Chapter 32

3.1K 86 0
                                    

Jaimie Sabrina

I miss Chase. Hindi siya natuloy na umuwi kasi sinugod sa hospital ang Mommy niya. May sakit kasi eto at kailangan talaga na magamot. I don't know kung kailan siya uuwi yung company naman niya dito binilin muna sa isang kaibigan. Naiintindihan ko siya kung kailangan niyang mag stay doon ng matagal hangang maging okay na ang Mommy niya. I just miss her so much.

Nandito ako sa bar ngayon. Nakapa lumbaba sa table ko. Wala akong gana na magtrabaho. Siguro epekto lang eto ng pag kamiss ko sa kanya.

May kumatok sa aking pinto at bumukas eto si Alfred na parang nababahala ang mukha.

"Ahh ma'am Sabrina, may konting problema tayo." Nag-aalala niyang sabi.

Napatayo ako bigla kasi ngayon lang to nangyari. Paanong may gulo eh ang daming bouncers na naka kalat sa loob.

"Bakit ano ba yun? May nang gugulo ba? Madami na mang bouncers sa labas bakit hindi mapigilan at ilabas?" Medyo naiinis kong sabi. Paano naman ngayon lang talaga eto nangyari.

"Ma'am hindi po nila maawat. At tsaka pinagbantaan na kapag hinawakan eh mawawalan ng trabaho." Si Alfed.

"Ano?" Napalakas kong sabi. "Sino ba siya para mang gulo mismo dito?"

"Ma'am kasi naman kahit ako natakot din kasi tatanggalin daw kami kapag pinakialaman namin siya." Kumamot sa batok.

"Anong ibig mong sabihin na tatangalin eh ako o si Haym lang ang pwedeng gumawa nun."

"Yun na nga ma'am si Boss Joey po yun. Kaya takot ang lahat sa kanya. Lasing na lasing na ho. Kanina pagka punta dito diretso lang ang inom. Ayaw rin po ipaalam na nandito siya. Pasensya na ma'am natakot lang ako kay Boss." Takot nga siya ikaw ba naman pagbantaang mawawalan ng trabaho sa hirap ng buhay ngayon.

Lumabas na kaming dalawa at pinuntahan si Haym. Lasing na lasing nga eto. Madami na siyang nainom na alak. Naka palibot na sa kanya yung bouncers siguro para wala ng lumapit sa kanyang ibang tao.

"Haym ano bang ginagawa mo!" Naiinis kong tanong sa kanya. "Bakit ba naglalasing ka at ayaw mo pang ipaalam na nandito ka?"

Tinaas niya ang tingin sa akin at nakita kong may galos malapit sa kanyang labi. Nakipag suntokan pa!

"Ikaw pala munchkin! Halika samahan mo ako dito. Ang kukulit nila ayaw akong tantanan." Lasing niyang sabi.

"Umayos ka nga kundi dadag-dagan ko yang pasa ko. Makita mo." Nakakainis talaga.

Nagpatulong na lang ako sa mga bouncers na ilipat siya sa office ko. Pinag bantaan niya nga talaga sila kapag hinawakan siya. Pero pinilit kong pumayag siya at eto nga naka upo na siya sa couch.

"Haym anong problema? Bakit ka nagpakalasing?" Mahinahon ko ng tanong. Nagpakuha ako ng pamunas ko sa kanya para mahimasmasan konti.

Wala siyang salitang sinabi. Nakayuko lang siya pero hindi naman tulog.

"Haym please sabihin mo naman. Ano bang problema para matulongan kita?" Paki-usap ko.

"She lied to me Sabrina." Sabi niyang umiiyak na. "She has a fiancé and they will get married this year. Niloko niya ako Sabrina. Engaged na pala siya for two years." Mas tumulo ang luha niya.

"Sshh tahan na. Tinanong mo ba siya bakit niya ginawa yun sayo? Hintayin mong magpaliwanag siya sayo." Pag-aalo ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun sa akin. Ang sakit Sabrina. Mahal ko naman siya eh. Bakit niloko ako." Siya habang umiiyak.

Napabuntong hininga ako. Ayokong nakikita siyang ganito. Hindi siya iiyak talaga kung hindi niya minahal si Keren.

"Hayaan mong magpaliwanag muna siya sayo. Itanong mo lahat-lahat sa kanya. Magpakatatag ka Haym. Andito lang ako sa tabi mo susuporta sayo. Tahan na."

Tumingin siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako sa yakap niya.

"Salamat Sabrina." Siya.

"Tama na ha? Gagamotin ko muna yang sugat mo. Bakit kaba nakipagsuntokan?"

"Someone was accusing me that im flirting with her girl. Galit ako that time and hindi ko napigilan yung sarili ko. Nasuntok ko na kasi salita ng salita. At yun gumanti." Sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Iintindihin ko muna yung nararamdaman niya ngayon. Masakit nga namang lokohin ka. Lalo pa't minahal niya naman.

"Next time habaan ang pasensya para hindi mapaaway. Buti nga dito ka pa mismo sa bar mo nag-lasing para may magtanggol sayo. Binantaan mo pa yung mga empleyado na tatanggalin mo."

"I will apologize to them tomorrow. I know i was wrong. Dahil sa alak kaya ko nagawa." Sincere niyang sabi.

"Dapat lang. Natakot pa kaya yung iba sayo. Tsaka muntik ka ng manggulo talaga. Ikaw pa na may-ari ikaw pa unang mang gugulo dito." Pagsermon ko sa kanya. "Next time kung may problema sabihin mo sa akin agad huwag mong idaan sa alak. Hindi ka naman matutulongan niyan eh. Ano pang silbi na magkaibigan tayo kung hindi ka rin naman magsasabi ng problema sa akin diba? Alam mo namang makikinig ako sayo eh."

"Im sorry Sabrina. Ayaw lang kitang gulohin ngayon. Magsasabi naman talaga ako pero hindi muna ngayon sana." Sabi niyang yumakap ulit sa akin. "Pero nangyari na. Sorry talaga. Nasasaktan lang kasi ako hindi ko alam ang gagawin. Ngayon lang ako niloko Sabrina. Sobrang sakit." Umiiyak na naman siya.

"Tama na ang iyak bukas magusap tayo kapag hindi kana nakainom. Tsaka matulog ka muna diyan sa sofa. Gigisingin kita pag uuwi na tayo sa bahay mo."

"No. I don't want to go home. Not in my house. Im sure andoon si Keren. Ayokong makita siya. Hindi ko alam ang gagawin ko." Paki usap niya.

"Sige sa bahay ka nalang muna kung ganon. Baka nasa bahay rin ng parents mo si Keren. Mabuting doon ka muna para mabantayan rin kita. Matulog ka muna diyan. Ilang oras na lang naman uuwi na tayo. Yung kotse ko nalang gamitin natin mamaya. Iwan mo dito yung sayo. Matulog kana."

"Thank you so much." Sabi niya at nahiga na sa sofa. Inayos ko na lang yung mga ginamit ko sa kanya.

Lumabas din ako ng office para kausapin yung mga tinakot niya.

"Alfred sino-sino dito yung tinakot niyang tatanggalin?" Tanong ko. Tinawag naman niya lahat.

"Pasensya na kung ano man ang nasabi ni Haym sa inyo. May problema lang siya kaya ganun at dahil na rin sa lasing. Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanya. At salamat sa pagprotekta kanina kahit ganun yung nangyari."

"Okay lang po ma'am trabaho rin po namin iyon. Naiintindihan namin si Boss." Sabi ng isang bouncer.

"Salamat. Sige pwede na kayong bumalik sa pwesto niyo." Pagtatapos ko sakanila na naka ngiti.

Buti nakakaintindi sila. Kundi ako ang sasapak kay Haym pag magresign sila. Matitino pa naman yung mga yun.

Oras na nga ng uwian at ginising ko na si Haym para umuwi. Nahirapan pa ako sa pag gising sa kanya. Inalalayan ko nalang siya hangang makasakay sa kotse at kami ay umuwi na.

Can We Make It?Where stories live. Discover now