CHAPTER 31 GRATEFUL and LUCKY

4K 137 2
                                    

Ian's POV

"Mas mabuti pa nga siguro na sumama ka na muna kay Cj. Hayaan na muna natin ang kapatid mo, anak. Intindihin na lang natin siya. Nabigla siya sa mga nalaman niya. Mahal na mahal ka ni Maian, anak kaya sobra siyang nasaktan. Please, Ian."

"Yes mom, i know. I understand." I still can't help but cry dahil sa hindi magandang sinapit ng relasyon namin ng kambal ko.

It was all my fault. I became over protective to her from other people para hindi siya masaktan. But I never thought I would be the first person hurt her.

"Bigyan na muna natin siya ng time para makapagisip-isip. Pahilumin na muna natin ang sakit sa kanyang puso. Huwag kang mag-alala anak, mahal ka niya kaya pasasaan ba at mapapatawad ka rin niya."

"Thanks, mom. I was very lucky 'cause I have a wonderful mom like you. And i'll never get tired of apologizing to you for having this kind of son like me. I'm so sorry, mom. Hope you can still forgive me."

"Walang ina na kayang tiisin ang kanyang anak. At naiintindihan kita dahil ginawa mo lang ang lahat para protektahan ang kambal mo pero anak.....pakatandaan mo na ang lahat ng sobra ay hindi rin maganda. Minsan isipin mo rin ang mararamdaman ng taong pinoprotektahan mo....kung okay pa ba sa kaniya ang mga ginagawa mo. Kasi minsan ang sobra ay nakakasakal din. Nage-gets mo ba si mommy?"

"Yes, mom. I now understand everything. I hope my twin can forgive me."

"Soon, anak. Kailangan lang nating maghintay." I hugged my dear mother and couldn't stop myself from crying in her shoulder.

Even though I wanted to chase Maian, I couldn't. Especially now that Prince has been in an accident. Problems overlap. And all of that is because of me. I'm the one who does everything.

Mom is right, I need to get away for a while. I need to give everyone space and time first. And after that, hindi ako titigil sa pagsuyo kay Maian hangga't hindi niya ako napapatawad.

***
NAIA INTERNATIONAL AIRPORT

"Take care. Call us here once you get there." Napatitig ako kay daddy ng magsalita siya.

He didn't talk to me for five years. Itinakwil niya ako as his son because of the great sin I had committed. But I do understand him. Even I couldn't forgive myself. But I'm happy now dahil pakiramdam ko ay nag-aalala na ulit sa akin si daddy.

"Y-yes, dad."

I couldn't hold back my tears when I saw the emotion in my daddy's eyes. He gently slapped me on my shoulder but I couldn't hold myself anymore. I hugged him tightly and I cried even more when he gave me a hug too.

"I'm so sorry, dad. I'm so sorry." Ilang beses pa niya akong tinapik ng marahan sa aking likuran bago kami tuluyang naghiwalay.

"Sige na. Ikumusta mo na lang kami ng mommy mo kay Iana. Your mommy and i will follow there once Prince gets better."

"Yes, dad. Thank you."

"Mauuna na po kami," paalam din ni Cristine. Nagyakap muna sila ni mommy bago kami tumalikod at naglakad papasok sa airport.

I even talked to them about my wedding with Cristine, even though I didn't know if Cristine would agree 'cause I had never asked her about it.

I wanna marry her 'cause I love her so much and i wanna be with her for the rest of our life and to get Iana na ngayon ay nasa probinsiya sa Davao with her lola and lolo, ang parents ni Cristine.

Gusto ko na ring makasama ang anak ko kahit hindi ko alam kung matatanggap niya ba ako? Hindi pa naman namin napag-uusapan ni Cristine kung ano ba ang nalalaman ng anak namin tungkol sa akin. At ganun din ng parents niya. At kung matatanggap din ba nila ako dahil sa nagawa ko sa kanilang anak.

In fact, i'm really nervous right now 'cause i don't know kung anong madadatnan namin doon sa oras na makarating na kami doon mamaya.

Baka habulin ako ng itak ng tatay niya or ipalapa sa aso. Tsk.

"Hey, ang tahimik mo?" Cristine suddenly asked me and I didn't even realize na narito na pala kami sa alapaap at lumilipad na ang eroplanong sinasakyan namin?

Teka, ang bilis naman yata. Parang gusto ko pa yatang mag-stay muna ng matagal sa airport bago bumiyahe.

"H-ha? W-wala." Tsk. 'Di ko mapigilan ang nerbiyos ko.

Excited akong makita ang anak ko siyempre pero hindi ang lolo't lola niya. P'wede bang mamalengke na lang muna sila ng isang buwan para wala sila doon pagdating namin?

"Eh bakit ang lamig ng kamay mo?" she asked again kaya napatingin naman ako sa mga kamay naming magkasalikop.

"Ha? N-nasa aircon tayo, baby," pagdadahilan ko.

"Aah, eh bakit nanginginig?" I was dumbfounded.

Dami namang tanong nito? Napapakamot tuloy ako sa aking ulo at nag-isip pa ng maidadahilan.

"S-siyempre n-nasa Aircon tayo, baby. Ang dami mo namang tanong," sabi ko habang napapakamot sa aking ulo. "Malamig kaya nakakapanginig. If you want to, just warm me up to lose my trembling," sabi ko sa kaniya na may kasamang pagpapa-cute. Baka sakaling madala sa kakyutan ko eh.

"Ah, ganun pala 'yun. Sige, ihihingi kita ng kape sa crew." My jaw almost dropped at what she said. Langya naman oh.

"P'wede bang ikaw na lang ang kapehin ko?" I whispered softly to her nape as i hugged her tightly.

"B-bakit? M-mukha ba akong kape?" I smiled as I felt her gasping for breath.

Alam kong mabilis siyang nawawala sa kanyang sarili kapag hinahalikan ko na ang kanyang batok pababa sa kanyang leeg.

"P'wede. Ma-creamy ka naman eh." I couldn't help but laugh so she slapped me on my shoulder.

"Aray, baby. Masakit," awat ko sa kaniya pero di ko pa rin mapigilang matawa.

"B'wisit ka. Bahala ka d'yan mangatal," Inis niyang sabi sa akin at tinalikuran pa niya ako.

"Tampururot ang baby ko. Halika nga dito." I pulled her closer to me and hugged her tightly.

I looked into her face and saw her pouting her lips. So I couldn't help but kissed her passionately.

Even though, I'm in a difficult situation right now and don't know what to do to deal with the people I have to deal with, I'm still very grateful and lucky that Cristine is there for me who has been the victim of the incidents I did, pero siya pa ring maluwag na tumanggap sa akin.

"Uhmmn.."

"I love you so much, baby..uhmmn." Patuloy kong inangkin ang kanyang mga labi.

"Uhmnn...i love you too, Ian." And she kissed me back without any hesitation.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now