CHAPTER 42 SHADOW

3.5K 121 0
                                    

"Oh my God," I said softly to myself as I faced the full body size mirror and couldn't believe what I was seeing right now.

"Napakaganda mo, apo. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat," Lola said beside me. She even wore a headband on my head made of leaves.

"Pero, Lola. Hindi po ba maging center of attraction ako nito? Kasi po, parang mukha akong ikakasal eh. Tapos may flowers pa akong hawak. Baka pagtawanan nila ako," nakangiwi kong sabi kay Lola. Parang nakakahiya tuloy na lumabas ng ganito ang gown. Sobrang bongga nito.

"Hindi lang naman ikaw ang naka-gown doon. Kami rin, ang mommy mo at ang lahat ng bisita. May tema kasi ang selebrasyon natin ngayon.".

"Ano naman po iyon?"

"Hay naku. Huwag ng maraming tanong. Halika na. Lumabas na tayo at siguradong naghihintay na silang lahat sa atin."

Hinila na nga ako ni Lola palabas ng kanilang silid ni Lolo at halos matulala naman ako nang mabungaran namin sa labas ng pinto sila mommy, daddy, lolo, tito Chad at ang dalawa kong anak. And they were all wearing fancy gowns and dresses.

They smiled and almost cried when they saw me. Eh?

"God, anak! Ang ganda-ganda mo!" 'di makapaniwalang bulalas ni mommy habang nakatakip sa kanyang bibig ang dalawa niyang kamay.

Napansin ko rin ang panunubig ng kanyang mga mata but instead of hugging me she turned away and I noticed she was wiping her eyes with tissue.

"Ang oa mo, mommy! Why do you have to cry?" tanong ko sa kaniya.

"Don't mind your, mom. Nababaliw lang 'yan," natatawang sabi ni Daddy. Kaagad naman siyang hinampas ni mommy sa braso.

"Aray naman," daing ni daddy pero natatawa pa rin.

"Bwisit ka!"

Nagtawanan sila at nagsiyakap sila sa akin.

"Mommy!!!"

"Naku, naku. Naipit ang mga apo ko!" sigaw ni lola nang magsisigaw ang dalawa kong anak na tila naipit dahil napagitnaan namin silang dalawa.

"Sorry mga, anak ko." Kaagad ko silang niyakap ng mahigpit.

"Halina kayo." Nagpatiuna na si mommy sa paglalakad.

"Ang pogi naman talaga ng pamangkin ko," sabi ni tito Chad sabay karga kay Prince.

"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko," sabi naman ni daddy kay Princess sabay karga rin dito.

"Hoy! Huwag kayong assuming! Mga apo niyo na 'yan! Tanggapin niyo na mga Lolo na kayo at matatanda na kayo!" sigaw ni mommy na nasa aming unahan.

"Baka lang naman. Ikaw rin naman eh, lola ka na rin," sagot naman ni daddy kay Mommy.

"Tse! Okay lang, maganda pa rin naman. Patay na patay ka nga eh. Hmp!" Humalakhak si daddy sa sinabi ni mommy.

"Ikaw iyon, baby. Patay na patay ka sa akin," sagot naman ulit ni daddy.

And yes. Ever since we were with kuya Ian ay ganyan na silang dalawa simula pa noong makamulatan namin and up until now.

Ganyan talaga silang dalawa maglambingan at ni minsan ay hindi pa namin sila nakitang nag-away ni kuya Ian. Asaran lang at kapag pikon na si mommy ay nilalambing na siya kaagad ni daddy.

Nakakatuwa. Hopefully Prince and I will do the same until we get older. Wait. Suddenly, i turned to my back as I remembered Prince.

"Nasaan nga po pala si Prince? Where's your daddy, my kids?" tanong ko sa kanila.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now