Chapter 57

4K 95 1
                                    

Jaimie Sabrina

Ilang buwan na rin ang nakalipas at tuloy ang pagbawi ni Haym sa mga anak namin ng mga oras na nawalay sila. Naayos na rin yung pangalan nila at binigay na ni Haym ang apelyido niya sa kambal. Nakikita ko ring, mas closed na sila kaysa sa akin doon ako nagtatampo. Gaya ngayon, nagbakasyon kaming apat kasi gusto daw masolo kami ni Haym.

Dito kami ngayon sa isang beach resort nila sa Palawan. Maganda ang lugar at tahimik. Kaya gusto ko rin dito. Isang lingo kami dito kasi bonding nga namin. Pero ako eto, iniwan nila sa kwarto mag-isa. Lumabas sila at iniwan ako habang tulog. May note naman kasi si Haym na iniwan kaya alam kong magkakasama sila.

Bumangon na lang ako at nagligpit ng mga gamit namin. Ilalaba ko na rin siguro yung ibang damit ng kambal. Matagal naman kami dito. Hindi namin problema ang pagkain kasi nagpapadeliver na lang kami.

Alas dos pa lang naman ng tanghali kaya maglalaba muna ako. Para mabawasan naman yung maduming damit ng kabal. Ang hilig pa naman magpalit ng damit. Times two kaya yun! Inumpisahan ko na lang ang maglaba. May washing machine naman dito. Actually, etong tinitirhan namin is yung pinaka bahay nila dito sa resort kaya eto kumpleto ng gamit.

Nagsasampay na ako ng mga nilabhan ko ng dumating sila. Ang saya-saya ng mga bata. May mga flowers pa silang hawak.

"I miss you Mommy, flowers for you." Inabot sa akin ni Heather ang bulaklak.

"Mommy, i love you!" Si Hailey naman ang sumunod na nag abot ng bulaklak.

Ang sweet naman ng mga anak ko, wala na akong tampo sa kanila. Ganito ba naman ang ginawa sayo, diba mawawala talaga yung tampo mo.

"Thank you my twins." Humalik na ako sa kanilang pisngi bilang pasasalamat.

"Tulongan na kitang magsampay." Si Haym naman. "At eto nga pala, may binili kaming pagkain para sayo. Remember this?" Inabot niya sa akin iyon at ng tignan ko cupcake. Naaalala ko yung ginawa ko noon. Yung nag-iiyak pa ako dahil sa ayaw ako bigyan.

"Haym naman, pina-alala pa? Naglilihi na kaya ako that time." Tanggol ko sa sarili ko.

"Really? Kaya pala, akala ko meron ka lang noon, kaya ang moody mo. Yun pala, merong kambal na nabuo." Tukso pa niya.

"Tulongan mo na lang akong magsampay ng mga damit ng anak natin. Halos nilabhan ko na rin yung maruming damit natin."

"Kids, stay inside the house. Walang lalabas at walang magulo sa loob. Watch tv. Okay ba my princesses?" Si Haym. Wow ah nauutosan na ang dalawa.

"Yes Dada!" Sabay nilang sagot. Pumasok naman sila at binigay ko na rin muna sa kanila yung flowers at cupcake para ilagay sa loob.

Tinuloy namin ang pagsampay sa mga damit namin. Madali na lang etong matutuyo kasi na drier ko na. Papahanginan na lang konti.

"Saan ba kayo nagpunta? Hindi man lang ako sinama." Sabi ko sa kanya habang nagsasampay.

"Pinasyal ko lang sila. Naiinip kasi sa loob kanina habang tulog ka. Ayoko namang istorbohin ang tulog mo. Alam ko kasing puyat ka kagabi sa pag aasikaso sa dalawa." Sagot niya.

Puyat rin naman siya. Kasi kagabi, nagiinarte ang dalawa kong anak. Nagiiyak sila. Hindi namin mapatahan. Yun pala medyo may sinat sila. Kung magkasakit kasi ang isa sa kanila, asahan mong pati yung isang kambal din susunod. Kaya anong oras na rin kami nakatulog kagabi.

"Tara na sa loob, masyadong mainit na dito sa labas. Baka kung ano na ginawa ng anak natin." Aya niya sa akin at kinuha ang lagayan ng mga damit kanina. Umakbay na siya sa akin at nag lakad papasok.

Behave naman silang nanonood ng cartoons.

Umupo kami sa isang mahabang sofa. "Behave naman sila oh." Sabi ko kay Haym. "My twins, gutom na ba kayo?"

"Medyo po Mommy. Dada i want milk." Request ni Hailey.

"Ikaw baby Heather?" I ask the other one.

"I want milk also Mommy." She politely answered.

Tumayo na si Haym at siya ang nagtimpla para sa mga anak namin. Alam na niya kung ano ang gusto ng dalawa. Talagang inalam niya lahat-lahat tungkol sa dalawa.

"Here are your orders young ladies." Si Haym ay nag bow sa harap ng dalawa habang binigay ang mga baso nila. They laughed on what she did. Imbes na kuhanin agad yung baso nila. Humalik muna sila sa Dada nila at kinuha na ang mga gatas.

"May kiss ako sa mga anak natin. Sayo? Meron ka ba ibibigay?" Pang aasar na naman sa akin. Hilig talaga neto mang-asar.

"Suntok meron gusto mo?" Ganti ko sa kanya. Nailing lang siya.

"Sungit." Bulong niya pero narinig ko naman.

"May sinasabi ka?" Pagtataray ko. Umiling ulit siya at niyakap na lang ako.

We stayed inside the house and watched tv. Hindi naman nabored ang dalawa kasi cartoons ang pinapanood.

"Magfofour years old na sila diba?" Haym asked me. I nod as an answer. "Malaki naman na sila, nauutusan na at marunong ng makinig. What if dagdagan na natin ng isa pa?"

I turned my gaze on her when she said that. Ano? Gusto na niya ulit magkababy?

"Anong sabi mo? You want us to have another baby?" I asked. Eh sa gulat ako sa pinagsasabi neto.

"Oo. Kasi noong pinagbubuntis mo ang kambal, wala ako sa tabi mo. Hindi ko naexperience na maglihi ka. Hindi ko alam kung ano ang mga gusto mo noong kainin. Kung nagsusungit kaba. Yung baby bump mo. Yung sasamahan kitang magpacheck-up para sa baby natin. Yung panganganak mo. Lahat ng yan, hindi ko naranasan." Malungkot niyang sabi. I know, she wants to experience it too. Pero hindi pa ako ready na magbuntis ulit.

"Haym, darating din naman tayo dyan. Huwag na muna tayong magmadali. Madami pa tayong aayusin diba? And enjoyin muna nating palakihin yung mga anak natin." Pagpapagaan ko sa loob niya.

"Naiingit lang kasi ako. Sana naexperience ko rin yun." She said. "Pero kung hindi kapa ready, I understand. I-enjoy muna nga nating palakihin ang dalawa. Para pag dumating yung time na ready kana, tatlo na kaming mag-aalaga sayo." She kissed me on my head.

"Salamat sa pag-intindi sa akin Haym." She just hug me more tighter.

Aayosin muna namin ang sa amin, bago ang gusto niya. Gusto ko rin munang palakihin ang kambal ko para naman hindi mahati ang atensyon namin sa kanila.

Can We Make It?Where stories live. Discover now