Chapter 50

3.9K 88 0
                                    

Jaimie Sabrina

Tama ang naging desisyon ko na huwag ng ipaalam pa kay Haym na buntis ako. At tama rin ang ginawa kong paglayo. Nagkabalikan naman na pala sila ni Keren at buntis rin pala eto. At sa huli naming paguusap, mukhang mas masaya na sila ngayon.

I know Keren will take care of her. Minahal nila ang isa't isa noon at hindi malabo na mamahalin ulit nila ang isa't isa ngayong okay na sila. Lalo pa ngayon na may baby na sila. Alam ko ring aalagaan ni Haym ang bubuoin niyang pamilya. Responsable siyang tao. At kahit hindi ako pinanindigan sa mga anak namin? Alam kong responsable talaga siya. Hindi naman niya alam at wala na akong balak ipaalam pa sa kanya. Ayokong masira ang pamilya niya.

Mula noong nagpaalam ako sa kanya, umalis rin kami agad ng family ko kinaumagahan. Chase chose to go with me. Hinayaan ko na lang ang gusto niya. We're okay narin after ng pag-amin ko sa kanyang buntis ako. Mas inalagaan niya ako. At doon sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Kahit nakagawa ako ng kasalanan sa kanya, hindi niya ako nilayuan.

Noong naglilihi ako, hirap na hirap ako. Kasi naman kung ano-anong gusto kong kainin na wala naman sa bahay ni Papi. Napapangiwi na rin ang parents ko kasi umiiyak ako kapag hindi ko nakain yung cravings ko.

Minsan rin si Chase na ang nagdadala ng mga gusto ko. Lahat sila pinagtyagaan ako. Meron din yung time na gustong gusto ko ng makita si Haym and yes, siya rin ang pinaglilihian ko. No choice ako noon kundi mga picture na lang namin sa cellphone ko ang tinitignan ko. At kapag nakita ko na, mas maiiyak ako. Ganon ako maglihi. Three months ata ang tiyan ko noon.

"Hey, where are they?" It's Chase. Bumibisita sa bahay.

"Sa room. Natutulog at pagod sa kalalaro. Huwag mo munang gisingin ang hirap patulogin!" Natatawa kong sabi. Totoo naman. Hyper eh.

"Ganon ba. Eh ikaw ano ang ginagawa mo dito at naka tingin kapa dyan sa mga pictures mo noong buntis ka?" She ask.

"Nagtitingin lang naman. Ang pangit ko kaya dito noon. Tignan mo ang laki pa ng tyan ko niyan." Pinakita ko naman yung picture ko sa kanya at natawa siya.

" Pinakita ko naman yung picture ko sa kanya at natawa siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nope. It was cute. Maganda ka pa rin naman dito. Mukhang blooming ka pa nga. Ang laki talaga ng tyan mo dito." Sabi niya.

"Buti kamo kumasya sila sa payat kong eto. Dalawa pa sila sa loob." Yes i gave birth to a twin girls. "Tignan mo rin eto ang cute nila noong baby pa sila." I handed to her the picture of my twins.

" I handed to her the picture of my twins

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang cute nila. Lalaking maganda ang mga eto pag dating ng panahon. Mana sa Mommy nila oh maganda rin." Ngiti niyang sabi sa akin.

"Tumigil ka nga dyan. Bolero ka na ah. Nako Chase kung wala kapa ring girlfriend ngayon iisipin ko mahal mo parin ako." Yes. We decided to end our relationship and stay as friends. Eto ang makakabuti sa amin.

"Huwag kang assuming. Sa mga bata ko lang yan sasabihin. Mahal ko sila na parang anak na rin ang turing ko sa kanila." Sabi niya. Alam ko naman yun. Sobrang mahal niya ang mga anak ko.

"Eh nasaan ang girlfriend mo? Hindi ko pa siya nakikita ah. Ang tagal mo ng may karelasyon, hindi ko pa siya kilala." May girlfriend na nga siya pero hindi ko kilala. Ayaw ipakilala. Pero sabi naman niya, ipapakilala niya kapag sa tamang panahon. Lakas maka drama.

"She is with her family now. And sa Philippines siya ngayon." May mga ngiti sa kanyang labi habang iniimagine ang girlfriend. In love nga talaga siya.

"Oh Pilipina pala siya. Pakilala muna ako. Magkakasundo kami."

"Hindi pa nga pwede ngayon. Tsaka alam kong magkakasundo kayo talaga." Sabi niya. Hindi ko na lang pinilit pa.

Nagkamustahan na lang kami at nagmeryenda na rin. Galing pa kasi eto sa bahay nila. At bumibisita sa amin.

Isang iyak ng bata ang nagpatigil sa pag uusap namin. Naku gising na sila. Tumakbo na ako sa kwarto nila para silipin. Ganon din si Chase. Ang muryotin pa naman nila kapag bagong gising.

Pagkabukas ko ng pinto, hayon palakasan ng iyak.

"Hello my twins, Mommy is here. Im with Tata Chase." Masaya kong alo sa mga anak ko. Para matigil ang iyak nila.

"Hello Savannah Hailey." She kiss one of the twins. "And hello too, Sydney Heather." She also kiss the other one.

Tumigil na sa pag-iyak ang dalawa ng kinarga namin ni Chase. They are now three years old. Malaki na rin sila at nakaka intindi na.

"Tata i want milk." May bulol pang sabi ni Hailey. Binigay naman ni Chase ang hiling ng munting anghel ko.

"Mommy, Heather also want milk." Ngusong sabi ng isa pang munting anghel ko.

Pinainom na muna namin sila ng gatas. Pang energy nila kasi mamaya mag tatakbohan na naman sila at yang si Chase? Kawawa mamaya kasi pagtutulongan ng dalawa. Ganyan sila kapag andito yung huli.

Lumabas na kami ng room nila at eto na nga habang karga ko ang isa at ganun rin si Chase, eh gusto na nilang bumaba para maglaro. Hinayaan na lang namin. They are still kids anyway. Ibibigay ko lahat para sa kanila.

"Anak gising na pala yang dalawa, naku kawawa na naman ang Tata Chase nila." Si Mama na naiiling rin sa kakulitan ng dalawa.

"Yun nga Ma. Pero ayos lang naman kay Chase yan. Gustong gusto naman ng mga bata eh."

Pinanood na lang namin silang maglaro.

"Tata, where is our Dada?" Napatingin kami kay Heather. Bakit niya ba tinatanong?

"Ahh baby..ahmm..how can i say this? Ahmm... Jaimie can you help me here?" Paghingi ng rescue sa akin ni Chase.

Mula noong baby pa lang naman sila, kinakausap ko na ang dalawa kahit hindi nakakaintindi. Pinapaliwanag ko sa kanila na ang 'Dada' nila ehh hindi namin kasama. Hanggang sa medyo may isip na sila, pinapakita ko ang pictures ni Haym. Hindi ko naman talaga siya inaalisan ng karapatan. Gusto ko ring ipakilala sa dalawa na siya ang Dada nila. Kahit na alam kong hindi na kami mabubuo pa.

Mula noong umalis kami, wala na akong balita sa kanya. Wala na rin kaming communication kasi pinutol ko lahat-lahat.

"I already told you right? Dada is not with us." Pagrescue ko kay Chase.

"But Mommy, we want to see our Dada." Pagpilit rin ni Hailey.

Hindi ko alam ang sasabihin sa dalawa. Matalino silang bata at ako ang talo minsan. Napatingin ako kay Mama, hindi ko alam kung eto na ba ang time para makilala nila siya. Ayoko kasing masaktan yung damdamin nila kapag nalaman nilang may pamilya na ang Dada nila at hindi mabubuo ang kami.

"Anak siguro, kailangan na nilang makilala si Haym. Tatanongin parin nila sayo yan kapag malaki na sila. At hindi mo na sila kayang rasonan." Sabi ni Mama. Napabuntong hininga na lang ako. Tama naman siya. Sa ayaw o gusto ko, kailangan niyang makilala ang dalawa.

"My twins listen to Mommy, you will see your Dada." Masaya kong sabi para hindi sila malungkot.

"Where Mommy?" Sabay pa nilang tanong.

"We're going home to Philippines." May ngiti sa labi kong sabi. Nagtitili na lang at nagtatalon ang dalawa sa sobrang saya at excitement.

Sana Haym, tanggapin mo sila. Kahit na may pamilya kana. Kasi kung sasaktan mo lang ang damdamin nila, hinding hindi ko na sila ipapakita sayo.

Can We Make It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon