kay Ian. Pansin ko naman na nanonood lang sa amin ang mga kumpare ni Papa habang nag-iinuman.

"Yes, Sir," magalang na sagot naman ni Ian.

"Granny, huwag mong pagagalitan si daddy ha. Tingali biyaan na usab niya ako," sabi ni Iana kay Papa habang humihikbi.

"Kung matinong lalaki ang ama mo at kung may paninindigan siya hindi ka niya iiwan," malakas na sagot ni Papa kay Iana. "Pumasok na kayong mag-ina sa loob. Iwan niyo dito ang lalaking ito."

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now