CHAPTER 12 FERTILIZER

5K 163 17
                                    

Maian's POV

Nagising ako nang makaramdam ako ng mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan at dampi ng mahinang hangin sa aking pisngi. Hindi rin ako makakilos dahil parang ang sikip-sikip sa aking kinahihigaan.

Bahagya kong iminulat ang aking mga mata at dahan-dahan kong sinilip ang aking kinalalagyan. Nanigas ako sa aking kinahihigaan nang mabungaran ko sa aking tiyan ang malaking braso at nakayakap sa akin! At nakikita ko sa gilid ng aking mata ang katawan at mukha ni Daddy Prince!

Oh my God! Magkatabi kami ngayon sa iisang kama at nakayakap siya sa akin! Pakisampal nga ako, baka kasi nananaginip lang ako eh! Oh my God! Oh my God! Gusto kong magtitili pero baka magising sila eh at bumangon si Prince. Sayang naman.

Kinalma kong mabuti ang aking sarili. Mahimbing din ang tulog ng twin sa aking left side. Marahan kong sinalat ang noo at leeg ni Princess and thanks God, hindi na siya gano'n kainit. Bumaba na rin ang kaniyang lagnat.

So, ano na ang gagawin ko ngayon? Magtutulog-tulogan?! Iiiihh naman eh!

Bahagya akong lumingon kay Daddy Prince na halos nakadikit na ang kaniyang labi sa aking pisngi. Napatitig ako dito na bahagya pang nakabuka. Para niya akong inaakit! Kapag hindi ako nakapagpigil ay baka mahalikan ko na siya!

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang gumalaw si Princess sa aking kaliwa at isinampa ang kaniyang paa sa aking baywang. Tinamaan niya ang braso ni Daddy Prince kaya napakilos din ito at humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Gumalaw din ang kaniyang mukha at 'di ko inasahang lalapat ang kaniyang labi sa aking labi.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako nakagalaw at hinayaang nakalapat ang kaniyang labi sa aking labi. Nakita ko na lang na dahan-dahang dumilat ang kaniyang mga mata at tumitig sa akin. Lumakas ang kabog ng aking dibdib at hindi pa rin ako makakilos!

Maya-maya ay umangat ang kaniyang braso mula sa aking baywang at nagtungo ito sa aking pisngi. Hinawakan niya ang aking pisngi at mas iniharap pa sa kaniya. Dito na gumalaw ang kaniyang labi at masuyo akong hinalikan. Huwag niyo na lang pala akong gisingin. Hayaan niyo na lang ako dito sa panaginip ko!

Siniil niya ako ng matagal na halik at malapit na akong malunod. Napapikit na ako at sinagot ang kaniyang mga halik kaya mas lalo pa itong lumalim. Hinila niya ang aking braso payakap sa kaniya kaya napaharap na rin ako sa kaniya at nalaglag sa aking likuran ang binti ni Princess. Narinig ko siyang kumilos sa aking likuran pero patuloy sa paghalik sa akin si Prince. Nakayakap na rin sa akin ang dalawa niyang braso at ipinasok sa aking bibig ang kaniyang dila.

"Uhmn," mahina kong ungol pero kasabay niyon ay ang mahinang pag-iyak naman ni Princess sa aking likuran.

"Mommy. Uhuhu." Napamulat ako nang aking mga mata at dagling bumitaw kay Prince. Nag-init ang aking pisngi! Nakita 'ata ng bata! Dagli akong kumalas sa pagkakayakap kay Prince at humarap naman ako kay Princess. Naabutan ko siyang nagkukusot ng kaniyang mga mata habang humihikbi.

"Baby," malambing kong tawag sa kaniya at mabilis din naman siyang yumakap sa akin. Sumiksik siya sa aking dibdib. Si Prince bulilit ay masarap pa rin ang tulog sa kabilang tabi. Mabuti na lang pala at king size itong bed kaya naman nagkasya kaming apat.

Naramdaman ko namang muli ang pagyakap sa aking baywang ni Prince mula sa aking likuran at sumiksik pa sa aking batok. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay naging instant nanay at asawa ako ngayong araw na ito. Ano kayang mangyayari bukas?

