Chapter 63

4K 84 3
                                    

Jaimie Sabrina

Today is our wedding day. Lahat kami lumipad dito sa America. Lahat ng family members ni Haym at ang lahat ng pamilya ko.

It's a simple wedding. Beach wedding. Ayoko yung sobrang garbo. Pili lang din ang mga bisita namin. Mga kakilala lang ang naimbitahan.

"Anak, congratulations. Eto na ang pinaka hihintay niyong araw ni Haym. Mahalin niyo ang isa't isa ng lubos. Laging paguunawa ang pairalin. Masaya ako na sa mabuting tao ka malalagay. Panatag ang loob ko na maaalagaan ang bunso ko." Si Mama. Gusto kong umiyak pero hindi pwede.

"Salamat sa lahat-lahat Ma. Salamat sa pag-aalaga sa akin mula ng bata ako at ngayon, nagka-anak na ako. Salamat sa pag-aalaga kay Hailey at Heather. Mahal na mahal ka namin Ma. Kayo ni Papi." Yumakap na lang ako sa kanya.

Naglakad na ako patungo sa harap at doon naghihintay ang aking pinakamamahal. Sobrang saya ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko siya. Katabi niya ang dalawa naming anak. Ang gaganda nila sa suot nila. May flower crown pa sila. Simple lang talaga ang mga damit namin. Si Haym naka white long sleeves na tinupi hanggang siko at ang  pambaba naman eh dirty white slacks at ako naman naka white dress hanggang tuhod.

We both agreed this kind of wedding. Hindi magarbo, walang madaming bisita. Our children participated also in planning. Sila ang nagsabing beach wedding. And we agreed to their idea.

Nasa harap na ako ng mga taong mahal na mahal ko. They give me more sweet smiles. Lumapit sa akin ang mga anak ko at nagbigay ng bulaklak.

"Mommy, we love you. Dada loves you too." Sabay na sabi nila.

Narinig ng mga bisita namin ang sinabi nila at natuwa sa mga anak ko. I give them kisses on their cheeks and after that bumalik sila sa Dada nila.

Nilahad na sa akin ni Haym ang mga kamay bilang nagsasabing sumama na ako sa kanila.

The ceremony went well. Magandang payo ang binigay sa amin ng pastor. And it's time for the 'I do'.

"Joey Haym, Do you take Jaimie Sabrina as your lawful spouse? In sickness and health? For richer and poorer? Til death do you part?" Tanong niya kay Haym

"I do." Sagot ni Haym.

"Jaimie Sabrina, Do you take Joey Haym as your lawful spouse? In sickness and health? For richer and poorer? Til death do you part?" Tanong niya sa akin.

"I do." Sagot ko.

"Now I pronounce you a lovely couple. You may kiss your bride." Sabi ng pastor at sa huli niyang sabi kay Haym naman.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Chant ng mga kasama namin.

But before we kiss, we look to our twins and right there, makikita mong sobrang saya nila para sa amin.

"I love you Love." Sabi ni Haym.

"And I love you too Love." Sagot ko.

We seal our wedding with a kiss.

Tuloy lang ang party namin. Andyan yung nagsasayaw sila. Kumakain, nagkukwentohan, at yung iba umiinom na rin. Habang kami naka upo sa isang mesa at naka kandong ang mga anak namin.

"Ang saya ko ngayon. Sa wakas, kasal na tayo. Wala ng lalayo sa akin ah?" Si Haym.

"Opo Love. Sasama kami sayo saan ka man magpunta. Hindi ka namin iiwan." Sagot ko.

Natapos ang kasiyahan ng medyo late na. Nagsi-uwian na rin ang mga ibang bisita. Yung family ni Haym, umuwi na sa kanilang bahay dito sa America. At yung family ko naman sa bahay namin nila Papi.

Kami naman, nag aayos ng gamit. Lilipad kasi kami papuntang France. Ngayon din. Doon namin napili na mag honeymoon. Siyempre isasama namin ang twins. Hindi pwedeng maiwan ang dalawa. Iiyakan ni Haym pag hindi nakita ang mga anak!

"Love ready na ata lahat? Alis na tayo para hindi hustle mamaya." Sabi ni Haym.

"Oo ready na. Pero inaantok na etong mga anak natin." Sabi ko.

"Magpapatulong na lang ako kay Chase na ilagay yung mga gamit sa loob ng kotse babalik ako dito. Kakargahin ko sila." Sabi niya. Diba ang sweet. Tumango na ako at lumabas siya.

Si Chase at Jackie ang maghahatid sa amin sa airport kaya nagpatulong na lang siya. Nakabihis naman na etong dalawa. Yun lang inaantok na talaga.

"My twins, aalis na tayo nila Dada. Halina kayo." Tawag ko sa kanila. Pero wala nakatulog na ata. Hinayaan ko nalang at hinintay matapos ang paglalagay ng mga gamit sa kotse.

"Love okay na lahat. Akin na yung dalawa para maka-alis na tayo." Sabi ni Haym.

"Love tulog na sila. Kargahin mo si Heather ako na kay Hailey." Sinunod niya naman eto at umalis na kami sa room.

Diretso na kami sa airport. Nakapag paalam na kami sa nga parents namin kanina at heto na nga sasakay na kami sa eroplano.

"Bro ingat kayo ha? Alagaan mo yang nga anak mo. At sana pagbalik niyo, may kapatid na sila." Tukso ni Jackie sa amin.

"Oo naman. Aaraw-arawin ko para makabuo." Sakay naman niya sa kapatid.  Kinurot ko nga sa tagiliran. Natawa lang naman sila.

"Bye Chase, ikaw na muna bahala kila Mama at Papi." Tumango siya. "Bye Jackie!" Paalam ko naman sa hipag ko.

"Bye ingat kayo!" Paalam nila sa amin. Tumuloy na kami para makasakay na. Karga pa namin yung mga anak namin kasi tulog na sila.

Ng maka upo na kami sa loob ng eroplano inayos na namin yung pagtulog ng dalawa. Para hindi rin kami mahirapan.

"Ayos ka lang dyan Love?" Tanong ni Haym.

"Opo Love. Kayo ko naman etong anak natin. Kakayanin ko lahat para sa kanila at para sayo." Humalik na lang siya sa akin sa lips at sa noo naman ng mga anak namin.

"Today, we will start our new chapter. We will make this chapter full of happy memories. You, me and our twins." Haym Said.

Hinilig ko na ang ulo ko sa balikat niya at hindi ko namalayang tulog na pala ako.

Can We Make It?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora