Chapter 3

6.8K 131 2
                                    

Jaimie Sabrina

Hi im Jaimie Sabrina Clarkson. 25 and single but taken. Magulo diba? Well ganito yan okay im inlove with my bestfriend. From the day she helped me with the bullies doon humanga na ako sa kanya. Yes, Joey Haym Reidson. Magkaiba ang estado ng aming buhay siya mayaman ako may kaya lang ang pamilya. Ang mama ko isang kawani ng gobyerno simpleng office clerk lang siya. Habang ang papa ko hindi ko alam kung asan na siya. Isa siyang American. Nagkakilala lang sila dahil sa nag ofw noon ang mama. Ilang taon lang ako noong hindi na siya umuwi galing America. Ang paalam lang niya sa amin bibisitahin ang kanyang mga magulang. But then hindi na siya umuwi. 10 years old ko noon. Sinubukan ng tawagan ni mama yung in laws niya pero sila hindi rin macontact. Kaya mula noon hinayaan na lang ni mama at tinaguyod kaming tatlong magkakapatid.

Ako ang bunso. Panganay si Ate Summer Jam at pangalawa si ate Samantha Jen. Nakapag asawa na ang dalawa kong ate. May mga anak narin sila. Kami na lang ni mama ang nakatira sa aming bahay. Nasa late 50's narin si mama at pag naka 60 na siya magreretired na siya sa trabaho niya. Yun  ang gusto ko para mas marami na siyang time magpahinga. Hindi na problema kung paano kami mabubuhay kasi may trabaho naman ako. Yun ang maging manager sa Hit Bar. Yup. Yung bar ng bestfriend ko.

"Anak bangon na dyan. Nakahanda na ako ng pagkain."

Tawag sa akin ng aking magandang ina.

"Opo my beautiful mother earth."

Sagot ko naman sa kanya. Naku gustong gusto kaya niyang natatawag na beautiful. Lalo na pag mainit ulo tawagin mo lang ng beautiful magssmile na siya.

"Bata ka talaga. Hala bangon na at maka pag-agahan ka na. San kaba natulog kagabi at ngayon ka lang umuwi?"

Napatingin naman ako sa kanya. Alam naman niyang kay Haym ako nakitulog eh.

"Ma kay bestfriend po ako nakitulog. Andoon kasi siya kagabi gusto daw magliwaliw kasi wala daw pasok ngayon."

Sabi ko na lang. Half meant. Ayoko naman sabihin na iba ang gusto niya no. Pagalitan pa ako ni mudrang.

"Ahh ganun ba sige baba na at kakain na tayo." At yun bumaba at kumain na nga kami ng aking mama. Nagkwentohan pa kami ng mga random things.

"Ma akyat lang po ako sa kwarto ha."

"Sige anak ako ng bahala dito. Magpahinga ka rin may pasok kana naman mamaya."

Ang bait talaga ng mama ko. Well ako naman ang bunso tsaka wala naman sila ate dito eh. Binibaby nya ako minsan.

Joey Haym Love
Calling......

Habang nakahiga dito sa kama ko, tumawag naman etong mahal kong bestfriend. Naalala ko naman kagabi.

"Yes what can i do for you?" Sagot ko sakanya na may kasamang tawa pa.

"Maganda ata ang umaga mo ngayon". Siya

"Oo naman kaya wag mong sirain. Ano bang sasabihin mo?" Pagtataray ko. Alam ko aasarin na naman kasi ako neto kaya ako ng nauna magsungit.

"Okay chill little munchkin. I just called because i want to check on you if your okay. You know..ahmm..yah you know what i mean." Siya

"Ahh yun ba oo ayus lang ako kahit pinagod mo ako kagabi." Smile plastered on my lips. Naiimagine ko kasi mga pinaggagawa namin kagabi.

"Hahahah. Ginusto mo rin yun. Naughty girl. Anyways i also called kasi gusto kitang isama sa pupuntahan ko. Meeting with the new clients."

"Ah yun naman pala talaga. Pinaligoy ligoy pa." I heard her chuckled. " Oh san ba yang meeting place nyo? Hoy teka may trabaho pa pala ako mamayang gabi! Yung bar mo po!".

"Nah meron namang maiiwan dun wag mo nang problemahin. Tska ahm 2 days tayo mawawala." Hagikhik niya.

"Magpapaalam pa ako kay mama. Alam mo naman wala siyang kasama dito. Mahirap iwan si mother earth magisa."

"Sure samahan na kitang magpaalam. Actually nandito ako sa gate nyo."

At may narinig nga akong busina ng kotse. Naku padalos dalos talaga eto kahit minsan. Bumangon na ako at tinungo ang gate at siya ay pinagbuksan. Nakita ko naman siyang naka ngiti at hahalikan na niya sana ako sa labi ng may magsalita sa likod ko. Landi kasi minsan neto eh.

"Anak sino yang bisita natin papasokin mo siya." Si mama na naka tayo sa likod ko.

" Hi po tita!" Sabay halik at yakap kay mama. " Oh ikaw pala Joey halika pasok ka sa loob mainit dito sa labas." Nauna ng pumasok si mama at naiwan pa kami sa labas.

"Ikaw wag ka nang pagbigla bigla sa mga kilos mo gaya nyan hahalik buti hindi nakita ni mama." Hindi alam ni mama kung anung ang pinag gagawa naming dalawa. Bestfriends. Yan ang alam. May balak naman akong sabihin sa kanya kapag okay na ang lahat. Sana. Hayy.

"Hindi naman nakita ni tita eh. Tara na nga at maipaalam kita. Aalis na kasi tayo ngayon." Wala na akong nagawa nung hinila na niya ako papasok.

"Tita ipagpapaalam ko lang po sana si Sabrina. Isasama ko kasi siya sa meeting ko pero 2 days po kasi yun. Pwede po ba?"

"Oo naman anak, pwde naman basta okay kay Sabing." Natawa ng konti si Haym kasi naman si mama yung palayaw ko pa binanggit. Napa simangot naman ako sa kanya.

"Ma pano yan wala kang kasama dito sa bahay 2 days pa naman yun."

"Okay lang anak. Tatawagan ko nalang yung mga ate mo kung sino sa kanila makakapunta dito." Okay na kung ganun.

Nag-impake narin ako ng gamit ko for two days. Binilin ko na rin si mama na kung my problema tatawag sa akin. And ready to go na kami.

"Bye po tita ako na po ang bahala dito kay Sabing." Natawa pa siya sa huli nyang sinabi. Kinurot ko nga sa tagiliran. "Ouch."

"Ikaw wag mo akong tatawagin sa ganyan ha malilintikan ka sa akin!" Pagalit kong sabi sa kanya. Tumango na lang siya habang natatawa. Napabuntong hininga na lang ako.

"Alam niyo kung diko lang kayo kilala mapagkakamalan kayong magsyota." Sambit ni mama. Namula naman ako dahil doon. Kung alam mo lang ma. Sabi ko sa aking isipan.

"Sige na mga anak tumuloy na kayo baka gabihin pa kayo sa daan." Humalik na ako sa pisngi niya at niyakap. Ganun din ang ginawa ni Haym at kami ay umalis na sa bahay.

Can We Make It?Where stories live. Discover now