Chapter 12

3.8K 100 1
                                    

Joey Haym

Today is sunday at nandito pa rin sa bahay ng mga parents ko. Well family day nga sabi nila. Mabuti na rin eto para makarelax ako. Yung bahay ko naman hindi naman iyon marumi kasi meron naman nagpupuntang maid para linisin.

Hawak ang tasa na puno ng kape, tumungo ako sa may pool at naupo sa isang silya doon para magpahangin na rin. Maaga pa naman. Tulog pa yata yung mga kapatid ko pati mga pamangkin. Yung parents ko naman gising na at nag aagahan na rin sila. Matinis na salita ng bata ang nagpawala sa aking pamumuni-muni.

"Good morning tito Joey!" Bati sa akin ni Bella. Ang aga naman netong gumising. Habang yung mga magulang tulog pa ata.

"Good morning too my dear. Why your wake up so early? Are you hungry?"

"A little bit hungry tito. Mom is also awake. She is with Lolo and Lola." Sagot niya.

"Then you should eat your breakfast together with Lola if you are hungry."

"I want you to come with me. Let's eat together tito." Paglalambing sa akin ng bata. Tumayo na kami at iniwan ang tasa sa isang mesa. Kinarga ko na rin siya.

"Oh Joey pakainin mo na yang anak ko. Ikaw daw gusto niyang makasabay eh. Miss ka talaga niyan alam mo bang ikaw lagi ang hinahanap. Nag rerequest nga na gustong pumunta sayo kaso busy ka naman sa company mo." Mahabang salita ni ate Jane.

"Tumawag ka nalang sana sa akin ate. Ako na pupunta sa bahay nyo para mabisita ko mga pamangkin ko."

"Sa susunod tatawag na lang ako." Sabi niya.

Pinakain ko na rin naman si Bella sa kagustohang sabay daw kami. Sweet talaga netong pamangkin ko sa akin.

Tapos na kaming lahat sa pag aagahan at naka upo sa may sala. Pinanunood ang mga batang nag lalaro.

"Hello everyone!" Masayang bati ni Sabrina ng makapasok siya sa loob ng bahay.

"Tita ninang!!!!!" Tili at takbo ni Bella papunta kay Sabrina. Miss nga talaga ng bata si Sabrina.

"Hi iha, tuloy ka. Kumain kana ba?" Anyaya at tanong ni Mommy.

"Opo tita tapus na po. Kamusta po kayo? Sorry hindi ako nakakapunta dito kasi busy po eh." Nahihiyang sabi ni Sabrina.

Naka upo lang naman ako dito sa couch habang karga ko na ang bunsong anak ni kuya Jake. 2 years old pa lang kasi eto. Habang naka upo ako dito napatingin ako kay Sabrina at napatulala.

Sabrina is sweet, kind, and responsible. Siguro kaya gustong gusto nila Mommy para sa akin. Napatingin naman ako sa kanyang suot. Simple lang naman pero malakas ang dating sa kanya. Sakto namang tumingin ako sa mata niya at sakto rin pa lang nakatingin siya sa akin. Huli ako doon ah.

"Ahh Hi Haym. Good morning." Bati niya sa akin.

"Good morning too. Halika maupo ka muna dito. Bella my dear papuntahin mo na ang tita ninang mo dito." Utos ko sakanya at sa bata.

Umupo naman sila sa isang couch at nagpakandong ang bata sa kanya. Masayang nagkwe-kwentohan ang dalawa habang ako ay nakikinig lang dito.

"Hi Sabrina. Long time no see ahh. Mas gumanda ka ngayon. Meron sigurong nagpapa blooming sayo ah." Tukso ni ate Jane sa kanya.

"Hello ate. Naku ikaw talaga ate binibiro mo na naman ako. Mamaya maniwala na ako." Sabay pa silang natawa sa kanilang mga biro.

"No Sabrina im not joking here. Mas gumanda ka nga. May boyfriend kana ba?" Si ate na nagtatanong.

"Wala ngang nagkakamali sa aking manligaw ate eh. Hindi naman ata ako maganda." Sagot naman niya.

