Chapter 49

3.4K 88 7
                                    

Joey Haym

It was nice talking to her Papi. Alam mo yong hindi pa naman kami ganun magkakilala pero sobra na niya ako pinag kakatiwalaan. He also thanked me for being always there for Sabrina. Siyempre sa akin kahit hindi siya mag thank you gagawin ko pa rin naman yun eh. Ang laging nasa tabi niya. No matter what.

She also acts weird that day. Meron ba siya kaya ganon na lang ang pinag-gagawa niya? Mag-susungit then tatahimik na. Simpleng biro lang sa cupcake iniyakan na? Hindi naman yun umiiyak kapag binibiro ko eh. Sasapak pwede pa.

Pero baka nga meron lang siya kaya ganon, ang moody niya. I needed to go that day kahit gusto ko pa sanang makabonding ang family niya. Siyempre masaya ako para sa kanya na buo na ulit sila. She always dreamed that one day her family will be completed. At ngayon ngang naka balik na ang Papi niya, her dream came true.

Nandito ako sa bar ngayon, sa office mismo. Ako na muna ang namamahala ngayon kasi leave ni Sabrina. Ayos lang naman sa akin eh, kasi akin naman eto. At ang company ko? Daddy is handling it. Kasama niya si Jackie. Kahit iba ang tinapos ng kapatid ko magaling pa rin siya sa business. Nagmana kami sa magulang naming business minded.

Isang katok mula sa pinto ang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

"Hi Joey. Did i disturb you again?" Tanong niya.

"No come in. Please take a seat sa sofa, Keren." Yes peeps. It's Keren.

"Thank you. Akala ko naiistorbo na naman kita. Gaya nung huli kong tawag sayo. Pasensya na, hormones talaga. Ikaw pinaglilihian ko." Sabi niya. Yes she is pregnant.

"No worries. It's okay with me. I guess same reason din kung bakit ka napunta dito ngayon?" Masaya kong tanong.

"Kinda. Gusto ko kasi nakikita yang mga ngiti mo tsaka yang kulay ng mata mo. Sana ganyan rin ang kulay ng baby ko." Nakangiti niyang sabi. I hope so.

Marami ng nagsasabi na maganda ang kulay ng mata ko. Kulay asul na parang dagat. Well i should thank to my father. I got his eyes. Also my hair. Blonde.

Keren is pregnant for two months. Im happy for her at ako nga etong pinaglilihian. Laging gusto ako makita. Pinagbibigyan ko naman kasi diba masama daw kapag hindi mo binigay yung gusto ng buntis? Kesa naman sumama ang pakiramdam, pinagbibigyan ko.

"Joey dito ka sa tabi ko, gusto kitang i-hug. Ang cute-cute ng pisngi ko. Ang sarap kurotin. Gusto ko rin yang amoy mo. Dali na." Request niya. Eto na ang sinasabi ko. Tumabi na lang ako sa kanya.

"Baka naman mamaya niyan pagselosan....." Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng pumasok sa loob si Sabrina.

Bigla akong napalayo at tumayo mula kay Keren. Bakit ba parang nagkasala pa ako. Wala akong ginagawang masama!

Napasimangot naman silang dalawa. Si Keren dahil sa hindi niya ako nayayakap, buntis nga eh. Yung isa naman, ewan ko. Siguro dahil sa alam niya ang nangyari sa amin ni Keren pero kasama ko pa rin? I don't know. Ang sama na ng tingin.

"Ahh ehh.. Ikaw pala Sabrina. Halika upo ka muna dito. Papasok kana ba? Teka aayusin ko lang yung mga gamit ko sa table mo. Para malinis ang..." Pero hindi ko natuloy ang sasabihin pa sana.

"No it's okay. Nagpunta lang ako dito para maka-usap ka sana. Ng ikaw lang." Tapos tumingin kay Keren. Okay talagang seryoso eto. Tumango na lang ako.

"Aalis na ako Joey. May kailangan talaga kayong pag usapan. Ang seryoso niyo kasi, nakakasira sa mood ni baby." Sabay himas niya sa tummy niya. Hindi pa naman ganon kalaki yon. "Bye, Hon." Umalis na siya dito.

Naupo na lang kami ni Sabrina sa magkabilang sofa. Harapan.

"Buntis pala siya. Well congrats." Sabi niyang parang naiiyak. Anong congrats?

"Ano bang sinasabi mo? Hindi..." Naputol ang sasabihin ko. Lagi na lang napuputol?

"Nag punta ako dito para mag paalam sayo." Simula niya.

"Extend ang leave? Sige ayos lang para makapagpahinga ka rin." Naiintindihan kong sagot.

"No. It's not like that. Magreresign na ako Haym." Sabi niyang nakatingin sa mga mata ko.

"What? Why? Nahihirapan kana ba dito sa bar? Pwede namang tayo magpapalakad neto. Tutulong naman na ako full time dito." Medyo gulat kong sabi. Bakit?

"Hindi dahil sa nahihirapan sa trabaho. Actually mahal ko ang trabaho dito. Napamahal na sa akin ang bar sa tagal kong nahandle eto. Pero kailangan kong magresign." Seryoso pa rin niyang sabi.

Napasandal ako sa sofa habang hinihilot ang ulo. Ano na naman ba eto? Akala ko ba okay na kami? Tapos aalis na siya sa akin?

"Why? Dahil pa rin ba eto sa nangyari noon? Kaya gusto mo nang talagang iwasan at iwan ako? Sana pala hindi na lang nangyari ang araw na yun kung ganito rin ang kapalit. Sana sinarili ko na lang yung nararamdaman ko sayo kung sa huli, iiwan mo na talaga ako."

"May mga dahilan ako para lumayo dito Haym. At hindi ko pwedeng sabihin sayo. Sana irespeto mo yon. Ang maibibigay ko lang sayong rason kung bakit ako aalis dito eh gusto ni Papi na doon na kami manirahan sa America. Andoon ang kabuhayan niya Haym. Pagkakataon na rin namin yon na magkakasamang pamilya. Maiiwan naman sila ate kasi nandito ang mga pamilya nila. Ako, si Mama, si Papi aalis kami. At kasama ko rin si Chase. Sana maintindihan mo." Medyo lumambot na ang kanyang pananalita.

Hindi muna ako nagsalita. Nakayuko lang ako. Nakaka lungkot naman kasi. Ang kaisa-isang taong kilala ako ng husto maliban sa pamilya ko eh iiwan ako. Ang swerte ni Chase. Siya ang pinili.

"Sige Sabrina. Naiintindihan ko ang rason mo. Masaya ako na buo na ulit ang pamilya niyo at meron pang Chase na dadagdag. Ang swerte niya Sabrina. Sana ganun din ako kaswerte. Na ako ang pipiliin." Sabi ko sa kanya at magkatingin na rin kami. "Hindi naman ako masamang tao para hadlangan yang gusto mo. Salamat sa ilang taong pagpapatakbo netong bar. Dahil sayo kaya eto lumago. Mamimiss ka namin dito." Sabi ko.

"Mamimiss ko rin naman ang trabaho dito at mga empleyado. Yun nga lang kailangan kong iwanan. Kailangan kong isakripisyo ang nagpapasaya sa akin para sa pamilya ko. Pasensya na kung humantong ng ganito. Kailangan ko lang gawin." Sabi niya at naluluha na rin.

Tumayo ako sa kinauupoan ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya agad. "Sobra akong nagpapasalamat sayo Sabrina. Sa lahat-lahat. Hayaan mo, kakayanin kong ipagpatuloy ang lahat." Hinalikan ko ang kanyang noo. " Salamat sa ilang taong pagkakaibigan. Mamimiss kita. Walang makakapalit sayo. Sana huwag mo akong kakalimutan. Kasi ako? Hinding-hindi kita kakalimutan. Mahal kita." Sabi ko at naluha ako sa huli kong sinabi. Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Im sorry Haym. Kailangan ko lang talaga etong gawin. Sana maintindihan mo at sana mapatawad mo ako. Hindi kita makakalimutan. Ikaw ang nag-iisang kaibigan na nakaka-kilala sa akin at nakakaintindi. Mahal kita Haym." Sabi niyang lumuluha na rin. I didn't bother to ask her what she said on the last part. Mahal niya ako bilang kaibigan. Yun siguro yon.

"Huwag kang mainggit kay Chase. Alam kong mayroon din naman sayong nakalaan na taong magmamahal sayo, paninindigan ka, aalagaan ka. At mukha namang meron na." Sabi niya pero nakayakap sa akin at naka subsob ang mukha sa dibdib ko. Hindi ko pinansin ang huli niyang sabi.

"Can i ask you a favor? For the last time, please?" I plead.

"Sige ano yon?" She asked.

I didn't answer her question instead i do my one last favor.

Kinabig ko ang kanyang batok at sinakop ang mga malalambot at masasarap niyang labi. Yes im kissing her right now. This is my last favor to her.

She didn't protest. At sa pagkakataong iyon, ginalaw ko ang aking labi and she do the same. We share a one passionate kiss. Parang na babalotan ng pagmamahal at nararamdaman kong pagpapaalam ang mga halik namin. The kiss last for about three minutes. Okay na yun.

After that kiss, lumayo na siya sa yakapan namin. May mga ngiti ang mga labi namin habang magkatitig.

"I guess this is a goodbye for us. Until we meet again, Haym." She said and without waiting for me to bid her too, she step outside the office.

"Mahal kita mag iingat ka palagi. See you when i see you." Sabi ko na lang sa hangin.

END























Char lang! Thank you for reading!

Can We Make It?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang