Chapter 35

3.3K 71 2
                                    

Jaimie Sabrina

Nakatulog na si Haym pagkatapos akong halikan. I was shocked when she did that. Nadala lang siguro sa pagka lasing at sa pinag dadaanan na rin. Kaya hindi ko na inintindi pa at binigyan ng ibang meaning yun.

Ako ang nagpapasok sa kanya sa VIP room ni Haym.

Flashback

"I know you knew about what happened between us but please Sabrina i want to talk to her. I want to clear things. Please payagan mo akong makita siya." Yan ang paki-usap niya sa akin ng puntahan niya ako sa opisina ko.

Nakita siya ng isang crew namin dito at tinanong daw ako. Kaya naman dineretso na siya dito.

"Hindi ko alam kung gusto ka niyang maka-usap Keren. Sobrang nasaktan siya na nangyari sa inyo. Mahal ka niya. Wala ako sa posisyon para makialam sa inyong dalawa pero ayoko lang kasing nakikitang nasasaktan yang kaibigan ko."

"Sabrina please let me talk to her." Paki-usap niya

Tumayo na ako sa swivel chair ko at sinama ko na rin siya kung nasaan si Haym.

"Nasa loob siya, nag-iinom simula nung gabing nalaman niyang niloko mo siya. Please kung ano man ang maging desisyon niya irespeto na lang natin. Hahayaan kitang kausapin siya. Ipaliwanag mo sa kanya lahat-lahat." Sabi ko sa kanya bago ko siya hinayaang pumasok sa loob.

Nagtagal naman sila doon ng ilang minuto. At pagbukas ng pinto, si Haym na alam kong nakapagdesisyon na.

End of flashback

Eto ako ngayon nagmamaneho pauwi sa bahay nila. Tulog na tulog na siya. Nagpatulong na lang ako sa mga kasama namin sa bar kanina para isakay siya dito sa kotse.

Bumusina ako sa gate ng bahay nila Haym at pinagbuksan naman nila ako. Naitawag ko na rin kila Tita na lasing nga ang anak at nakatulog na marahil hinihintay na rin nila kami.

"Sabrina buti naka uwi na kayo. Nag-aalala na ako diyan sa anak ko. Ipasok na lang natin sa kwarto niya." Salubong sa akin ni tita.

Nagpatulong na lang kami sa mga guards nila para ipasok sa loob.

Nang maipasok, pinahiga na namin siya sa kama niya. Wala bagsak talaga.

"Salamat sayo Sabrina. Lagi na lang ganito kung umuwi yan. Baka nagagalit na ang Mama mo kasi ikaw pa nag uuwi sa kanya." Si tita na naiiyak na rin.

"Huwag po kayo mag-alala tita ako pong kakausap sa kanya para itigil na niya yung pag inom niya gabi-gabi. Tsaka alam po ni Mama na may pinag dadaanan siya."

"Sige kung ganun dito kana lang matulog. Nakausap ko na rin kanina ang Mama mo at ayos lang daw." Si tita.

"Pupunasan ko na po muna siya para mahimasmasan. Papalitan ko na rin po. Matulog na po kayo tita." Tumango siya at humalik na sa pisngi ko.

Sinimulan ko na ring palitan si Haym. Tinanggal ang damit pati jeans. Pinagpalit ko ng sando at boxer. Nahirapan pa ako doon paano ang bigat din ng katawan kahit payat.

Nahiga na rin ako katabi niya at hinahagod ang buhok.

"Malalagpasan mo din yan. At alam kong kakayanin mo. Hindi kita iiwan." Kausap ko siya kahit tulog. Hinalikan ko na lang ang noo niya at nakatulog na rin ako.

Kinaumagahan ng magising ako, may mga kamay na nakahawak sa dibdib ko. Isang paa ang nakadantay sa isa kong legs. Yakap yakap ako ng mahigpit. Hindi pa nagprocess sa utak ko kung sino eto pero ng kalaunan ay napag sino ko rin ang katabi ko.

Gumalaw ako paharap sa kanya at kita kong mahimbing ang tulog. Inayos ko yung buhok niyang naka harang sa kanyang mukha at tinitigan ko siya.

"Good morning." Sabi niya sa akin ng naka pikit ang mata. Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanya. Ewan ko bakit ko ginagawa eto.

Nagdilat siya ng mga mata at nagkatitigan ng matagal. Waring pinapakiramdaman ang paligid.

Nangungusap na mga mata. Palapit ng palapit ang mukha hangang sa tinawid ang hanging pagitan namin. We kissed each other. Walang pagmamadali at may pag iingat na halik. Ganyan ang nararamdan ko ngayon sa mga halik niya. Tumugon rin ako at mas lalo niyang pinalaliman.

"Uhmm." Ungol ko sa masarap naming halikan at doon ako nataohan. Hindi pwede eto.

Lumayo ako sa kanya at tumayo bigla. Dumeretso ako sa banyo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi dapat nangyari yun. Ayokong magkasala kay Chase. Kahit eto meron na nga akong kasalanan. She trust me so much. Kaya ayaw kong basagin iyon.

Naghilamos na lang ako sa loob at nag toothbrush. Sa gabi-gabing paghatid ko sa kanya may mga gamit na ulit ako dito. Paglabas ko nakahiga pa siya at naka harap sa sliding door niya papunta sa veranda.

"Ahm Haym uuwi na ako." Paalam ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin kahit tumingin hindi niya ginawa. Kaya naman kinuha ko yung pamalit kong damit at bumalik sa banyo para doon na rin magbihis.

Pagkalabas ko ulit ng banyo, naka upo na siya sa kama pero naka yuko.

"Im sorry Sabrina." Yun ang sinabi niya.

Napabuntong hininga ako. Tumugon din ako sa halik niya. May kasalanan din ako. Tumabi ako sa kanya at niyakap siyang nakatagilid.

"Huwag kang mag alala. Hindi ako galit. Huwag mo ng isipin pa yun. Ang gawin mo na lang ngayon eh sundin etong sasabihin ko. Alam mo bang nag aalala na si tita sa ginagawa mong pag inom lagi sa gabi? Kaya sana itigil mo na. Hindi yun masusolusyonan ang problema mo. Nakapag usap naman na kayo ni Keren, move on na. Kung ano man ang rason niya tanggapin mo at mag move on." Mahaba kong sabi.

"Im sorry. Im so stupid. Lahat na lang ng ginagawa ko mali. Nabibigyan ko na rin kayo ng sakit sa ulo. Ayoko nang ganito." Siya na umiyak.

"Tahan na. Nagkataon lang siguro na wala sa tamang oras yung mag nangyayari sayo. Tsaka ano kaba hindi ka sakit ng ulo naiintindihan ka namin. Kaya tahan na. Para ka namang bata eh kalaki-laking damulag umiiyak." Pagbibiro ko sa kanya. Natawa na lang siya at hinigpitan ang yakap sa akin.

Pinakain muna niya ako bago ako payagang umuwi.

Can We Make It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon