Chapter 14

3.6K 96 0
                                    

Jaimie Sabrina

Nakasimangot at tahimik si Haym maghapon. Alam ko naman ang dahilan kung bakit eh. Ikaw ba naman mabitin? Pero siyempre nag iingat lang naman ako eh. Baka may masabi pa at makakita sa amin pag ganun. Nakakahiya.

Tahimik lang siya at magsasalita lang pag may tinatanong. Napapatingin sa akin ang mga kapatid niya. Mga tinging nag tatanong. Dahil sa hindi ako makatiis hinila ko na lang siya sa may pool. Tinignan ko muna kung may makakarinig ba sa aming pag-uusapan.

"Bakit ganyan yang mukha mo? Alam mo bang kanina pa nakatingin sa akin yang mga kapatid mo at nagtatanong kung bakit ganyan yang mood mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Maski ako naiinis na rin sa ginagawa niya.

"Wala wag mo na lang pansinin yang mga tanong at tingin nila. Mas ok na yun." Labas sa ilong niyang sagot.

"Haym please lang umayos ka na. Naiintindihan kita sa nararamdaman mo pero hello? Nag iingat lang naman tayo diba? Buti nga tinawag tayo ni Bella."

"Yun nga eh, alam mo yun? Bitin. Masakit kaya." Nakanguso niyang sabi.

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Sabi na eh yun yung dahilan.

"Alam mo ikaw simula ng may nangyari sa atin pag nakaramdam ka ng libog mo gusto mo agad-agad gawin natin. Hoy pwede kontrol din?" Natatawa talaga ako sa kanya.

"Who wouldn't resist to you? Eh sa nakaramdam eh. Bakit ayaw mo na bang maging fubu ko?". Siya.

Napasimangot ako sa sinabi niya. Ang sarap sapakin pagmumukha neto.

"Yun na lang ba ang gusto mo sa akin? Ang paraosan mo pag naka ramdam ka ng libog mo?" May sakit sa mata at malungkot na boses ang pagkakasabi ko sa kanya.

"Hey that's not what i mean. Im sorry if you feel that way. Im sorry." Agad naman niya akong niyakap. Naluluha na naman ako.

Yun na lang ba kaya ang gusto niya sa akin? Ang sakit naman talaga oh. Kotang kota na ako dito.

"No its okay i understand. Sige pasok na ako sa loob." Sabay punas sa mata kong may luha.

"Sabrina common i didn't mean that way. Im sorry." Yakap niya parin ako.

Ngumiti na lang ako sa kanya at humiwalay sa yakap niya. Pumasok na lang ako sa loob at naki paglaro sa mga bata. Napapa buntong hininga na lang ako.

Siguro after neto didistansya ko na ang sarili ko sa kanya. Ititigil ko na rin yung pagiging fubu niya. Ako na talaga ang lugi dito. Mahal ko siya pero sobrang nasasaktan na ako. Ayaw kong mawala siya sa akin pero kailangan gawin ko eto.

Minsan hindi lahat ng mahal natin eh mamahalin din tayo ng pabalik. One sided love ika nga nila. Sa sitwasyon namin ni Haym, parang ganun ang kalabasan. Hindi man niya alam na mahal ko siya. Bakit ba napakasakit na mahalin ka? Sana natuturoan ang puso. Na kapag ayaw muna sa isang tao sasabihin mo lang na tama na, mawawala na yung nararamdaman.

"Iha okay ka lang ba? Nag-talo ba kayo ni Joey? Kasi pansin ko kanina pa kayo nag-iiwasan." Pukaw sa akin ni tita.

"Wala po okay lang ako. Medyo nga po may hindi kami pagkakaunawaan kanina tita kaya yan nagtalo kami pero hindi naman po ganun kaseryoso. Huwag po kayong mag-alala okay po kami."

"Ganun ba. Ayaw ko kasing nakikitang malungkot kayong dalawa. Alam mong anak na rin ang turing ko sayo diba simula nung pinakilala ka niya sa amin bilang kaibigan. Kaya kung ano man yang hindi niyo pagkakaintindihan ayosin niyo agad ha?" Si tita.

"Opo tita. Away pambata lang po iyon." Natatawa kong sagot.

"Sabrina anak, gustong gusto kita para sa anak ko. Nakikita kong aalagaan niyo ang isa't isa pag kayo ang nagkatuloyan. Kasi nagsimula kayo sa pagiging magkaibigan. That's your foundation. Kilala nyo nang lubos ang isa't isa. Kaya naman kapag nanligaw sayo ang anak ko sabihin mo sa akin ha? Para pahirapan natin siya." Natawa na rin siya sa huli niyang sinabi.

"Tita malabo naman po na magustohan ako ni Haym. Bilang kaibigan oo pero yung bilang isang iniibig? Malabo po. Ayaw po niyang irisk etong pagkakaibigan namin. Na baka sa huli pagsisihan namin kung pinasok namin yung ganung relasyon na. Ayoko pong lumayo si Haym sa akin tita." May lungkoy sa matang sabi ko kay tita.

"Sabihin mo nga sa akin anak, mahal mo na ba si Joey?" Nabigla naman ako sa tanong niya kaya napaangat ang mukha ko sa kanya. "Anak ayos lang kahit ano pa ang isagot mo."

"Eh ah tita paano pag..ahh pag.." Ninenerbyos kong tanong. "Pag sinabi kong oo. Mahal ko na nga po siya noon pa po." Nahihiya kong sagot.

"Eh di mabuti kung ganun may pagasa naman pala si Joey sa iyo." May ngiti sa mga labi niyang bigkas.

"Pero tita ayoko rin pong irisk etong pagkakaibigan namin. Ayos na sa akin na nakikita ko siyang masaya at nakangiti. Mahal ko po siya kahit hindi niya alam."

"Anak minsan kailangan din natin magrisk para malaman natin kung tama ba yung ginawa natin. Paano pag hindi mo triny diba? Hangang what if na lang. Paano pag tama naman pa lang subokan pero ang ginawa kabaliktaran." Tita.

Hindi na lang ako nagsalita pa sa mga sinabi niya kasi ayoko ng magisip pa. Hahayaan ko na lang kung ano ang dumating sa susunod na araw.

"Everyone let's eat." Pag pukaw ni tito sa amin. Tumalima naman ang iba at kami ni tita ang huli. Bago pa kami makapunta kinausap ko pa siya.

"Ahh tita pwede bang huwag mo na lang sabihin kay Haym yung napag-usapan natin? Please po tita?" Parang bata kong paki-usap.

"Ikaw talagang bata. Oo huwag kang mag-alala sa atin lang iyon." Nakahinga naman ako ng malalim ng pumayag siya.

Masaya at maingay ang haponan namin. Nariyan ang pagpapa bida ng mga bata na siya na mang tinawanan naming matatanda. Napagdisketahan ng mag kakapatid ang kanilang bunso dahil sa nililigawan. Pero si Haym palaging tumitingin sa akin na nagsasabing nag aalala. Ngumingiti na lang din ako sa kanya para hindi na siya mag alala pa.

"Tita ninang can i sleep beside you? Together with tito Joey. Please? Pretty please?" Nakatingin kaming lahat sa batang nagsalita. Si Bella.

Napatingin naman ako kay ate Jane kung ayos lang ba at tumango naman. Sunod ko namang tinignan si Haym at ganun din ang sagot.

"Okay baby magpaalam ka muna sa parents mo." Sabi kong nakangiti. Ginawa naman niya yung sinabi ko.

Paakyat kaming tatlo san hagdan. Ako at si Haym sa gitna namin ang bata na hawak sa kamay.

"Its like we're family tita and tito. Im your daughter." Naka ngiting sabi ni Bella.

Nagkatinginan naman kami ni Haym at ngumiti siya sa akin. Ako naman namula sa sinabi ng bata. Pagpasok sa loob ng kwarto ni Haym.

"Really my dear? Maglalaro tayo ha bahay bahayan. Tita ninang is your Mommy while me is your Daddy. Just fot tonight only." Si Haym. Napakunot noo naman akong tumingin sa kanya ngunit ngumiti lang siya.

Nahiga na kami sa kama pinagitnaan nila akong dalawa.

"Ah tita ninang...ahmm Mommy can i hug you?" Tanong ni Bella. Napapailing ako sa laro netong dalawa. Niyakap ko na lang siya

"Daddy Joey please hug Mommy also." Utos naman niya kay Haym. Medyo alanganin pa siya sa una pero ginawa naman niya.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at tulog na si Bella. Napabuntong hininga naman ako. May mga kamay palang nakayakap sa akin.

"Im sorry munchkin about earlier. I didn't mean to hurt you. Sorry." Si Haym. Pabulong niyang sabi para hindi magising ang bata

"Okay na Haym alam ko naman hindi no sinasadya. Okay na. Matulog na tayo." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Hinalikan na lang niya ako sa noo at natulog na.

Masaya rin naman pala etong laro nila. Na minsan naging isa kaming pamilya ni Haym. Na may anak. Siguro hangang pagpapanggap na lang kami.

Can We Make It?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