CHAPTER 13 TEASING

4.6K 157 9
                                    

Cj's POV

Nagising akong wala na siya sa aking tabi. Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na pumapasok sa aking silid.

Tanghali na pala. Lagi na lang akong napupuyat ng dahil sa kaniya. Magdamag siyang gising na kahit nakaapat o limang round na ay nakayakap pa rin siya sa akin at pinaglalaruan ang aking buhok. Isinasayaw-sayaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa aking balat sa braso, dibdib, tiyan at kung saan-saan pa kaya hindi ko rin nagagawang makatulog.

Bumangon na ako kahit antok na antok pa at nanghihina. Mabilis na akong naligo at lumabas ng aking apartment. Sumakay ako ng aking kotse at nagdiretso sa condo ni Prince. Nami-miss ko ang mga bata at gusto ko ng mga makukulit sa paligid, pampatanggal stress.

Pagdating ko doon ay kaagad akong nag-doorbell. Napalingon pa ako sa katapat na pinto na alam kong kay Maian pero tahimik naman. Baka natutulog pa siya.

"Hey." Napalingon ako sa pinto ng unit ni Prince nang marinig ko ang kaniyang tinig.

"Hi, good morning," nakangiti kong bati sa kaniya pero pinagtaasan lang ako ng kilay. Sungit talaga ng Prinsipeng ito pero ang bait naman kapag nariyan si Maian. Kung 'di lang ako sabik sa mga bata eh hindi ako pupunta dito.

"Come in," sabi niya at nauna na siyang pumasok. Sumunod naman ako at kaagad kong isinara ang pinto. Nagdiretso siya sa kitchen at may mga naririnig akong ingay mula sa loob.

"Mommy, me too! Mommy, me too!"

"Wait baby. Here...ammmh. Hmmnn...galing naman ng baby namin."

Nangunot ang aking noo nang marinig ko ang malambing na tinig ni Maian mula sa loob ng kitchen.

"Mommy, me too! I want chicken!"

"Eto na...aahh."

Pagpasok namin sa loob ay napanganga ako nang mabungaran ko si Maian sa 'di kapani-paniwalang eksena. Nakakalong sa kaniya si Jade habang si Ice naman ay kaniyang sinusubuan ng pagkain sa kutsara.

"Oh my, nananaginip ba ako?" bulong ko na narinig naman ni Prince dahil nakangisi siyang lumingon sa akin na para bang nagmamalaki.
"How did you do that?" bulong ko kay Prince.

Sinabi na ba niya? Alam na ba niya? Paano nangyaring Mommy na ang tawag sa kaniya ng mga bata? At gano'n kadaling natanggap ni Maian?

Ngumisi lang sa akin si Prince. B'wisit na 'to eh. Pangisi-ngisi lang, sarap sapakin.

"Hellow kiddo!" sigaw ko sa kanila at kaagad naman silang lumingon sa akin.

"Tita CJ!"

"You're here!" sigaw nila sa akin pero hindi man lang sila napuknat sa kani-kanilang puwesto. Okay, fine. Ipinagpalit na kaagad nila ako.

Tumingin lang sa akin si Maian at nagdiretso na ulit sa pagpapakain sa mga bata. Sinabi na rin kaya ni Prince kay Maian ang tungkol sa aming dalawa? Ang hirap naman kasing malaman kay Maian kung anong totoo dahil ang hirap basahin ng kaniyang mukha, ng kaniyang mga mata. Palagi na lang blangko. Paano niya kaya napapanatili iyon?

"'Di niyo ba 'ko iha-hug?" nakasimangot kong tanong sa kanila at saka pa lang bumaba si Ice sa kaniyang upuan pero si Jade ay nanatili sa pagkakakalong kay Maian at busy sa pagnguya ng kinakain.

Mukhang mabilis napalapit sa kaniya ang mga bata. Leap of Blood.

Yumakap sa akin si Ice habang may tangay na chicken at mabilis lang din bumalik sa kaniyang upuan. Napalingon ulit ako kay Prince at napailing na lang ako dahil di matanggal-tanggal ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now