Chapter 25

3.2K 72 0
                                    

Joey Haym

Maayos ang tanggap sa amin ng pamilya ko. Lahat sila masaya para sa akin. Well nasa tamang age naman na kasi ako.

Patungo ako ngayon sa bar kasi matagal ko ng hindi nabibisita eto. Lagi na mang naga-update si Sabrina sa akin pero mas gusto kong tignan yung bar kung may kulang o dapat bagohin.

Pagkaparada ko ng kotse ko, agad akong lumabas para pumasok sa bar. Binati ako ng mga empleyado doon. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanila. Dumeretso na ako sa opisina ni Sabrina kasi nandoon daw siya.

Kumatok ako bago pumasok. At binuksan eto. "Hi. Seems like your busy. Can i help you?". Pagbati ko sa kanya.

Natatawa lang siyang umiiling sa sinabi ko. "Kung ano-ano sinasabi, napadalaw ka?" Yun na lang sagot niya.

"Bawal na ba bumisita dito?" Nakanguso kong sabi. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "I miss you Sabrina." Bulong ko sa kanya.

"Sinabi ko bang bawal? Ako may-ari? Ako?" Pagpapatawa niya. Yumakap din siya sa akin. Mahigpit. Bakit?

"Nga pala, miss ka narin ni Bella. Tinatanong ka sa akin. Sinabi kong busy ka. Tawagan mo na lang si Ate Jane para makausap yung bata." Sabi ko at humiwalay na sa yakap.

"Ganon ba. Sige tatawag na lang ako sa kanya. Miss ko na rin yung bata." Tumabi na siya sa akin.

Nagpadala na lang siya ng merienda namin at magkwentohan kami.

"Kamusta naman yung panliligaw ni Chase sayo?" Tanong ko.

"Kami na." May ngiti sa mga matang sagot niya.

Parang may tumusok naman sa dibdib ko pagkasabi niya nun. Bakit ganito na naman ang nararamdaman ko.

"Masaya ako para sayo. Sana hindi ka niya sasaktan kundi ako ang makakalaban niya." Pagbibiro ko sa kanya.

"Hindi niya yun gagawin sa akin. Mabait si Chase. At pinangako niya kay Mama na hinding hindi ako sasaktan." Pag tatanggol pa niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Remember Keren? Were also dating. Girlfriend ko na siya." May ngiti sa labi kong pahayag sa kanya.

Ewan ko kung namamalikmata lang ako kasi may nakita akong lungkot sa mga mata niya. Bakit Sabrina? Pero agad niya etong tinago.

"Really? Tignan mo tama ako sa sinabi ko sayo noon. Bagay naman kayo eh. Im happy for you. Sigurado naman akong tanggap ka niya." Ngumiti siya.

"Oo. Alam na rin niya tungkol sa akin at tanggap ako. Napakilala ko na rin siya sa family ko and they all accepted her. Her family also knows about us. And likewise they accepted me." Masaya kong sabi sa kanya.

Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin. Pinag planohan rin namin yung pagpapa renovate netong bar. Iibahin lang konti yung design para naman mas marami pa ang mahikayat na pumunta.

Isang katok mula sa pinto ang nagpatigil sa aming pagpaplano.

"Hi Babe. And hi Joey." Si Chase pala. Tumango lang ako.

Tumayo naman si Sabrina at sinalubong ng halik at yakap si Chase. Iniba ko yung tingin ko sa kanila. Bakit ba ako nasasaktan pag nakikita siyang iba ang kasama? Ano ba eto.

"Hello Babe. Napadaan ka? Akala ko busy kayo sa project niyo. Halika upo ka muna doon kukuha lang ako ng meryenda mo." Pagaasikaso ni Sabrina sa kanya.

"May pinag-uusapan yata kayo ni Jaimie. Pasensya na naka-istorbo pa ako. Bibisitahin ko lang naman yung girlfriend ko saglit. Pasensya na." Sabi niya.

"Nope. It's okay don't worry. Hindi ka naman nakakaistorbo. Pinagpaplanohan lang namin na ibahin yung design ng bar para mabago sa mata ng customers. What you think?"

"Well tama naman yung idea niyo. Para makahikayat pa ng ibang customers. Sa tingin ko nga kailangan niyo talagang gawin yan." Sagot niya. Tumango lang ako.

Pumasok na rin si Sabrina na may dalang juice at isang food for Chase. Inasikaso muna niya si Chase. Nagcellphone na lang ako habang hinihintay na matapos sila.

Makikitang mahal nila ang isa't isa. Sa mga mata nila pa lang makikita muna doon. Napangiti na lang ako sa nakikita ko.

"Both of you are so inlove with each other." Pagbasag ko sa kanila. "Sana ituloy niyo yan. Mahalin niyo ang isa't isa."

Namula naman si Sabrina sa sinabi ko at napayuko. Si Chase tumango sa akin at ngumiti.

"Chase eto lang ang paki-usap ko sayo, sana huwag mong sasaktan si Sabrina. Kundi ako ang makakalaban mo. And please love her with all your heart. Ayokong nakikitang nasasaktan yang kaibigan ko."

"Joey mahal na mahal ko si Sabrina. Kahit sabihin mo man o hindi, ayoko ring nakikita siyang nasasaktan. Lalo na kung ibang tao pa ang gumawa." Makahulogang sabi niya. Si Sabrina naman napatingin kay Chase na nag-aalala. Para saan?

"Hinding hindi ko sasaktan si Jaimie. Mamahalin ko siya ng sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Pupunoin ko ng masasayang memories ang pagsasama naming dalawa. At para mapanatag ka, pinapangako ko sayo gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya." Mahaba niyang sabi.

"Salamat sa pangako." Ako.

"Teka kung mag-usap kayo parang wala ako sa tabi nyo ahh. Ano ako hangin lang?" Pagsusungit ni Sabrina sa amin.

Nagkatinginan kami ni Chase at sabay na napatawa ng malakas.

"Uugghh nakakainis! Pinagkaisahan pa ako." Reklamo niya.

"Sorry Babe. Usapang 'lalake' kasi eh." Si Chase. With emphasis pa yung huling sinabi.

"Mukha niyo. Diyan na nga kayo. Kayo na lang mag-usap muna titignan ko sa labas  magbubukas na kasi." Si Sabrina na nakasimangot.

Tumawa na lang kami ni Chase sa pagka-asar ni Sabrina sa amin. Nagkwentohan na lang kami ni Chase about sa mga company namin.

Can We Make It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon