Chapter 23

3.1K 70 0
                                    

Jaimie Sabrina

Ilang araw na rin ang nakalipas noong sinagot ko si Chase. Walang oras na sinasabi niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Mas naging sweet pa siya lalo. Nandito ako sa bahay ngayon kasi ngayon ko planong ipaalam kay Mama na kami na ni Chase.

Tunog ng doorbell namin ang nagpukaw sa pag-iisip ko. Tumayo na lang ako sa sofa at tinungo ang gate.

Pagkabukas ko isang napakatamis na ngiti ang bumungad sa akin. Nakakahawa ang mga ngiti niya talaga.

"Goodmorning Babe. I Love You". Sweet niyang bati sa akin.

"I Love You too. Pasok ka muna. At akin na yang mga dala mo. Ang dami mo naman biniling pagkain. May fiesta?" Pang aasar ko sa kanya. Naiiling siya ngumiti sa akin.

"Here a flowers for my queen. At etong mga dala kong pagkain? Pang suhol ko kay tita. Para hindi magalit." Pang sasakay niya sa biro ko.

"Tara na nga mainit na dito sa labas. Nasa loob si Mama. May hawak na itak. Takbo ka nalang mamaya ha?" Hirit ko pang biro. Tumawa na lang siya at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Dumeretso kami sa kitchen para ilagay yung mga pagkaing binili niya. Ang dami naman kasi eh tatlo lang kami ngayon dito.

"Upo ka muna doon sa sofa, tatawagin ko si Mama sa kwarto niya. Nag-aayos lang ng mga gamit." Tumango lang siya at pinuntahan ko na ang aking mahal na ina.

Nakabukas naman yung pinto kaya pumasok na ako. "Ma may bisita po tayo nasa baba naghihintay. May sasabihin daw po eh. Baka uutang sayo Ma." Pagbibiro ko.

"Sabihin mo ubos na pera natin. Pinang sabong ko." Sakay niya sa biro ko. Natawa ako ng malakas.

"Sige na Ma. Baba na po kayo si Chase po yun." Sabi kong nakangiti.

"Una kana sunod ako anak." Sabi niya at umalis na ako.

Tumabi ako sa kanya. Hindi naman ako nababahala ngayon. At ganun din siya. Kasi nagpaalam na siya kay Mama noon.

Nanood na lang muna kami ng tv habang hinihintay si Mama. Yumayakap ako sa katawan niya. Ganun din siya sa akin na umakbay. Ayos lang naman eto eh. Kasi kami na rin naman.

Isang tikhim ang nagpahiwalay sa aming yakapan. Si Mama.

"Mukhang may importante talaga kayong sasabihin sa akin ngayon?" Seryosong sabi ni Mama.

"Ah goodmorning po tita. Meron nga po sana akong sasabihin." Sabi ni Chase.

"Ano ba yun?" Si Mama.

Hinawakan ni Chase yung kamay ko at pinagsalikop ang mga ito.

"Tita kami na po ng anak niyo. Kami na po ni Jaimie." Nakangiting pahayag ni Chase. Tahimik lang ako. Pero naka ngiti.

Ngumiti na rin si Mama. "Masaya ko para sa inyong dalawa. Hangad ko lang na sana mahalin niyo ang isa't isa. Iwasan niyo ang magkasakitan. At sana Chase yung hiling ko sayo noon na huwag mo sanang sasaktan ang anak ko."

"Maraming salamat po tita sa pagtanggap sa akin. Sa aming relasyon. Mabuti po kayong magulang. Hinding hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo sa akin. Hinding hindi ko po sasaktan si Jaimie. Magtiwala po kayo sa akin." May sinseridad na pahayag ni Chase.

Tumayo ako at niyakap si Mama. "Ma thank you po". Humalik ako sa pisgi niya.

"Ah may pagkaing dala pala si Chase Ma. Nasa kusina suhol daw sana niya sayo yan." Pang babasag ko sa dramahan namin. Natawa na lang si Mama sa sinabi ko.

Nagtuloy kami sa hapag at kumain. Nagkwentohan na lang kami pagkatapos.

Maghapong nasa bahay si Chase. Wala rin naman daw siyang pasok. Nagkwe-kwentohan lang kami ng mga random things. Nagtatanungan sa bawat isa kung ano ang mga gusto at paborito.

Inaya ko siya sa kwarto ko para mahiga. Okay lang kay Mama. Kasi matatanda na daw kami. Hindi na bata. Nakahiga kaming magkatabi. Nakayakap ako sa kanya at nakaunan sa isa niyang braso.

"I Love you Jaimie. So much. Magtiwala ka sa akin mamahalin kita ng lubos. Tutuparin ko yung pangako ko sa Mama mo. Hindi kita sasaktan, ng sinasadya." Sabi niya sa akin.

"Alam ko na mang hindi mo iyon magagawa. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Sa tagal mo ring nanligaw sa akin alam kong maganda ang intensyon mo sa akin. Mahal din kita at sana maniwala ka." Sagot ko sa kanya.

Nagkatitigan kami sa mga mata at walang ano-ano'y hinalikan na niya ko. Ramdam kong nag-iingat siya sa bawat halik niya. Banayad ang mga eto. Hindi nagmamadali. At pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Tumugon ako sa mga halik niya. At ganun din ang ginawa ko.

Nagtagal ng ilang minuto ang halikan namin. Pagmamahal. Yun ang naramdaman ko sa halik niya.

"As much as i want to kiss you longer, kailangan kong itigil. Mahal kita Jaimie Sabrina at lahat gagawin ko para sa iyo. Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Kahit ako na lang. Huwag lang ikaw." Pahayag niya.

Kaya naman hinalikan ko na lang siya. Wala akong masabi sa kabutihan niya sa akin. Ramdam ko ang sobra sobrang pagmamahal niya. Pinalaliman ko ang mga halik ko hanggang sa naglalaban ang aming mga dila.

"Uhmmm." We both moan. Sabay kaming napatigil sa halikan at namumula ang aming mukha.

"We need to stop this. I might loose my control if we still do it." Sabi niyang namamaos. Alam ko naman yung ibig niyang sabihin. "Nirerespeto kita at handa akong maghintay kapag ready kana. I Love you." Isang halik na lang ang ginawad niya sa akin.

"Thank you Chase. I Love you too." Sagot ko sa kanya. Pero dahil sa maloko ako ngayon, "Talagang ayaw mo ituloy? Sayang naman. Fresh pa naman ako oh." Biro ko sa kanya.

Umiling siyang natatawa. "You really a tease. Pwede naman nating ituloy kung talagang handa kana." Sakay niya sa biro ko. Tumawa na lang kami ng malakas. Rinig na siguro ni Mama yung boses namin. Pero ayos lang yan.

Ang sarap sa feeling na minamahal ka pabalik ng taong mahal mo rin. Eto na yung gusto ko. Mahal ako ng taong mahal ko. Ang swerte ko sa kanya.

 Ang swerte ko sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Can We Make It?Where stories live. Discover now