Chapter 45

3.4K 78 3
                                    

Jaimie Sabrina

One week na akong hindi pumapasok sa bar. At ngayon, nandito ako sa probinsya nila Mama. Sa Ilocos.

"Babe, ang ganda ng tanawin sa bukid pag umaga. Preskong presko ang hangin." Si Chase. Sinama ko siya dito para makausap na rin. Sana makaya ko.

"Tama walang polusyon dito. Malayo sa mauusok na kalsada. Nagustohan mo na agad dito ah?"

Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya yung nangyari. Hindi ko alam kung paano. Natatakot ako. Mahal ko si Chase.

"Oo naman. Mas okay dito kumpara sa city. Napapaisip nga ako na magpapatayo ng bahay natin dito para kung magbakasyon man tayo may tirahan tayo." Masaya niyang sabi.

Naguguilty na ako. Lalo sa mga sinasabi niyang ganto. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Pag-iisipan pa natin yan ng mabuti." Yun lang ang nasabi ko.

"Sure na ako. Sure na sure na ako sayo. Dito tayo titira kasama yung bubuoin nating pamilya." Sabi niya at niyakap ako.

Napaluha ako sa mga sinabi niya. Im sorry Chase.

"Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya. Pinunasan naman niya ang luha ko gamit ang mga palad niya.

"Salamat sa lahat Chase." Yun lang ang kaya kong sabihin sa kanya.

Tumuloy kami sa bahay nila Mama noon. Kapatid na niya ang naninirahan dito.

"Tita kamusta po yung pag-aaral ng mga pinsan ko?" Tanong ko sa bunsong kapatid ni Mama.

"Mabuti naman. Nakakapasa sila. Buti nga hindi tamad mga yan. Hindi kagaya nung mga ibang bata dito." Si tita.

"Ganun ba. Sana ipagpatuloy pa rin nila yan hanggang matapos." Nagkwentohan lang kami at si Chase hayun nakikipaglaro sa mga bata.

Nagstay pa kami doon ng dalawang araw kasi nag eenjoy talaga si Chase. Hindi ko nasabi sa kanya.

Another week sa condo niya ako nakatira. Nagpaalam naman ako kay Mama at okay lang sa kanya.

Bumawi na lang ako sa pag aasikaso ko sa kanya. Sinasama niya ako pag may shoot. Hindi naman ako na bored kasi nakaka enjoy yung ginagawa niya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Wala akong lakas ng loob. Hindi rin ako handa sa mga sasabihin niya.

Sa three weeks na bakasyon ko, hindi ko talaga inisip si Haym. Para hindi ko mafeel yung guilt.

Nasasaktan rin naman ako sa sitwasyon namin. Eto na talaga yung kinakatakot ko eh maski siya. Hindi ko na nga inamin noon sa kanya na mahal ko siya para hindi kami masira pero eto siya ginawa niya at eto na rin ang consequence. Ang komplikado ng lahat sa amin. Masaya ako na mahal niya ako pero huli na kasi eh.

Ayokong iwanan si Chase. Napaka buti niyang tao. Kahit pa may hindi kami napag kakaintindihan minsan. Maunawaing tao. At hindi ako sinukuan. Pero nasira ko na ang tiwala niya sa akin dahil lang sa isang pangyayari. Nasaktan man si Haym sa sinabi ko pero talagang nagsisisi ako sa nangyari sa amin.

My remaining vacation days? I spent it sa bahay namin. Nagpupunta sila ate para bumisita. Kaya naman sulit ko pa rin.

Papasok na rin ako sa bar. Hindi ko alam kung paano na kausapin si Haym.

"Hello ma'am Sabrina. Welcome back!" Bati sa akin ng mga empleyado dito.

"Salamat sa inyo! Trabaho na tayo." Ngumiti kong sabi.

Papasok na ako sa office ko at pag bukas ko ng pinto nakatayong Haym ang bumungad sa akin at may hawak na bouquet.

"Ahmm welcome back Sabrina. For you. Walang ibang ibig sabihin yan. Pang welcome ko lang. Eto oh." Kumakamot sa likod ng ulo niya habang nahihiyang magsalita at bigay na sa akin ang flowers.

"Thank you." Tipid kong sagot at my konting ngiti sa aking labi.

"Sige lalabas na lang ako." Nasabi lang niya. Tumango lang ako. Alam kong awkward pa rin ang sa amin.

Nagtrabaho na lang kami hanggang matapos ang uwian.

"Tara ng umuwi. Sabay kana sa akin?" Aya ni Haym.

Umiling ako ng ulo at sumagot.
"Hindi na salamat sa offer pero naghihintay si Chase sa akin sa labas." Sagot ko. Hinatid kasi niya ako kanina pala.

"Ganun ba. Sige mag ingat na lang kayo sa paguwi." Sabi niya at lumabas ng office.

Alam kong pinipilit niyang huwag maging iba ang turingan namin. Hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Lumabas na lang ako ng office at nakita ko siyang naka upo sa harap ng bar counter. Kami na lang pala ang natira sa loob.

"Hindi kapa ba uuwi? Nakauwi na yung iba ah?" Pagtawag ko ng kanyang pansin.

Humarap naman siya sa akin at may nakita akong alak na namang iniinom. Na naman?

"Ha?? Sige ayos lang. Ako na ang magsasara dito. Mauna ka ng umuwi baka naiinip na siya sa labas." Sagot niya.

"Eh ikaw anong gagawin mo pa dito? Maglalasing hanggang umaga?" Mataray kong tanong. Paano alak na naman.

"Wala namang mag aalala. Kaya ayos lang. Umuwi kana. Masyado ng late." At tumalikod na siya sa akin.

Alam ko nasasaktan ka sa nangyayari ngayon. Anong magagawa ko? Kung parehas lang naman tayo.

Lumapit na ako sa kanya at tumabi.
"Anong ginagawa mo? Naghihintay na siya sa labas." Tanong niya sa alak lang naka tingin.

Hinawakan ko ang pisngi niya at tumingin sa akin. Makikitang nalulungkot siya.

"Uwi na." Umiling lang siya. Ang tigas ng ulo.

"Hindi ko naman sinabi sayong mahal kita para mahalin rin ako. Sinabi ko sayo yun para malaman mo. Alam kong hindi na pupwede pa ang tayo kasi may kayo ni Chase. Im sorry. Im so stupid." Sabi niyang nakatingin lang sa alak.

"Uwi na Haym."

Umiling lang siya.

"Dito na lang ako. Sa office mo na lang ako matutulog. May aircon naman. Ikaw na ang umuwi. Hinihintay ka na ni Chase." At parang may kahulogan ang huli niyang sinabi.

"Sige isara mo na lang etong harap ng bar. Aalis na ako." Paalam ko at hindi na siya nagsalita. Tumayo na ako at naglakad palabas pero bago ako makalabas, lumingon ako sa kanya at hayun, may mga luha sa mata niya habang iniinom ng diretso ang alak.

"Im sorry Haym. Im sorry." Bulong ko sa hangin at lumabas na ng bar.

Tama nga siya kanina pa naghihintay si Chase.

"Let's go?" Masayang bati sa akin ni Chase at pumasok na kami kotse at umuwi na.

Im sorry.

Can We Make It?Where stories live. Discover now