Chapter 41

3.7K 80 2
                                    

Joey Haym

Dito na sa malapit sa dalampasigan namin ginaganap ang konting salo-salo namin. May mga kumakain at meron ding nag-iinoman. Nagpakuha ako ng isang videoke kasi eto ang gusto nila. Para sa kanila ang gabing eto. Hindi naman kami nakaka istorbo sa ibang guests kasi may kalayoan na rin sa mga rooms ang pwesto namin.

"Boss kanta po kayo oh." Isa sa mga bouncers namin ang nag approach sa akin.

"Naku masisira ang gabi natin pag kumanta ako, baka umulan." Pagtanggi ko. Hindi ako marunong kumanta. Totoo iyon. Baka masira lang ang gabi nila.

"Maniwala ka sa kanya. Baka bumagyo pa dito hindi tayo maka uwi bukas." Si Sabrina na nasa likod ko.

"Ganon ho ba. Sige kami na lang ang kakanta boss. Para sayo po eto." At umalis na para kumanta.

Nakikinig lang ako sa kanta nila. Sinasabayan ko na rin ng inom ng alak. Magsasaya kami ngayong gabi kasi umaapaw ang alak!

"Ang daming alak Haym. Talagang pinag fiesta mo sila ah." Si Sabrina.

"Hayaan mo na lang. Ngayon lang yan bukas bangag na." At tumawa kami sa sinabi ko. "Eto uminom ka rin huwag kang tatakas." Bigay ko sa kanya ang isang bote. May pagka hard drink ang mga iniinom namin. Para bagsak lahat!

"Hindi no! Gusto ko rin kaya mag pakalasing minsan lang eto. Libre pa." Biro niya.

Tinuloy lang namin ang kasiyahan kasi maaga pa naman. Tuloy-tuloy lang sila sa pagkanta at pag inom. May mga natatamaan na rin ng alak kasi kapag may kumakanta ng upbeat nagsasayawan na. Etong katabi ko namumula na rin yung mukha.

"Gusto mo rin maging bangag?" Tanong ko.

"Hindi konti lang iinomin ko." Sagot niya.

"Boss Joey, ma'am Sabrina. May request sana kami. Mapagbigyan man lang sana." Pagtawag sa atensyon namin ng isa naming kasamahan.

"Ano yun? Go ako basta huwag lang kumanta. Malilintikan tayo niyan." Tanong ko.

"Boss sayaw naman kayo ni ma'am. Sweet music naman oh. Yun lang ang request namin." Sabi niya. Ano bang pangalan kasi? Nakalimutan ko na.

Tumingin ako kay Sabrina na tumango. Pagbibigyan na nga lang sayaw naman eto at hindi kanta.

Nilahad ko ang kamay ko sa harap ni Sabrina. "Ayeiii." Kantyaw ng aming mga kasama. Kinuha na lang niya eto at napunta kami sa harapan.

"Bago ang lahat..." Pagtawag ko ng pansin nila. "Sana nag enjoy kayo sa ating munting bakasyon. Simpleng pasasalamat namin eto sa inyo sa patuloy na pagtatrabaho at patuloy na pag papabuti sa Hit bar. Salamat sa inyong lahat kasi naging tapat kayo. Wala akong ibang masabi sa inyong lahat kundi ang bubuti niyo at ang sisipag. Ipagpatuloy niyo lang ang magandang nasimulan niyo ako ng bahala sa inyo. Salamat!" Nag speech pa ako sa harap nila.

Sinenyasan ko na lang yung kakanta na ituloy na. Humarap naman ako kay Sabrina at hinapit sa bewang para mas lumapit pa sa akin. Hiyawan ang aming naririnig pero hindi namin eto pinansin. Kinawit niya ang kanyang mga braso sa aking batok. Isang sweet song nga ang kinanta nila. Hindi ko alam ang title kasi hindi rin ako mahilig sa kanta.

Nagkatitigan lang kami habang dinadama ang musika. Nilapit ko ang noo ko sa kanya at pinagdikit eto. Nakapikit na ang aming mga mata. Mas lalong lumakas ang hiyawan nila na akala mo kinikilig sa nakikita. Hinahayaan naman lang ako ni Sabrina sa ginagawa ko.

"Bakit ba hiyaw sila ng hiyaw? Nakaka kilig ba tayo?" Tanong ko habang nagsasayaw pa kami.

"Hindi ko alam. Siguro nga nakikilig sila. Ewan ko sa mga diyan. Hindi naman sila ganyan kapag si Chase ang kasama ko." Sabi niya.

Hindi ako kumibo agad dahil sa sinabi niya. Bakit ba ako nagseselos ngayon? Eh wala naman dapat ikaselos. Magkarelasyon sila Haym. Paalala lang.

Natapos ang kanta at kami ay naupo na. Tinuloy lang nila ang ginagawa at ako heto. Tinuloy ko rin ang pag inom. Sunog baga na ba ako?

"Haym hinay-hinay lang naman sa pag inom. Nagmamadali ba?" Tanong ni Sabrina. Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko alam nawalan ako ng mood. Dapat hindi ko eto nararamdaman.

Umiinom rin naman siya pero hindi kagaya ko na diretso. Naka ilan pa lang naman siya habang ako eto isang dosena na ata. Hindi na ako pinigilan ni Sabrina sa pag inom ko. Napansin niya sigurong wala na ako sa mood.

Medyo nahihilo na rin ako. Eto na eepekto na yung alak! Yung balak kong pabagsakin yung mga kasama ko, ako naman ang unang nadali. Tumayo ako para sana maghilamos pero yung tingin ko parang gumagalaw. Lumilindol ba?

"Haym saan ka pupunta? Kaya mo pa ba?" Si Sabrina.

"Siguro. Nakikita ko pa naman yung daan. Gumagalaw lang. Hihihi." Ako yan lasing na.

"Sasamahan na kang kita. Saan kaba pupunta?" Siya ulit.

"Magtatampisaw sa dagat. Para mawala eto." Wala sa sarili kong sabi.

"Hayy lasing kana nga. Tara na lang sa kuwarto doon kana lang magtampisaw kung gusto mo." Tila naiinis ring sabi ni Sabrina. "Upo ka muna magpapa alam lang ako sa kanila para sila na ang bahala dito." Umalis si Sabrina sa harap ko.

"Alfred ikaw ng bahala dito ah? Lasing na yung boss natin ayun oh kung ano-ano ng sinasabi. Tapon ko nalang kaya sa dagat?" Rinig kong sabi ni Sabrina at natawa naman yung kausap. Kaya ko pa naman. Nahihilo lang ako.

"Sige ma'am kami ng bahala dito. Sasabihan ko nalang sila na nauna na kayo. Ililigpit na rin namin dito pag tapus na." Si Alfred ba yun?

"Sige huwag kayong magulo ah? Para hindi nakakahiya sa ibang bisita. Mauna na kami." Paalam ni Sabrina.

Habang nagpapaalam siya kanina umiinom ako. Eh ang tagal naman. Nauuhaw pa ako. May binulsa pa ako para iinomin ko sa kuwarto hindi ko siya bibigyan.

"Ano ba yan, nag iinom kapa? Umayos ka Haym ah sasapakin kita. Ako natamaan na rin ng alak kaya kung matutumba tayo sa daan sapak katapat mo." Pag babanta sa akin. Di ko nga pinansin.

"Hayyyst! Tara na nga!" Hinila na niya ako at kamuntikan kaming matumba sa ginawa niya.

"Opps! Not my fault, you grab me ah!" Naunahan ko na siya. Mahirap masapak ng amazona.

"Umayos kana lang." Sabi niya umakbay na lang ako sa kanya at naglakad kami. May kalayuan kasi mula sa location namin kanina hanggang sa kuwarto.

Habang naglalakad ng mabagal tumutungga ako ng alak. Yung binulsa ko. At nakita naman ni Sabrina. Bago pa makapagsalita inoffer ko na sa kanya para uminom din. Dapat ako lang ang iinom nun eh kaso baka masapak ako pag hindi ko binigyan.

"Share na lang tayo. Madami pa naman." Sabi kong lasing.

Tumigil kami sa paglalakad at nag share nga kami. Mga baliw na kami neto. Inubos na lang namin at nagpatuloy na. Kinukulit ko siya habang pauwi sa kwarto. Naiinis na nga sa akin eh. Bakit ba kasi ang layo naman kanina pa kami naglalakad.

"Nahihilo na ako sayo Haym. Ang kulit-kulit mo." Si Sabrina na humigpit ang kapit din sa akin. Lasing pa more.

Nakarating na rin kami sa wakas at diretso ako sa kama. Nahihilo talaga ako. Siya naman nahiga na rin sa tabi ko. Magkaharap kami. Hindi naman kami naka pikit nag titigan lang.

"Pakiss?" Kulit ko sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa pisgi. "Isa pa dito oh." Turo ko sa lips ko. Bumelat lang siya. "Kiss na Sabrina." Kulit ko pa rin sa kanya.

Without hesitation she kiss me. Hindi nakapikit ang mga mata namin. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Magkadikit lang ang nga labi namin. Nagstay kami ng ganon for about 1 minute. Hanggang sa ako ang unang humiwalay.

"Sana ikaw na lang yung minahal ko noon. Tama sila. Mas bagay nga tayo. Sabrina pwedeng ako na kang?" Wala sa sarili kong sabi.

She didn't utter any words but she kiss me again. This time mas mapaghanap na. Tumugon ako sa halik niya at dahil na rin siguro sa kalasingan at dala na rin ng init ng katawan. Our tongue is fighting for dominance and i win.

----------------------------------
Note: Next Chapter is Matured Content.Thank you for reading!

Can We Make It?Where stories live. Discover now