Chapter 60

4.2K 95 2
                                    

Jaimie Sabrina

Ang saya-saya ko ngayon. Sa wakas, pakakasalan na rin niya ako. Gusto ko naman eh. Para sa mga anak din namin.

Naka-uwi na kami mula sa bakasyon namin at alam na rin ng mga pamilya namin ang pagpropose niya. Everybody is happy.

Dito muna kami sa bahay nila natutulog mula ng maka-uwi kami. Ayos lang naman daw kila Mama, para daw makasama ng mga parents ni Haym ang mga bata. Kaya pumayag na lang din ako.

Naka-upo kami ni Haym dito sa sala habang nagpapalipas ng oras. Nakahawak sa aking bewang ang kamay. Yung mga bata naman, kasama ng Tita Jackie nila. May pupuntahan daw at susunduin. Ayaw ipaalam ni Jackie kung sino. Surprise daw niya. Ayaw pa sana payagan ni Haym pero pinilit ko na lang. Para makabonding din niya ang mga bata.

"Saan kaya pupunta ang mga yon? Namimiss ko na ang mga anak ko." Sabi niya.

"Lagi na nga kayong magkakasama namimiss mo parin? Tsaka hayaan mo at magbonding naman sila ng Tita nila."

"Basta namimiss ko sila. Ah alam ko na. Tutal wala naman sila ngayon, walang mangiistorbo sa atin. Gawa na tayo ng kapatid nila." May ngisi ang mga labing sabi niya. Kinurot ko nga siya sa tagiliran.

"Ikaw talaga, ang hilig mo pa rin! Mahiya ka nga, nandito ang mga parents mo kung ano-ano ang pinagsasabi mo." Pinagalitan ko na lang para maitago yung pagkapula ng mukha ko.

"Sige na, hindi rin naman maririnig. Walang istorbo sa atin. Tagal na rin kayang walang buhay eto oh." Tinuro pa niya yung sa gitna niya.

"Tumigil ka dyan. Mamaya may makarinig sayo nakakahiya pa." Pagpapatigil ko sa kanya. Pulang pula na yung mukha ko.

"Tara na lang sa kwarto." Tumayo siya at hihilain na sana ako ng magsalita ang Mommy niya sa likod namin.

"Anak saan kayo pupunta?" Tanong niya

"Ah sa room Mom, may aayusin lang sana." Sagot naman nung isa. Naku palusot pa!

"Ah Sabrina, pwedeng magusap muna tayo bago yung aayusin niyo ni Haym sa kwarto?" Tanong ni Tita. Mas namula pa ata yung mukha ko. Haym naman kasi kung ano-ano pinagsasabi.

"Mom..." Si Haym. Pero pinutol ko ang sasabihin niya.

"Sige po Tita, sasama ako sayo." Sabi ko. Si Haym nakasimangot na. Tinawanan ko nga.

"Sabrina, call me Mommy. Ikakasal na kayo ng anak ko so Mommy and Daddy na ang tawag mo sa amin anak okay?" Tumango na lang ako bilang sagot at sumama na sa kanya. Yung isa naman pumunta na sa kwarto namin nakasimangot. Bahala siya dyan. Ang hilig talaga.

Pumunta kami sa garden nila at doon kami umupo. Maganda ang garden ni Tita..uhh Mommy pala. Madaming halaman dito at mga bulaklak na rin.

"Anak, salamat." Una niyang sabi. "Salamat at binigyan mo ng pagkakataong mahalin ka ni Haym. At sa mga anak niyo. Alam mo namang ikaw lang ang gusto kong maging asawa niya diba." Tumango ako. "Unang dala niya palang sa iyo dito noong nag-aaral pa kayo, nagustohan na kita para sa kanya. Kahit ilang beses niyong sabihin noon na mag bestfriend lang kayo. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na one day, kayo rin ang magkakatuloyan. At eto nga, natupad din ang pangarap ko."

Alam kong sobrang boto ni Mommy sa akin para kay Haym. Kahit noon pa.

"Ngayong ikakasal na kayo anak, mahalin niyo ng sobra-sobra ang isa't isa, kasama ang mga anak niyo. Kung may hindi man kayo pagkaka intindihan, ayosin niyo agad para sa mga bata. Isa lang ang hiling ko sa inyong dalawa. Maging masaya kayo sa piling ng isa't isa." Bilin niya sa akin.

"Opo Mommy. Tatandaan ko po lahat ng sinabi mo. Mahal na mahal ko po si Haym at alam niyo po yun. Salamat sa  pagtanggap sa akin sa pamilya niyo." Sabi ko at yumakap ako sa kanya. Noon pa man mabait na talaga sila.

"Sige na puntahan muna yung magiging asawa mo at mag-ayos na kayo kung ano man ang aayusin niyo." Sabi niyang natatawa.

Humalik na ako sa pisngi niya at tinungo ang kwarto namin. Nakita ko siyang nakadapa sa kama at ang mukha nakaharap sa akin. Naka simangot parin. Tumabi na kang ako ng upo sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari sayo?" Tanong ko. Parang bata kasing nakasimangot.

"Higa ka, gusto ko lang makayakap ka." Sinunod ko ang gusto niya. Naglalambing lang eto. Yumakap na siya sa akin at ang mukha nilagay sa leeg ko.

"Haym, nakikiliti ako. Itigil mo yan." Saway ko. Paano binibigyan niya ng mga halik yung leeg ko.

"Mamaya na. Namiss ko eto." Sabi niya. Ang tigas ng ulo.

"Oh shit!" Eto na ang sinasabi ko. Dinilaan niya kasi kaya ganun. Tinuloy niya lang naman eto. "H..Haym baka andyan na yung mga anak natin." Pagtigil ko sa kanya. May iba na kasi akong nararamdaman dahil sa ginawa niya.

"Matagal pa daw sila sabi ni Jackie. Tinawagan ko. Kaya may oras pa tayo." Sabi niya. Sigurista talaga.

Hindi na ako naka sagot ng halikan na niya ako. Eh hindi na ako nagpumiglas pa. Gusto ko rin naman etong ginagawa namin. Gumanti na rin ako ng halik sa kanya at kinawit ang mga braso ko sa batok niya.

Mas lumalim pa nga ang mga halik namin at ang mga dila ay naglalaban.
"Uhhmm." Ungol ko ng kanyang sipsipin eto. Napangiti pa ang loko.

"I miss that moan. Pero mas namimiss ko yung pag-ungol mo sa pangalan ko habang napapasaya kita." Sabi niya. Ang loko talaga!

"Gusto mo talaga eto ano? Sige pagbibigyan kita siguradohin mong mapapagod mo ako." Hamon ko sa kanya.

"Well, let the battle begins." Sabi niya.

Ako na ang unang gumalaw at hinalikan siya.

Can We Make It?Where stories live. Discover now