Chapter 46

3.4K 75 2
                                    

Jaimie Sabrina

Ganun pa rin kami ni Haym. Parang civil na lang din ang turingan namin. Nag-uusap pero hindi na gaya ng dati. Nag-uusap na lang kapag tungkol sa bar. Hindi pa rin niya hinahandle yung company niya. Gusto daw muna niya ng magaang trabaho kaya sa bar na lang siya.

Isang buwan mahigit na rin ang nakalipas tungkol sa nangyari. At hindi na namin yun pinag usapan. Ako at si Chase? Ayos naman, pero hindi ko pa talaga nasasabi sa kanya. Napaghihinaan ako ng loob.

"Ah ikaw na muna ang bahala dito, aalis muna ako. Baka tatlong araw ako mawawala." Pumasok siya sa opisina ko. Busy akong nagrereview ng report ko kasi.

Tumingin ako sa kanya. "Vacation Leave?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang naman siya bilang sagot. "Okay. Ako na ang bahala."

"Okay. Salamat." Isasara na niya sana ang pinto ng tinawag ko siya. "Bakit?"

"Sana yang vacation leave mo eh hindi tatagal na naman at aabot ng isang taon." Makahulogan kong sabi. Alam naman niya ang ibig kong sabihin.

"Hindi ko alam. Siguro oo, siguro hindi. Sasabihin ko naman sayo kung mag eextend. Magpapaalam naman ako." Sagot niya.

"Haym kung tungkol man eto sa atin, huwag kang lumayo. Di ba sabi mo hindi ka na aalis? Sorry kung ano man ang nasabi ko sayo. Pero alam naman natin na hindi pwedeng maging tayo....." Pero pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Alam ko Sabrina. Hindi pwedeng maging tayo kasi alam ko mahal na mahal mo siya. Okay na ko dun. Huwag na natin pag usapan eto aalis na ako." Paalam niya at isinara na ang pinto kahit hindi pa ako tapos mag salita.

Nasasaktan rin naman ko sa nangyayari sa amin eh. Hindi lang naman siya. Hindi naman pwedeng maipilit lahat ng gusto namin. May hangganan rin naman.

Nagtuloy na lang ako sa pagtatrabaho ko at tinapos ang isang gabi na nakakapagod.

Pagkarating ko ng bahay, halos bukas pa lahat ng ilaw sa loob. Hindi pa tulog si Mama? Pero anong oras na rin naman.

Pinasok ko na sa garahe ang kotse ko at tumuloy sa loob. Nakita kong nagkukwentohan pa sila Mama at ang mga ate ko. Bumisita pala sila ngayon pero anong oras na hindi pa rin tulog?

"Mukhang mahaba na yang kwentohan ah?" Agaw ko ng atensyon nila.

"Anak halika dito, may ipapakilala ako sayo. Sigurado akong sasaya ka pag nakita mo siya." Aya ni Mama sa akin at tumabi nga ako sa kanya.

"Ma may bisita pa tayo kahit ganitong oras na?"

"Hindi lang naman isang bisita anak." Sabi ni Mama at isang tinig ng lalake ang tumawag sa akin mula sa kusina.

"Sabrina, my baby." Sabi niya. Gulat. Yan ang naramdaman ko. Napaluha na rin ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahong nawala siya sa amin eh makikita ko pa rin siya.

Puti na ang kanyang buhok. Mas tumanda na rin siya pero guwapo pa rin. May hawak na saklay. Tumayo si Ate Sam para tulungang makalapit sa amin. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Baby? You are now a lady. I miss you so much." Sabi niya sa akin na naka ngiti.

"Papi?" Yun lang ang nasabi ko at sinugod ko na siya ng yakap. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya habang umiiyak. Miss na miss ko na siya. Ang tagal ng panahong nahiwalay kami sa kanya.

"Ohh don't cry baby. Im here. I will not go anywhere again. I will not leave you. I love you." Sabi niya at hinalikan ako sa ulo ko.

Ang mga ate at sina Mama ay naluluha na rin. Alam kasi nilang papa's girl ako. Ako ang bunso eh kaya ganyan ang tawag sa akin. Binibaby kasi ako noon.