***
KINABUKASAN

"Good morning Mommy!!" Nagising ako sa ingay ng mga bata. Napamulat ako ng aking mga mata at natanaw ko silang tumatakbo papasok ng silid.

"Mommy, breakfast is ready!" Hinila ako ni Princess nang maka-akyat na silang dalawa ng kama.

"Come on Mom, we're gonna eat na po!" Hinila din ni Prince ang kabila ko namang braso.

Haayst. Ang sarap pa ng tulog ko eh. Nananaginip pa nga ako eh. Magkatabi daw kaming natulog ni Daddy Prince at hinalikan niya raw ako ng matagal. OMG!!!

"Wait kids, where's your Dad?" tanong ko sa kanila habang dahan-dahan na rin akong bumababa ng kama.

"Daddy is in the kitchen po and he's preparing our breakfast Mommy!" sagot ni bulilit Prince at dumamba pa sa aking likuran. Yumakap siya sa aking leeg kaya naipangko ko na siya nang ako ay tumayo kaya paano ko pa mabubuhat si Princess na gusto ring magpabuhat eh mabibigat na rin sila?! Hindi ko na kaya silang dalawa.

"Mommy, me too," humihikbing sabi ni Princess habang nakataas ang dalawa niyang braso sa akin so i have no choice kun'di ang piliting buhatin rin siya. Unfair nga naman kung isa lang ang aking buhat.

"Aah, ang bibigat niyo na kids," daing ko sa kanila nang sabay ko na silang buhatin.

Naglakad na ako ng marahan palabas ng silid at naabutan nga naming nagpe-prepare na ng pagkain sa table si Daddy Prince. Napalunok pa ako nang makita kong hubad-baro siya, naka-cotton short at naka-apron. Lumabas tuloy ang naglalakihan at firm niyang mga masel. Ang malapad niyang katawan na yumakap sa akin kagabi.
Wait. Totoo ba iyon? Hayst! Panaginip nga lang pala iyon. Saan kaya siya natulog kagabi?

"Daddy, look at us! Mommy is super strong just like Son Goku!" sigaw ni bulilit Prince. Eh? Ang dami namang superhero, bakit naman si Son Goku pa?

Napalingon naman sa amin si Prince at nagulat pa sa aming hitsura. Ang ngiti ko ay nahaluan na ng ngiwi dahil ang bigat nilang dalawa!

"Hey kids, get down. Nahihirapan ang Mommy niyo," sabi niya habang mabilis na lumapit sa amin.

Kinuha niya kaagad sa aking likuran si bulilit Prince. Napatitig naman ako sa kaniya ng sabihin niyang mommy niyo, para talagang totoong mga anak ko ang mga bata.

"Mommy is strong Daddy," pamimilit pa rin ni Prince bulilit. Ini-upo na siya ng kaniyang Daddy sa upuan sa harap ng mesa na marami ng nakahandang pagkain.

"Yeah, pero mahihirapan na siya kapag sabay kayong nagpabuhat. Look at Mommy's body, she's very thin," paliwanag ng kanilang Daddy at kinuha rin sa akin si Princess at inilipat din sa upuan. Nanlaki naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.

"Hoy, anong very thin?! Payat lang hindi sobra! Grabe ka sa akin ah," nakanguso kong sabi at sinamaan pa siya ng tingin. Lumapit ako sa lababo at naghilamos. Pero bigla niya akong niyakap mula sa likuran kaya natigilan naman ako.

"Kaya nga ang dali-dali mong hilahin kagabi eh. Kasi gano'n ka kagaan dahil sa kapayatan mo," bulong niya sa aking tainga kaya naman nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok. Ibig sabihin ay hindi ako nananaginip?

"Akala ko, nananaginip lang ako kagabi," wala sa sarili kong bigkas.

"Panaginip ka d'yan. Umungol ka pa nga eh. Muntik na nga kitang maabonohan eh," bulong pa rin niya.

"Abono? Anong abono?" baling ko sa kaniya. Nakita ko naman ang kakaibang ngiti na naglalaro sa kaniyang mga labi.

"Abono, fertilizer na pampataba. I think you need my fertilizer."

Huh? Hindi ko pa rin gets.


SHADOW 2 [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu