Chapter 48

3.4K 83 2
                                    

Jaimie Sabrina

Nagpatuloy ang masamang pakiramdam ko. At eto na naman nasusuka ako. Wala rin akong ganang kumain ewan ko na kung anong nangyayari sa akin. Sabi ni Mama, pa-check up ako. Pero ayoko. Hindi lang siguro ako sanay sa ginagawa ko araw-araw simula nung hindi na ako pumasok sa bar.

Eto na naman. Mula sa panonood ko sa sala na naka upo, tumakbo ako sa kusina at nagsuka sa sink. Walang lumalabas kundi laway lang. Parang gustong lumabas ng buo kong tiyan.

"Anak magpa-check up ka kaya? Baka iba na yan." Si Mama habang hinahagod ang likod ko.

"Anong iba Ma? Tsaka ayoko sa hospital diba po. Kaya ko naman."

Tumingin sa akin si Mama ng seryoso. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya. "Anak naman, lagi ka ng nagsusuka wala na mang lumalabas. Lagi ka ring bugnotin nitong nakaraang araw. May nararamdaman ka bang iba?"

"Wala po Ma. Pahinga lang eto." Sagot ko. Pumasok na lang ako sa kuwarto at doon nahiga. Nagtry akong magsearch kay mr google kung bakit ako nagkakaganito. And their is this one na nakakuha ng atensyon ko.

No! It can't be! Napatingin ako sa kalendaryo, two months delayed na pala ako. Kumabog ng malakas ang aking puso. Hindi to pwede! Two months passed na rin after that night! No! No! No!

Morning sickness, walang ganang kumain, minsan bugnotin. This symptoms im feeling? Tugma eto.

Para makumpirma, lumabas ako ng bahay at bumili ng kakailanganin ko.

No! No! No!

Pagkarating ng bahay, pumasok ako sa kwarto at doon nilabas ko ang binili ko. I don't know what to do. Naiiyak ako!

Days passed mula ng araw na nalaman ko ang totoo. Umiiyak ako parati. Nasabi ko na kay Mama. She isn't mad at me. Pati kay Papi naiexplain na rin namin.

Pinapunta ko si Chase dito sa bahay. I miss her and eto na talaga yung araw na kailangan kong sabihin sa kanya.

"Anak nandito na si Chase, papasukin ko nalang siya hah?" Si Mama. Alam niya rin ang balak ko ngayon.

Bumukas ang pinto ko at pumasok si Chase.

"Babe what's happening? Sabi ni tita lagi kang nagkukulong at umiiyak. Bakit?" Niyakap niya ako agad.

Dahil sa sinabi niya at ginawa, bumagsak na ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan pa.

"Chase you know that i love you so much right?" Tumango lang siya. "May sasabihin ako sa iyo. At sana pakinggan mo ako."

"Go on. Im listening." Sagot niya.

"Im sorry. Sisimulan ko sa paghingi ng tawad. Sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. Ang laki ng tiwala mo sa akin pero nasira ko eto."

"What do you mean nasira? Babe please go straight to the point." Medyo naiinis niyang sabi.

"Chase im sorry. Hindi ko naman yun sinasadya. Remember the Subic vacation we had?" Tumango siya. "Dahil sa kulang ng kwarto, kailangan ibigay yung akin kesa walang matulogan ang iba. Chase and I agreed to occupy a common room." Sinasabi ko yan habang umiiyak.

"We had a simple party sa last night namin doon at nagpakalasing ang lahat. Haym was so drunk and ako nakainom rin. Chase im sorry."

Humiwalay siya sa yakapan namin at lumayo sa akin. Seryoso ang mukha niya. "Go on. Im still listening."

"S..something happened to us." Walang salitang lumabas sa bibig niya ng sabihin ko iyon. Iyak lang ako ng iyak. Hindi siya makatingin sa akin. Alam ko, nagiisip na siya ng iba. Alam kong kasalanan ko eto.

"Bakit Jaimie? Bakit mo nagawa eto sa akin? Bakit ngayon mo lang sinabi? Ilang buwan na ang nakalipas. Ngayon ka lang magsasabi. Alam kong may hindi tayo pagkakaintindihan noon, pero bakit naman ganun Jaimie. Ang unfair naman." Lumuluha rin siyang nag sasalita. "Gumanti ka agad sa akin? Ang sakit Jaimie."