Nakikinig lang ako sakanila at busy sa pagbabantay sa bata.

"Ipapakilala kita sa isa naming partners. Gwapo naman siya, mabait, tska may respeto. Gusto mo ba?" Naka ngiting sabi ni ate sa kanya habang binaling ang tingin sa akin na nang-aasar. Tinignan ko lang din siya ng nagtatanong.

"Sige ba ate, pakilala mo naman ako para magka love life naman ako." Nakangiting sabi ni Sabrina. Napatingin naman ako sa kanya at mukhang gustong gusto pa ang sinabi ni ate. Tsk mas gwapo pa ako doon. Sabi ko na lang ng isip ko.

"Tsk tama na yan dami pang sinasabi. Sabrina sumama ka sakin sa kusina mag meryenda ka muna doon." Naka simangot ko namang sabi. Ang ate ko naka ngisi sa akin ng nakakaasar. Ano bang problema niya?

"Why your so pissed off brother? Nagseselos ka ba kasi etong BESTFRIEND mo eh magkakalove life na?" With emphasis na sabi ni ate.

"Kuya pahawak na lang etong si James." Sabi ko sa kuya ko at inabot sa kanya ang bata. "Sabrina halika na."

"Oh Halikan na raw Sabrina." Sabi ni ate na ikina pula ng pisngi ng huli. Tsk tsk. Nang aasar na naman eto.

"Ate tumigil ka nga diyan. Mahiya ka naman dito sa tao oh." Asar kong saway sa kanya.

Nagtungo na lang kami sa kusina para pakainin etong bisita ko. "Bakit kaba nakasimangot inaasar ka lang ng ate mo eh."

"Wala wag mo na lang pansinin kain ka lang diyan. Gusto mo bang tawagin ko si Bella?" Pagiiba ko ng usapan at tumango lang siya. Tinawag ko na lang ang bata para may kausap naman siya.

"Tita ninang thank you for the gift i really like it!" Masayang sabi ni Bella. Nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Wala pa ako sa mood dahil sa pinagsasabi ni ate.

Ano naman kasi kung ipakilala niya sa iba si Sabrina diba? Atleast para may lovelife narin eto. Bakit ba ako naasar sa ginawa ni ate? Hayyss ewan ko na kung ano eto.

"Tito Joey bakit naka simangot ka?" Tanong ni Bella.

Napatingin naman ako sa bata at kay Sabrina. Nagtataka ang mga mukha nilang dalawa.

"Nothing my dear my iniisip lang." Pagrarason ko.

Nagtatanong na tingin ang pinukol sa akin ni Sabrina at sinabing "Anong problema Haym?"

"Wala may iniisip lang about sa company." Pagdadahilan ko. Alangan namang sabihin kong dahil sa ipapakilala siya ni ate sa iba diba?.

Nagtuloy tuloy lang ang kwentohan nilang dalawa at ako nakikisali na rin minsan. Nawala na rin yung pagkakaasar ko dahil sa saya ng dalawang tao sa harap ko.

Isang flash ng camera ang nagpatigil sa aming kasiyahan at hinanap ang salarin. It's Mommy together with ate Jane.

"Ang ganda namang tignan neto Jane, parang isang pamilya. Bagay talaga kayo Sabrina ng anak ko." Sabi ni Mommy at namula ang pisngi ng huli. Eto na naman po sila.

"Bakit hindi na lang kaya kayo magkatuloyan? Single si Joey single din si Sabrina. Oh pwede na diba Jane?" Si Mommy.

"Mom mahina naman po kasi etong anak niyo dito. Hindi alam manligaw." Pang aasar na naman ni ate.

"Mommy, ate, please tama na yan nakakahiya kay Sabrina ohh." Pagtatangol ko.

"Sabrina anak, gusto kita sa anak ko. Bigyan niyo na lang ako ng apo." Si Mommy.

Napanganga naman kami ni Sabrina sa sinabi ni Mommy at nagkatinginan. Si ate naman ang lakas ng tawa. Si Mommy parang wala lang sa kanya yung sinabi niya. Naku naman po. Heto na naman sila.

Can We Make It?Where stories live. Discover now