Chapter 15

3.6K 86 0
                                    

Jaimie Sabrina

Ilang linggo na rin ang nakalipas ng bumisita ako sa bahay nila. At ilang linggo na rin na sinusubukan kong iwasan hi Haym. Not totally iwas kasi may bar naman siyang minamanage ko. Yung nagtatry siyang mag-ayang lumabas tinatanggihan ko na rin. Nag rarason na lang akong busy ako o di kaya kailangan ako ni mama. Minsan pinagbibigyan ko na lumabas kami para hindi makahalata pero mas madalas na dinedecline ko siya.

Aaminin kong sobra talaga akong nasaktan sa huli naming pagtatalo. Kaya nakapagdesisyon akong lumayo sa kanya ng kaunti. Hindi naman nakahalata. Kasi busy rin siya sa company niya. Mas dumami na nga ang clients niya. At mabuti yon para sa kanya.

Nandito ako ngayon sa bar. Saturday night at maraming mga tao na dumagsa. Naglalakad lang ako sa lahat ng sulok para icheck ang bar. Kahit pa may bouncers at mahigpit ang security gusto kong makasiguro pa rin.

Habang naglalakad may naka bangga sa aking likod.

"Im sorry miss di ko sinasadya. Sorry. Did i hurt you?" Tanong niya sa akin.

"No its okay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"No its okay. I mean hindi naman ako nasaktan just be careful next time." Sabi ko. Habang nagsasalita ako napatingin naman ako sa mukha niya. Singkit ang mata. Matangos na ilong. Pantay pantay na ngipin. Maganda ang labi. Makinis ang mukha. Mukhang korean.

"Im really sorry. Before i forgot, im Chase. Im really sorry miss?" Tanong niya sabay lahad ng kamay.

"Jaimie.. Jaimie Sabrina." Sagot ko at nakipag kamay na rin sa kanya. Cute naman siya eh.

"Jaimie it is. Sorry talaga medyo nahilo lang kasi ako sa mga ilaw hindi nakita yung daan." Chase.

"Okay lang magiingat ka na lang next time. I have to go." Naka ngiti kong sagot sa kanya.

"Mind if i get you a drink? Just one. Para naman makabawi ako." Napa smile pa siya. Ang cute naman niyang magsmile.

"Ahm Chase mamaya na lang total hindi naman ako aalis dito. Magchecheck pa ako netong Bar. I manage this bar."

"Really?? Talagang kailangan kong makabawi sayo. Ikaw pala nagmamanage dito." Lumaki naman ang mata niya na hindi ko alam kung matatawa ako kasi singkit siya tas man lalaki pa ang mata. Ang cute.

"Yeah. Just see me around. Bye." Paalam ko. Madami pa akong ichecheck kasi eh.

Nagdaan ang ilang mga oras at medyo kumokonti na rin ang mga tao. Nandito ako sa isang bar counter tumutulong din akong mag assist para mapabilis yung mga order.

"Hi Jaimie. So pwede naman na siguro akong bumawi sayo ngayon?" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. At si Chase nga.

"Oh hello Chase. Talagang hinintay mo pa ako ah. Sige doon na lang tayo sa office ko. Para hindi maingay. Ahm Bruce padalhan na lang kami sa office ng maiinom ahh? Dito mo ibigay yung bill." Sabay turo ko kay Chase. Natawa pa siya.

Tumungo na kami sa office sakto gusto ko na rin magpahinga napagod ako sa paglalakad kanina.

"So you own this place?" Tanong niya sa akin.

"No. It's my bestfriend. Ako lang nagmamanage neto." Sakto namang pinadalhan na kami ng maiinom namin. Juice lang sa akin ayoko ng uminom ngayon. Ganun din sa kanya.

"Ang bait mo na mang bestfriend." Komento nya. "Chase Park. That's my fullname. Incase you want me to block here next time." Pagpapatawa niya. Hindi ko naman gagawin yun eh.

"Jaimie Sabrina Clarkson. That's also my name. Tsaka hindi ko naman gagawin yun. Hindi naman sapat na rason para ipablock kita dito." Ngiting sabi ko.

Nagusap na lang kami ng mga random things. Taga America pala siya. Pero dito na sa Pilipinas nakatira. Chinese-American-Filipino. Kaya pala singkit. May business rin siya dito sa Pilipinas. Madami pa siyang kwento at naeengganyo naman akong makinig. Magaan siyang kausap.

Habang masaya kaming nag-uusap biglang bumukas ang pinto ko at niluwa doon ang bestfriend ko.

"Ah Chase this is Joey Haym Reidson. Owner of this bar and yes my bestfriend." Pakilala ko sakanya. "And Haym this is Chase Park. One of our customers and a friend of mine." Sabi ko sa kanya. Nagkamayan naman sila. Si Chase naka ngiti parin habang ang isa seryoso ang mukha. Problema ba neto.

"I think i have to go now Jaimie, its getting late. See you next time just call me if you want someone to talk i'll lend my ears." Naka ngiting sabi niya sa akin diretso sa aking mata. Na touch naman ako doon.

"Sure. See you next time. Take care on driving okay? Baka makabangga kana talaga." I chuckled. She kiss me in chicks at nagpaalam ng lalabas.

Napatingin naman ako sa isa na seryoso parin ang mukha. "Oh anong mukha yan? Bakit ka pala napasugod? Gabing-gabi na ah?" Tanong ko.

"Bakit yun nandito sa loob ng office?" Imbes na sagotin ang tanong ko tanong rin ang sagot niya sa akin.

"Nakilala ko kanina diyan sa labas nagka bunggoan lang kami tas ayun nalaman na ako ang nagmamanage dito todo sorry na. Inaya niya akong ilibre kahit isa lang kanina pero sinabi kong mamaya na. Kasi nagche-check ako sa paligid. Kaya nung libre na ako nilapitan ako tas pinapasok ko na dito. Pagod na rin kasi yung mga paa ko kaya dito na lang." Mahaba kong paliwanag sa kanya kahit nakasimangot pa siya.

"Ikaw di mo pa sinasagot yung tanong ko bakit ka napa sugod dito ng ganitong oras?" Dagdag ko.

"Wala. Just checking on you and the bar." Katwiran niya.

"Ganun ba okay naman dito okay din ako. So pwede ka nang umuwi. Gabi na rin masyado magpahinga kana sa bahay mo." Pagtataboy ko sa kanya. As much as possible ayoko muna siyang lumapit sa akin.

"Hindi. Hihintayin na lang kitang umuwi. Baka kung sino-sino pa ang mag-aya sayong umuwi mas mabuti pang ako na lang ang kasama mo." Pagtanggi niya sa utos ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang malabo ang gusto ko ngayon.

"Okay. Sabi mo eh. Diyan kana muna tutulong pa ako sa labas." Walang lingon kong sabi sa kanya at lumabas na. Alam kong ramdam na niya na umiiwas ako sa kanya. Anong magagawa ko kung gusto ko munang lumayo sa kanya para mawala etong sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumabas na ako. Tumulong na lang ako sa counter sa pagkuha ng orders. Hinintay na lang naming matapos ang huling tugtog para makapagsara na kami.

Pagpasok ko sa office tulog na siya sa couch. Hinintay pa kasi ako pwede na mang nauna na sana inaantok naman pala. Ginising ko na siya at kami nga ay umuwi na. Iniwan ko nalang yung kotse ko sa parking area. Kasi nagpumilit siyang sa kotse niya ako sasakay. Kaya hinatid pa niya ako sa bahay bago umuwi sa bahay niya.


Can We Make It?Where stories live. Discover now