"No Chase! Hindi ako gumaganti. Im sorry. Dahil sa alak kaya nangyari yun. Im sorry. Kasalanan ko eto." Humagulhol na ako sa iyak. Alam kong naririnig na kami sa labas pero alam nila na huwag silang papasok.

"Ang dali mo namang bumigay sa kanya Jaimie. Habang ako nirespeto ko yung gusto mong hindi ka ready. Mahal mo mga talaga siya." Sabi niya.

Mahal ko si Haym? Oo bilang kaibigan.

"Chase ikaw ang mahal ko! Ikaw na ang mahal ko. Im sorry. Magkaibigan kami Chase. And we did it before pa tayong magkakilala." Isa pang pag amin ko sa kanya. Alam ko Chase. Sobra na kitang nasasaktan.

"Just....what the...Jaimie bakit hindi mo sinabi yang bagay na yan sa akin noon? Matatangap ko naman eh. Tatanggapin ko naman." Lumuluha pa rin siya.

"Im sorry Chase." Yun lang ang nasabi ko. Umiiyak lang ako ng diretso. Natahimik na naman kami.

"Ano pa Jaimie? Para minsanan na ang sakit. Ano pa ang aaminin mo?" Tanong niya sa akin.

Heto na Sabrina, umamin kana. May pagkakataon ka ng umamin huwag ka ng maging duwag.

"I'm pregnant. And this is Haym's baby."

Nagtataka siyang tumingin sa akin. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"W..what? Joey's?" Nauutal niyang tanong.

"Haym is intersex and she is capable to impregnate." Pag amin ko sa kanya. Wala na akong tinatago pa sa kanya.

"This is not happening to me. Anong kasalanan ko sayo Jaimie? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Bakit?" Mas lalo na siyang napaiyak.

"Chase wala kang kasalanan sa akin. Wala kang nagawang mali. Ako Chase. Ako ang may kasalanan sayo. Im sorry."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi niya ako niyakap pabalik. Im sorry ako ang nanakit sa ating dalawa. Umiiyak lang kaming dalawa at kalaunan niyakap na rin niya ako.

"Mahal kita Jaimie. Mahal na mahal. Pero sa nangyaring yan, hindi ko alam ang gagawin. Mahal kita yun ang alam ko. Hayaan mo muna akong mag isip. Please. Gusto kong magisip para sa atin. Para din dyan sa batang dinadala mo." Humiwalay siya sa yakapan namin. "Please do me a favor, wala kang gagawing masama para ikapahamak mo at ng bata. Wala yang kasalanan Jaimie. The baby is a blessing. Please promise me."

Tumango ako bilang sagot. Hindi ko naman ipapahamak ang anak ko. Mahal ko siya kahit hindi ko pa nakikita.

"Salamat Chase. Para sa bata, salamat. Promise, wala akong gagawing masama." Ngayon ngumiti siya sa akin at hinawakan ang tummy ko.

"Anong balak mo? Sasabihin mo ba kay Joey?" Malumanay na niyang sabi. Ang bait niya talagang tao.

"Wala. Wala siyang malalaman. Ayokong gulohin ang buhay niya ngayong may girlfriend na siya. Kaya kong buhayin ang anak ko ng wala siya." Determined kong sagot.

"Pero karapatan niyang malaman Jaimie. Anak niya pa rin yan." Sagot naman niya.

"Sa tamang panahon ipapakilala ko siya. Pero hindi ngayon. Kumplikado pa lahat. Please huwag mong sasabihin." Paki usap ko.

"Para sa bata, pangako hindi ko sasabihin at mangako ka na sasabihin mo rin sa kanya pag okay na ang lahat." Tumango ako bilang sagot.

"Aalis kami ng bansa. Doon kami sa America titira. Doon kila Papi. Para hindi niya kami makita. Para di niya malaman. Gusto ring dalhin niya kami doon sa bahay niya noon pa. Pero tumatanggi kami ni Mama. Pero ngayon, may rason na ako para magpatuloy." Sagot ko.

"Kung yan ang desisyon mo. Para sa bata, susuportahan kita." Niyakap niya ako.

"Im sorry Chase. Im really sorry." Hinalikan niya lang ako sa ulo bilang sagot.

Sorry Haym. Ipapakilala ko naman sayo. Pero hindi pa ngayon. Alam kong masaya ka sa napili mo ngayon. Siya siguro yung taong kaya kang mahalin ng pabalik. Im sorry.

Can We Make It?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu