CHAPTER 7 REJECTED(SPG)

5.6K 180 8
                                    

Pinili kong sa condo umuwi. Kapag ganitong gusto kong mapag-isa ay dito ko pinipiling umuwi. Magbababad sa ilalim ng shower sa buong magdamag. Nagbabakasakaling malilinis nito ang nadumihan ko ng katawan.

Ramdam ko ang mainit na likidong umagos sa aking pisngi na humalo sa malamig na tubig na nagmumula sa shower. Hindi ko mapigilang mapasuntok sa glass wall ng shower room. Bakit ba hindi ko makalimutan?! Bakit hindi maalis sa isip ko ang pangyayaring iyon?!

FLASHBACK

"Aaahhh...sh*t. Aahh...f*ck!" Nagkamalay ako sa mabilis na paggalaw ng aking katawan at malakas na pagsalpok ng kaniyang ibabang bahagi sa akin. Nararamdaman ko ang marahas niyang paglabas-masok sa aking nananakit na pagkababae! At pagpipigil na mapalakas ang kaniyang mga ungol habang nagpapakasasa sa ibabaw ko! Hayop!

Tuluyan na akong nagising. Biglang nabuhay ang aking dugo. Tumulo ang masagana kong luha at napahagulgol ako. Sisigaw na sana ako nang takpan niya ng mahigpit ang aking bibig gamit ang kaniyang palad. Hindi ko maigalaw ang aking mga braso na nakataas sa aking ulunan. Huli ko ng na-realize na nakatali ito sa isang puno! Hindi ko siya makita dahil mahinang liwanag lang na nagmumula sa buwan ang aking nababanaagan.

"Hhmnn!" malakas kung ungol habang umiiyak. Ginawa ko ang lahat ng paraan na maibuka ang aking bibig at nagtagumpay naman ako. Kinagat ko ng mariin ang kaniyang palad.

"F*ck!" sigaw niya at hinila ng malakas ang kaniyang palad at isinakal naman niya sa aking leeg.

"Parang awa mo na! Maawa ka sa akin!" Patuloy ako sa paghagulgol pero para siyang wala sa katinuan. Para siyang hayop na patuloy pa rin sa paglabas-masok sa akin at hindi humihinto!

Ang isa niya namang palad ang kaniyang ginamit na panakip sa aking bibig. Habang hawak ng isa ang aking leeg. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang ng umiyak sa buong magdamag niyang pagpapakasawa sa aking katawan. Hindi siya huminto hangga't hindi siya nasa-satisfy sa kaniyang gusto.

Maraming beses kong naramdaman ang kaniyang mga kamay na marahas na lumalamas sa aking magkabilang dibdib. Maraming beses dumampi ang kaniyang labi at dila sa buo kong katawan. Para siyang hayop na hayok sa laman.

Ano pang ipagmamalaki ko?!
Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko! Sinira niya ang buhay ko! Winasak niya ang pagkatao ko!

PRESENT

Bigla akong napamulat at nagising nang makarinig ako ng tila pagkabasag. Napalinga ako sa paligid at napatayo ako nang makita kong nasa loob pa rin pala ako ng banyo at nakahiga sa tub! Nakatulog ba ako dito?

Napatingala ako sa shower at kita kong naka-open pa rin ito pero wala ng tubig na lumalabas. Tuyo na rin ang tub at naka-cover na sa aking katawan ang isang tuwalya. Pero wala akong matandaang ginawa ko ito kagabi ah. Ang alam ko ay patuloy ako sa pagbababad sa tapat ng shower habang inaalala ang nangyaring pambababoy sa akin noon.

"Huhuhuhuh! Daddy!"
"Daddy! Huhuhuhuh!"
"Waaaaahhhh.."

Isinuot ko na ang aking robe at lumabas ng banyo dahil parang may naririnig akong mahinang pag-iyak ng bata sa labas ng aking unit. Tumingin ako sa wallclock sa living room at umaga na pala! Oh my God! Magdamag pala akong natulog sa banyo!

"Dadddyyyy!"

Binuksan ko ang pinto ng aking unit at tumanaw sa labas ng hallway sa kaliwa at kanan at hinanap ang naririnig kong malakas na pag-iyak. Nakita ko sa kanan sa dulo ng hallway na malapit sa aking unit ang isang batang babae na umiiyak. Sa tabi nito ay basag na vase.

"Oh my God!" Mabilis kong tinakbo ang lugar ng bata! Baka kasi nasugatan siya.

"Dadddyyyy! Waaaahhhh! Huuhuh!"

"Hey, baby," sabi ko at mabilis ko siyang binuhat at inilayo sa basag na vase. Basang-basa na ang kaniyang mukha dahil sa nagkalat na luha at sipon. Ibinaba ko siya sa tapat ng pinto ng aking unit. Umupo din ako sa kaniyang harapan at ipinunas ko na lang ang laylayan ng suot kong robe sa kaniyang mukha.

"Anong masakit? May sugat ka ba? Tingnan ko." Ni-check kong mabuti ang buo niyang katawan at thanks God at mukhang wala naman. Nanahimik na siya pero patuloy sa paghikbi. Namumula na ng todo ang kaniyang ilong at pisngi. Ang cute-cute naman ng baby na ito. Sa tingin ko ay nasa tatlong taong gulang ata ang baby girl na ito.

"Nasaan ang parents mo? Bakit mag-isa ka lang dito?" malambing kong tanong sa kaniya habang sinusuklay ko ng aking daliri ang nagulo na niyang mahabang buhok.

"There po. Huhuhu. Daddy." Itinuro niya ang nasa tapat kong pinto. Nasa tapat mismo ito ng pinto ng aking unit. Ang alam ko ay bakante 'yan. May bagong lipat na pala.

"Eh bakit narito ka sa labas? Tahan na, tatawagin na natin ang Daddy mo, a'right?" Muli ko siyang binuhat at lumapit na kami sa pinto ng itinuro niyang unit nila.

"He wasn't there po," humihikbi niyang sagot.

"Ha? Iniwan ka niya dito ng mag-isa?" Nainis naman akong bigla. Bakit naman iniwan ang baby na ito eh kaliit-liit pa?!
"Eh nasaan ang Mom-"

"Princess?" Pareho kaming napalingon sa pamilyar na boses na tumawag at nagmula ito sa elevator.

"P-prince?" Wala sa sarili kong naibulong.

"Daddyyy!" sigaw ng bata at nagpumilit abutin ang kaniyang ama na walang iba......kun'di si Prince.

Nanigas ako at hindi nakakilos sa aking kinatatayuan. Nananaginip pa rin ba ako? May anak na siya? Bakit hindi ko alam?!

Kaagad niyang kinuha sa akin ang bata at yumakap naman ito kaagad sa kaniyang leeg. Pansin ko ang taimtim na pagtitig sa akin ni Prince.

"I'm sorry," sabi niya at humarap na sa kaniyang unit at binuksan ang pinto.
Napa-cross arm ako dahil naiinis pa rin ako.

"Eh bakit naman iniwan mong mag-isa yang anak mo? Eh paano kung naaksidente 'yan?" inis kong tanong sa kaniya. Lumingon din naman siya sa akin.

"Hindi ko siya iniwang mag-isa, may kasama siya," walang emosyon niyang sagot at natigilan naman ako. May kasama siya? A-ang i-ina ba ng bata?

Gusto kong itanong 'yan pero tila ba naputulan na ako ng dila. Parang hindi ko kakayaning marinig ang kaniyang isasagot. Ngayon pa nga lang ay hindi na ako makapaniwalang may anak na pala siya. Baka mahimatay na ako ng tuluyan kapag bumungad sa unit niyang iyan ang kaniyang asawa!

Binuksan na niya ng tuluyan ang kaniyang unit. At lumabas naman ang...

"Daddy!" Nanlaki ulit ang aking mga mata nang bumungad naman ang isa namang batang lalaki mula sa loob!
"You left me alone!" Alone?! Ibig sabihin 'yang dalawang bata lang ang iniwan niya sa loob at walang kasamang nanay?!

"Daddy just bought something outside. Why did you let Princess go out?"

"I don't know po. I was asleep earlier po eh," sagot ng napaka-cute din na bata sa kaniyang ama na pumasok na sa loob at tangka ng isasara ang pinto pero kaagad kong hinarang. Hindi 'ata ako mapapakali kapag hindi ko nalaman kung nasaan ang ina ng mga bata!

"Wait!" Pinigilan ko ang pagsara ng pinto. Lumingon naman siya sa akin at tumingin ng may pagtatanong.

"Aah...i-if you don't mind, I j-just wanna ask where your children's mother is?" Nailang ako sa mariin niyang pagtitig sa akin. Matagal muna siyang tumitig sa akin bago sumagot.

"She lives alone......because she doesn't want children.... She rejected her own children."


SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now