Chapter 40

3.5K 70 0
                                    

Joey Haym

Pagkatapos naming kumain nagkanya-kanya na kami sa mga pupuntahan. Bukas na lang yung activities pina-enjoy ko muna sila ngayon. Ginawa kung anong gustong gawin. Si Sabrina iniwan ko sa kwarto, baka kakausapin si Chase eh. Siyempre bibigyan ko naman sila ng privacy.

Ako? Eto naka upo sa dalampasigan, may hawak na alak. Tatlong bote ng alak ang kinuha ko pampa-tulog lang naman. Naiisip ko yung huli naming pag-uusap ni Jackie. Yung pag-amin kong nagustohan ko si Sabrina.

Oo gusto ko siya, ayoko lang aminin sa sarili ko noon. Kasi iniisip ko etong pagkakaibigan namin. At hindi ko rin naman ipipilit ngayon kasi ayokong sirain ang meron sila ni Chase. Masaya na ako na hanggang ganito na lang kami. Atleast walang mawawala.

"Sana ikaw na lang ang pinili ko noon." Mahina kong sabi kahit wala naman akong kausap.

"Sino ang kausap mo Haym?" Si Sabrina pala. Hindi naman niya siguro narinig yung sinabi ko.

"Ikaw pala, dito ka sa tabi ko. Tsaka wala akong kausap. Meron ka bang narinig?"

"Para kasing nagsalita ka kanina eh. Pahingi nga ako ng alak. Hindi lang ikaw yung umiinom." Sabi niya. Binuksan ko ang isang bote at binigay sa kanya.

"Isa lang sayo ah? Akin na lang yung natitira pa diyan."

"Oo na ang damot mo naman. Siguro nung umalis ka lagi ka paring nagiinom ng alak. Tapos nambabae kapa. Tama?" Pamimintang niya.

"Yung pag inom? Moderate lang hindi ko naman inaabuso yung sarili ko eh. Tsaka yung babae? Hehehe. Konti lang." With hand gestures na konti lang talaga.

"Babaero. Yan yung mga pinag-gagawa mo doon? Baka naman may nabuntis kana?" Siya.

"Wala noh! Maka bintang naman eto. Kahit naman ganun alam ko ang ginagawa ko. Ayoko pang magkaanak. Madami pa akong gustong gawin sa buhay. At gusto ko sa taong pakakasalan ko lang ako magkaka-anak. Pero wala pa sa isip ko yan. Ayoko pa." Hindi pa kasi ako ready. I know nasa tamang edad na ako pero makakahintay naman yun.

"Mabuti naman. Pero gawin mo akong ninang ha? Kung meron." At tumawa siya ng malakas. Ang kulit.

"Ayoko nga. Ang kuripot mo kasi." Biro ko sa kanya. Pinalo lang ako sa braso. "Ikaw ba? Wala pa ba kayong plano ni Chase na magpakasal at magka-anak?"

"Hindi pa namin yan napag-uusapan. Yung kasal? Malabo pa maaga pa para diyan sa amin. Yung anak naman? Darating din yan. Hindi muna ngayon. Gaya mo hindi rin ako ready, madami pa akong gustong gawin. Si Mama, gusto ko pang ipasyal siya sa mga gusto niyang lugar. Gagawin muna naming magtravel. Ewan ko kay Chase kung anong plano din niya. Pero sa ngayon malabo pa ang kasal." Paliwanag niya.

"Ganito pa rin ba kaya tayo kapag may sarili ng pamilya? I mean, ganitong ka-close laging magkasama, nagsasabihan ng problema, nagdadamayan."

"Oo naman. Walang magbabago sa samahan natin. Siguro less lang yung time na magkasama na tayo kasi para na sa pamilya natin. Pero eto ang promise natin ah? Na kahit magkapamilya na tayo hahanap at hahanap tayo ng time para magbonding. Kahit isama na natin yung pamilya natin. Atleast mas lumaki pa yung kasama diba." Sagot niya.

"Promise. I will always have a time for you." Pangako ko.

"Tara na sa loob. Nilalamig na ako. Doon mo na yan ubosin." Aya niya. Tumayo na rin ako gaya niya at inakbayan ko siya. Susulitin ko na lang yung mga araw na kami pa lang dalawa. Kapag magkapamilya na kami talagang mababawasan na ang oras.

Pumasok na kami sa room at nag hugas ng paa bago humiga. Naka harap ako sa kisame at naka tagilid siya paharap sa akin. Medyo masikip para sa amin etong kama.

"Haym paunan sa braso mo ah? Huwag ka ng umangal. Payakap na rin para hindi mo ako ihulog." Naka ngisi niyang sabi.

Nakaunan na siya at naka yakap sa akin. Eto rin mamimiss ko sa kanya. Niyakap ko na lang din siya at nakatulog na kami.

Alas siyete ng umaga ng gumising ako. Tulog pa si Sabrina. Tinitigan ko siya, kung siya na lang sana diba? Kung hindi lang ako natakot noon. Kung hindi lang sana ako nag alinlangan. Kung hindi lang sana ako manhid. Siguro kinasal na kami at may mga anak na rin. Hindi mahirap mahalin si Sabrina. Perfect wife na kumbaga.

Gumalaw siya at alam kong magigising na rin.

"Good morning Sabrina." Bati ko.

"Morning too." Inaantok pa niyang sagot.

"Gising na madami tayong gagawin ngayon. Yung mga activities natin ngayon na gagawin naka pagpahinga naman sila kahapon." Sabi ko.

"Five minutes please." Yan lang ang sagot. Hinayaan ko nalang siya. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako. "Huwag kang malikot, natutulog pa ako. Diyan ka lang." Sabi niyang naka pikit pa rin. Okay five minutes ipipikit ko na lang ang mata ko.

Sa five minutes na extention napunta sa isang oras. Hindi ko namalayan kasi na tulog narin ako. "Five minutes is over. Naka isang oras na tayong extention Sabrina. Gising na." Sabi ko. Tulog pa rin kasi.

"Hhmmm." Inaantok pa rin kaya ang ginawa ko kiniliti ko siya hangang sa magising na nga.

"Tama na oo na gising na ako ohh. Babangon na. Haym tama na!" Pasigaw niyang sabi kasi hindi ko tinigilan hangang makabangon.

"Dali na ligo kana. Late na tayo. Gusto mo sabay na lang tayo?" Taas baba yung kilay ko habang sinasabi ko sakanya yun.

"Nice idea." Sagot niya kaya napatayo rin ako sa kama. Andon na kasi siya sa harap ng banyo. "But try harder next time Haym." At ang lakas ng tawa niya habang  pumapasok sa loob. Okay naka ganti sa akin.

Naiiling na lang ako sa kalokohan namin. Alam ko namang hindi na pwede. Binibiro ko lang din siya. Natapos siyang maligo eh ako naman ang sumunod.

Tapos na kaming lahat na kumain at eto umpisa na ng activities namin. Games lang naman para madevelop pa lalo yung samahan namin. Makikisali kami ni Sabrina dito.

Unang game is pitik kalamansi. Yung paiikutin ka ng ilang beses at pag natapos, tatakpan ang isang mata. Maglalakad paharap para pitikin yung kalamansing naka lagay sa bote sa bibig mismo. Tawa kami ng tawa kasi yung iba hindi pa nakaka punta sa main target tumba na dahil sa hilo. Yung iba naman hindi pa kumpleto yung ikot pero tumba na. At meron din namang nagtagumpay lumapit sa target pero hindi natatamaan.

Madami pa kaming ginawang games. Sock race, tug of war, meron din yung gamit lang eh yung pasta stick tas may naka sabit na can at ililipat sa ibang table pero dapat hindi mapuputol yung pasta.

Sobra ang saya namin dahil sa games. Nakaka pagod pero worth it naman. Nag stop lang kami nung kakain na ng pananghalian at sa hapon tinuloy ulit ang laro.

May mga premyo naman yung mga nanalo. Mga goods na nakabalot. Pinagawa ko na eto sa mga staff sa resort para hindi nila alam ang premyo. Lahat naman may mga bitbit na premyo. Kahit hindi nanalo binigyan pa rin. Para naman hindi malungkot diba. Sa gabi may konti kaming salo-salo at inuman kasi last na gabi na namin at bukas uuwi na kami pero sa umaga hahayaan ko silang mamasyal dito sa Subic kahit saan nila gusto pumunta at sa hapon naman uuwi na kami.

Can We Make It?Onde histórias criam vida. Descubra agora