Nag uusap pa rin kami at kinukwento niya ang nangyari sa kanya kung bakit bigla siyang nawala. Pagkauwi daw niya sa America, hindi niya inasahan na iba ang sasalubong sa kanya. He was involved in car accident and was comatose for a month. Hindi alam ng parents niya kung paano kami icocontact kasi hindi nila alam ang eksaktong address namin sa Pilipinas. Dahil sa nangyari sa kanya, hindi siya naka lakad ng ilang taon at hindi maka usap. And worst is, he got an amnesia. Kaya pala hindi na naka uwi sa amin. But now, he is fully recovered. Nag ipon daw muna siya ng pera para maka uwi sa amin. And now, he is with us.

"Don't worry Papi, im not mad at you now that i know what really happened. And please i have a favor. Please don't ever leave us again." Paki usap ko.

"No im not leaving baby. I will stay here. You are my family. I don't want your Mama gets sad again." Sabi niya.

Nagyakapan na lang kaming mag papamilya at nagkatawanan. Ang saya-saya ko. Kumpleto na kami ngayon. Natulog na kami kasi madaling araw na.

Before i go to sleep, i texted Haym. Kasi alam niya ang nangyari sa pamilya ko. At sinabi ko sa kanya noon na kapag nahanap ko ang Papi, siya ang unang makakaalam.

"Hi? Siguro tulog kana ngayon. May gusto lang akong ipaalam sayo. Papi is back to us. At sana makilala ka niya. Sige matulog kana ulit. Good morning Haym." Yan ang text ko.

Tinext ko na rin naman si Chase at ganun din. Pinaalam kong bumalik na sa amin si Papi. At natulog na ako. Late na!

Kinaumagahan, antok na antok pa ako at ng tinignan ko ang oras alas nuebe na pala. Late na nga kasi kami natulog eh. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tinignan ang mga text. May mga text si Chase at meron ding nag iisang text galing kay Haym.

Inuna kong buksan ang kay Haym.

"Im happy for you and for tita. Hoping also to meet him. But for now, spend more time with your family. Ako na ang bahala sa bar. Ipapabantay ko na lang sa isa kong pinsan. Maasahan naman siya. Basta take your leave and ako ang bahala. Good morning."

Pagkatapos kong basahin ang text niya, tinawagan ko agad.

Ring lang ng ring. Naka dalawa na rin akong tawag pero hindi sinasagot. Sinubukan ko ulit at eto tagumpay.

"Hello?" Medyo inaantok pa niyang sabi.

"Good morning Haym. Sorry naistorbo ko yata yang  tulog mo."

Humikab pa siya bago nagsalita. "Hindi naman masyado, napatawag ka?" Tanong niya.

"Ah oo pala, sigurado ka ba sa sinabi mo? Leave muna ako?"

"Yes. Ako nga bahala doon. Pero sana after balik ko na lang bago ka mag leave. Pwede?" May tawa pa siya sa tanong.

"Oo naman. Nakakahiya naman kasi na iiwan ko agad. Basta ikaw ang bahala ah?" Pag aassure ko.

"Ang kulit oo nga." Tumawa lang siya bilang sagot. Pero bago ako naka pagsalita, may narinig akong boses ng babae na tumawag sa kanya. "Hon? Who's that?" Natigilan ako sa narinig.

"Ah Sabrina saka na lang tayo mag usap. Tsaka paki sabi kay tita masaya ako para sa inyo. Sige baba ko na. Bye." Siya at pinatay na nga ang tawag na hindi man lang ako nakasalita.

Umalis lang siya para mambabae? Kaya pala tatlong araw na wala nasa saya pala ng babae niya! May pasabi sabi pang mahal ako pero yun pala may kinakama pang iba! Nakakainis! Bakit ba ako nakakaramdam neto eh wala naman akong pakialam kahit anong gawin niya.

Remember Sabrina? You take her down so may karapatan siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Kahit pa nga buntisin na niya ngayon yung kasama niya wala kang karapatan. Sabi ng utak ko..

Nababaliw na ata ako. Bumangon na lang ako sa kama at pumasok sa banyo para maghilamos. Nawala pa yung maganda kong mood dahil sa narinig ko. May palasing-lasing pa sa gabi. Paiyak-iyak. Tapos ang bilis lang nakahanap ng iba? Nakaka galit talaga. Ang sarap bugbugin.

Iniba ko na ang mood ko bago lumabas ng kwarto para hindi mahalata ang mga kasama ko. Besides dapat masaya ako kasi kumpleto na kami.

Nagtungo ako sa dinning table at doon, kumain kaming magpapamilya na kumpleto.

Can We Make It?Where stories live. Discover now