Chapter 10

4.2K 99 2
                                    

Jaimie Sabrina

Papunta ako ngayon sa office ni Haym. Namiss ko lang kasi yung mokong na yun. Busy rin naman ako sa Bar kasi madami dami rin yung mga dumadagsang tao. Sumisikat na rin kasi eto pero kahit ganun mahigpit pa rin yung security namin. Ayaw na ayaw ni Haym ng gulo kaya kailangan yun. Ipapasa ko rin sana sa kanya yung monthly report ng bar kaya papunta ako sa office niya. Mismong sa company niya.

"Hi Steff!" Bati ko sa secretary niya. Kilala ko siya at kilala na rin niya ako. Mabait na tao si Steff. "Asan boss mo? Bigay ko lang sana etong report about sa bar niya."

"Ahh Sabrina ikaw pala. Sa loob may kausap. Si Miss Keren, gustong i-follow up yung proposal nila." Si Steff.

Napaisip naman ako. Andito yung babaeng yun para landiin si Haym. Tsk talaga na mang siya pa ang lumalapit.

"Ahh ganun ba. Pwede naman siguro akong pumasok ibibigay ko lang naman sa kanya eto eh." Tanong ko sa kanya.

"Uhm pwede siguro." Alinlangang sagot ni Steff at napansin kong medyo natataranta at hindi makatingin sa aking mata.

"Ayos ka lang Steff?" Tanong ko. Baka my problema kasi siya eh.

"Ahh wala-wala Sabrina ayos lang. Sige pumasok kana." Pagkasabi niya yun agad akong pumasok sa loob. Walang katok-katok. Pero dahil sa ginawa ko ako ang na surpresa.

"Hi Haym!" Bati ko ngunit nawala rin ang mga ngiti ko. Okay alam kong wala akong karapatan. Kung gusto niyang lumandi sa iba hahayaan ko siya. Bestfriend lang naman ako dito eh.

Lumabas na ako agad. Kasi naluluha na ako. Ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong magmukhang talunan din sa babaeng kasama niya.

"Oh Sabrina! Teka bakit ka aalis agad nabigay mo ba kay boss?" Tanong ni Steff ngunit diretso lang ako sa paglalakad palabas sa company niya.
"Teka lang Sabrina!". Tawag ulit niya sa akin pero hindi ko na pinansin. Dumeresto na ako sa parking area para sumakay sa kotse ko at umalis na doon.

Nasasaktan na naman ako. Kahit sabihing pwede ko naman sabihin sa kanya yung nararamdaman ko pero natatakot naman ako sa kalalabasan. Ayokong masira kung ano man ang naumpisahan namin. Mahirap humanap ng totoong kaibigan at totoong tao na pahahalagahan ka. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin once na masabi ko na sa kanya ang totoo.

Habang paalis sa lugar na yun, ring ng ring ang cellphone ko at si Haym eto. Ayokong sagutin. Walang akong masasabi sa kanya ngayon kaya nagconcentrate na lang ako sa pagddrive.

Pagkarating sa bar, sinagot ko na ang tawag niya. Nagdahilan na lang ako at ano ano pang sinabi ko.

Pinuntahan nga ako at nag yayang lumabas. Sige na lang papayag na ako para mabawasan naman etong lungkot ko.

"Anong panonoorin natin dito?" Tanong ko sa kanya. Gusto daw niyang magsine. Iddate niya daw ako. Namula naman ako dun ngunit tinago ko na lang.

"Ikaw na pumili kung anung gusto mo diyan." Nakangiting sabi niya at ako nga ang pumili. Romance comedy ang napanood namin. Okay naman na yung pakiramdam ko pagkatapus namin manood.

"Okay kana ba?" Tanong niya sa akin. "Hindi ka na ba sinasaniban ng topak?" May pang aasar na tanong pa.

"Anong akala mo sa akin baliw? Upakan kita diyan eh." Sabi ko

"Mukhang okay ka na nga nagsusungit kana eh." Sabay tawa. "Lika punta tayong dagat. Lunorin nga kita doon! Hahahah." Pang aasar na naman niya sa akin.

Binatukan ko nga. "Aray naman munchkin binibiro lang eh. Lika na nga baka hindi lang batok mabigay mo sakin niyan." May mga ngiting nakakaasar na sabi niya.

