Chapter 13

3.8K 99 3
                                    

Jaimie Sabrina

Sobra akong nahihiya kanina. Ano bang pinagsasabi ni tita na gusto ng apo? Ako at Haym? Okay alam ko na mang posible kasi nakakabuntis naman siya pero hello? Magbubutis wala nga kaming relasyon. Although gusto ko kaso syempre komplikado.

"Pasensya kana kay Mommy kung ano-ano pinagsasabi niya tsaka pati rin si ate ginagatongan pa." Si Haym.

"Ah oo alam ko namang nagbibiro lang siya eh." Nandito kami sa may pool nakaupo. Pinapanood yung mga batang naliligo. Kami ng nagpresinta na magbabantay may bibilhin daw sila saglit.

"Alam mo bang kagabi pa nila ako inaasar? Na ikaw daw gusto nila para sa akin. Hello? We are bestfriends imposible naman yun diba?". Tanong niya.

Ouch. Medyo masakit yun. Alam ko namang wala akong pagasa sayo pinamukha mo pa talaga. Sabi ko na lang sa isip ko.

"Uhhmm." Pagsasang ayon ko nalang. Ayokong magsalita ng kahit na ano. Baka   masaktan lang ako.

"Ano bang okasyon mamaya at bumili pa sila tita ng mga gamit at lulotulohin mamaya?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ahh yun ba? Well family day nga kasi namin gusto daw magcelebrate din kasi nakapunta ka dito. Miss ka nga ni Mommy diba?" Nakangiting sagot niya.

Okay dahil sa akin kailangan pang madami ang handa? Naku si tita talaga.

"Tsaka magpaalam ka kay tita na matutulog ka dito. May party mamaya magkaka-inuman tayo. Walang papauwiin si Mommy pag ganun." Dagdag pa niya.

"Paano yung Bar? Sunday pa naman ngayon." May pagaalala kong tanong.

"Don't worry about the bar. May kasama si Alfred doon. Pinapunta ko yung isang pinsan ko para may katulong siya. Naitawag ko na rin so problem solved!" Masayang sabi niya.

Naka hinga naman ako ng maayos. Si mama nalang magpapaalam ako. Sakto nandoon yung isa kong ate.

Ilang ring lang at sinagot na ni mama.
"Ah hello ma?"
"Hello anak bakit ka napatawag?"
"Ma magpapaalam sana ako kasi dito ako kila Haym matutulog nag aya kasi si tita na magsalo-salo kami kaya hindi naman ako makatanggi."
"Sige lang anak. Andito naman ang ate mo huwag kang magalala. Uwi ka na lang bukas dito."
"Kung may problema po tumawag kayo agad sa akin ha? Sige na ma ibababa ko na po." Sabi ko.

"Bye po tita!" Pahabol pang sigaw ni Haym. "Okay na kay tita?". Tanong niya.

"Oo. Pwede na." Nakangiting sabi ko.

"Tara ligo na tayo doon oh makisali tayo sa mga bata. Don't worry sa gamit mo madami ka naman pa diyang naiwang damit yun na lang gamitin mo." Sabi niya. Oo nga pala may mga damit din ako dito sa kwarto niya kasi dito rin ako nakikitulog noon. Kapag may ganitong biglaang selebrasyon.

Nakapagpalit na rin naman kami ako naka short shorts at sando ako habang siya ayun boxers at sando. Bakat tuloy yung ano niya. Ano ba Sabrina iba na naman napunta yang mata mo. Pinagsasabihan ko ang sarili ko.

Hindi pa kami nababasa ni Haym pero tumabi siya sa akin at bigla na lang niya akong hinila at sabay kaming bumaksag sa pool. Tawa ng tawa ang mga bata dahil sa ginawa niya. Habang ako nagrerecover sa ginawa netong isa.

"Bakit ka nambibigla ha? Pano kung hindi pala ako marunong lumangoy!" Pagalit kong sabi sa kanya. Nagulat talaga ako doon.

"Parang hindi naman. Tara na doon ohh sarap lumangoy." Pagbabalewala niya sa akin.

Nakipaglaro na lang kami sa mga batang lumalangoy sa kiddy pool kami lumipat.

Makalipas ang ilang minuto pinaahon na ng mga magulang nila ang mga bata habang kami ni Haym lumipat sa pang adult. Lumangoy langoy lang kaming dalawa. Medyo tumataas na rin yung araw kaya mainit na.

Can We Make It?Where stories live. Discover now