Chapter 52

4K 100 3
                                    

Jaimie Sabrina

I was so nervous ng humiwalay ang dalawa sa akin kanina. Dapat sinama ko na lang si Mama o di kaya si Chase para may kasama akong magbantay sa dalawa. Ang likot kaya nila.

Pero buti na lang nahanap ko rin silang dalawa. At hindi lang ang mga anak ko ang nahanap ko. Kundi pati na rin si Haym. Ang balak ko sana hindi muna kami magpapakitang mag-iina. Ihahanda ko muna ang sarili ko. Yun ang plano pero hindi na mangyayari kasi eto unexpected. Nahanap ng mga anak ko ang Dada nila.

Kilala nila si Haym. Kinukwento ko lagi sa kanila na mabait ang Dada nila. Laging nagtatanong ang dalawa tungkol sa kanya.

"Mommy, who is that kid?" Hailey asked. Siya ang pasaway sa kanilang dalawa. Tinuro pa ang batang lalaki na kasama ni Haym.

Nandito kasi kami sa isang food store para pakainin ang mga bata. Nagutom na rin daw. At saktong tinawag na ni Haym kanina yung batang lalaki.

Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko nga kilala yung bata, may kahawig siya pero hindi ko matandaan kung sino.

"Dada who is he?" Si Hailey na naman at hindi na natiis na masagot ang tanong. Sakanya na talaga siya nagtanong.

"It's Kendrick." She just said as an answer to Hailey.

Now i remembered kung sino ang kamukha ng bata. It's Keren. Anak siguro nila eto ni Haym. Ang wrong timing naman, yung mga anak niya nagsasama agad sa iisang araw.

"Mga anak kumain muna kayo. Mamaya na kayo magtanong." Pagpigil ko sa ano pang tanong ang susunod.

Inasikaso ko na ang pagpapakain sa dalawa at ganon din siya sa anak nila ni Keren. Im happy kasi makikitang mabait at maalaga siya sa bata. Hindi na siya naka-kain dahil sa pag-aasikaso pati na rin sa kambal ko.

Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa mga nasabi ng twins sa kanya. Siguro mamaya na lang.

"Mommy, i want to seat beside Dada." Now it's Heather's turn. Siya ang malambing sa dalawa.

Tumingin naman ako kay Haym at alam kong narinig niya ang tanong ng bata. Tumango lang siya bilang sagot sa akin.

"Dada i want also to seat beside you!" Malakas na sabi ni Hailey kaya napatingin kami sa kanya. Etong anak kong eto talaga.

"Come here young ladies." Tawag sa dalawa at nagunahan pa silang pumunta sa Dada nila. Si Kendrick naman ang pumalit sa pwesto ng isa sa kambal dito sa tabi ko. He is handsome.

Both giggled when they hug Haym. Ang sarap tignan. Ang saya-saya ng mga anak ko. Mga anak namin. Finally they can hug now there Dada. Haym also hug the two with her long arms. Inipit pa niya eto at mas lalong nagpatawa sa dalawa. She really love kids.

"Tito Joey I want to pee." Tawag ng pansin ni Kendrick kay Haym. Wait. Tito?

"Ako na lang ang sasama sa kanya. Pakibantayan na lang yang dalawa. Malilikot ang mga yan kaya please huwag mong hayaang humiwalay sayo." Paki-usap ko. She just nod to me.

Ako na ang nagvolunteer na samahan ang bata kasi pag ako ang naiwan doon, naku tatadtarin ako ng mga tanong nung dalawa. Bahala na si Haym sumagot.

Hinanap namin ni Kendrick ang cr at pinatuloy ko na lang siya sa womens cr. Alangang sa mens? Huwag na uy! Kailangan ko rin kasing maghugas ng kamay. When Kendrick and I finished, bumalik na kami sa table namin.

"Mommy always tell stories about you. That's why we know you Dada." Pagkwento ni Hailey. Eto na naman siya

"Really? But why Dada?" Haym asked the two.

"Because you are our Dada." Sabay nilang sagot. Napangiwi ako sa sagot nila. Ang lakas kasi.

Napatingin sa akin si Haym at nagtatanong ang mga mata. Naghihingi ng explanation. Well, we will talk later.

Tuloy lang ang kainan at kwentohan nila. Sinasama na rin nila sa kwentohan si Kendrick. Hindi ko pa natatanong kung bakit Tito? Diba anak naman nila eto ni Keren?

When it's time to go home, nalungkot ang dalawa. Kasi hindi na raw nila makakasama ang Dada nila pag-uwi.

"May sasakyan ba kayo?" Haym asked me. Umiling lang ako. Kasi busy si Chase kanina. Wala kaming driver. Yung kotse ko naman noon binenta ko na. Kaya commute kami ngayon.

"Sabay na kayo sa amin. Ihahatid ko lang sa bahay nila Keren ang bata. Then after sa inyo na." Sabi niya na walang kaemo-emosyon ang mukha. Tumango lang ako.

Papunta sa parking area, nakahawak ang mga kamay ni Haym sa mga bata. Habang ako, hawak ko si Kendrick. Ang ingay ng dalawa kong anak. Ang dadaldal pa. Para kaming masayang pamilya kung titignan. Pero hindi.

Nakasakay na kami sa kotse niya at ako sa passenger seat, habang ang mga bata sa likod. Pinagitnaan pa nila si Kendrick. Sila-sila na lang ang naguusap habang kami nakikinig lang. Nakikisali naman kami pag nagtatanong sila eh.

Nauna nga naming hinatid si Kendrick at ang bata sobrang saya ng makita ang Mommy niya na sumalubong. Lumabas ako ng kotse para magpaalam, paano sinenyasan ako ni Haym na bumaba.

"Hello Sabrina! Nice to see you again. Hindi na malulungkot ang isa dito." Sabi niya ay tinuro si Haym. What?

"Mommy! Why did you left us inside!"  Si Heather, pinagalitan ba ako ng anak ko?

"Are they twins? Ang ganda namang bata. Kamukha mo Haym." Sabi ni Keren at napatingin sa akin si Haym. Okay sasabihin ko naman eh. Huwag atat.

"Salamat. Gwapo rin naman etong si Kendrick. Ang bait kanina." Sabi ko. Ngumiti si Keren at hinalikan ang karga niyang anak.

"Mauuna na kami Keren, pasabi na lang sa asawa mo dinaan ko na lang si Kendrick. Saka na kami magkwentohan." Paalam niya kay Keren. "Buddy, we have to go now. Say bye to those young ladies." Sabi naman niya kay Kendrick."

"Bye Hailey and Heather." Si Kendrick.

"Bye buddy!" Sabay na sabi ng dalawa at nagkatawanan pa. Ginaya nila kasi yung tawag ni Haym sa kanya. Ang kulit! Tumakbo na sila sa kotse.

"Sorry. Ang sutil kasi nila minsan." Paumahin ko. Nakangiti lang naman si Keren.

"Alis na kami. Bye!" Paalam ni Haym. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Namula ako sa ginawa niya.

Andoon na kaming lahat sa loob at pinaandar na niya ang kotse.

"Mom, your face is red when Dada opened the door." Tukso sa akin ni Hailey. Ang bata pa pero ganito na siya!

"Right Dada, Mom's face is red." Segunda ni Heather. Bakit ba sila ganito.

Natawa na lang si Haym sa pinagsasabi ng dalawa. At ako tahimik na lang.

Sa dati pa rin naman kami nakatira. Nililinisan nila ate pag nagpupunta. Bumaba na kami ng kotse at yung dalawa lumabas na rin.

"Dada, your going home now? Stay with us tonight please?" Paki-usap ni Heather. My heart breaks pag ganitong sila ang nakiki-usap.

"Young ladies, Mommy and Dada need to talk. Hindi pa naman ako uuwi." Masayang sabi niya sa dalawa para hindi na malungkot.

Pumasok kami sa bahay at sinalubong kami ni Mama. Papi is with us also. Yung dalawa sinama na ni Mama para makapagbihis. Sinabi ko na rin kasing andito si Haym at alam na niya ang gagawin ko.

Nandito kami ngayon sa garden namin. May mga upoan naman dito.

"Sabrina, can you tell me what's going on? Kanina pa ako nagtatanong sa sarili ko pero alam kong ikaw ang makakasagot neto." Basag niya sa katahimikan namin.

I faced her para ipaalam ang totoo.

"Hailey and Heather are your daughters. Im pregnant when I left the country and it's because of you." I said. She was shocked but after a minute, her lips curve a smile and hug me.

Can We Make It?Where stories live. Discover now