Nagpunta nga kami sa tabing dagat at naupo sa buhanginan. Naka paa kaming dalawa kasi trip daw niya. Medyo madilim narin anong oras na ba. Yung bar nahabilin na rin kay Alfred. Siya muna ang bahala dun. Maaasahan naman siya eh.

"Bakit ka umalis agad kanina?" Tanong niya sa akin. Alam kong ang tinotukoy niya ay sa company.

"Diba nga tumawag si mama. May pinapabili kaya ayun umalis na ako. Alam mo naman si mama pag may inuutos gusto meron na agad". Pagdadahilan ko.

"Ganun ba. Akala ko galit ka sa nakita mo yung naabutan mo."

"Bakit naman ako magagalit diba? Kung gusto mo siya masaya ako para sayo. Mukha ngang may gusto sayo yung babaeng yun eh. Ano type mo rin ba?" May halong biro na sabi ko para maiwasan na yung tanong niya sa akin.

"Hindi pa nga ako ready magka girlfriend. Busy pa masyado sa company. Priority first. Tsaka oo aaminin ko nagandahan naman ako sa kanya. Pwede na rin. Pero hindi pa ganun ka-like." At natawa siya sa pinagsasabi.

Naiiling na lang ako. "Alam mo kahit sino pang babae ang magustohan mo susuportahan naman kita. Basta ipakilala mo siya sa akin para ako ang kumilatis ha?" Sabi ko.

Tawa na lang siya sa sinabi ko. "Sige ikaw ang unang makakaalam pag meron na akong nagugustohan. Pero sa ngayon wala pa talaga." Siya.

Medyo nalungkot ako dun kasi wala siyang nagugustuhan. Hello? Andito naman ako ehh hindi niya ba ako type? Naman Haym. Pero siyempre hangang pangarap na lang yun.

"Haym..aah kwan..uhm..may itatanong ako sa iyo. Sana."

"Ano yun?" Tanong niya sabay tingin sa akin.

"Kung sakaling hindi tayo magbestfriend, yung magkakilala lang, may possibility bang magustuhan mo ako?" Lakas loob kong tanong sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Hindi nakasagot agad si Haym sa tanong ko. At medyo nalungkot ako duon baka nga walang pag-asa ehh kaya nagsalita na lang ako ulit. "Ahhys ano bang tinatanong ko sayo imposible naman diba wag mo ng sag..."

"Posible." Pagputol niya sa aking sasabihin pa sana. Napatingin naman ako sa kanyang mata. "Posible kitang magustohan. Sinong hindi magkakagusto sayo eh ang ganda mo, mabait kang tao, responsable, maalalahanin, sweet ka rin eh. So sino ang hindi diba? Pero..." Pambibitin niya sa sasabihin. "We're bestfriends, ayokong masira yung pagkakaibigan natin. Ayokong humantong tayo sa point na magsisi tayo kung bakit natin ginawa yung bagay na alam muna...yung magkaroon tayo ng commitment romantically." Sabi niya.

May konting luha sa aking mata habang pinakikinggan ko ang sinasabi niya. Nilayo ko rin yung tingin ko sa kanya para hindi niya makita ang sakit sa aking mga mata.

"Tama ka Haym, ayokong masira etong pagkakaibigan natin at magsisihan sa huli. Ayos na sa akin na ganito tayo atleast walang mawawala, walang masisira." May sakit sa dibdib ko habang sinasabi ko iyon.

Napabuntong hininga siya. "Tama na nga etong drama natin kung san pa mapunta. Iyakin kapa naman. Mamaya lumabas na yang uhog mo diyan." Pabiro niyang sabi.

Sinamaan ko nga siya ng tingin at siya ay tumawa lang ng tumawa. Hinayaan ko na lang siya. Tama naman siya baka masira pa etong pagkakaibigan namin. At magkasisihan sa huli. Ayokong mawala siya sa akin kahit kaibigan na lang ang turing niya sa akin. Mahal ko siya at mananatiling lihim na lang etong pagmamahal ko sa kanya.

"Tumayo na ka diyan uuwi nau tayo baka hinahanap kana ni tita." Pagtawag niya ng pansin sa akin. Tumayo na ako at sabay na kaming pumunta sa kotse niya para umuwi.

Can We Make It?Where stories live. Discover now