Chapter 54

4K 93 2
                                    

Joey Haym

Mga tawa ang naririnig ko mula sa aking paggising. Hindi pa ako nagbubukas ng mata. Inaantok pa kasi ako. Ang sarap matulog. Ang lambot ng unan na yakap ko.

Tuloy lang ang mga tawa na naririnig ko.

"Did you captured it? Mommy and Dada is sweet while sleeping. Look, they are hugging each other. More pictures!" Boses ng bata ang naririnig ko pa. Bakit may bata sa kwarto ko? Andito siguro ang mga pamangkin ko.

Gising na ako pero hindi pa ako dumidilat. Ang sarap yakapin talaga netong unan ko. Tumatawa paring mga bata ang naririnig ko kaya naman minulat ko na ang mata ko.

Then it's like a fireworks na sumabog sa utak ko. It's true, I have daughters. A beautiful daughters. Napatingin ako sa kanila, nasa harap ko sila habang yakap ang unan. Ang dami nilang nakuha sa akin. Yung mata, ilong, buhok, pilik mata. Halos lahat na ata.

Gumalaw ang yakap kong unan at doon ako nagulat. Pero napangiti ako ng mapagsino ko ang yakap ko. Ang ganda niya parin kahit bagong gising. Mas gumanda nga siya ngayong may anak na kami.

"They are awake Heather! Let's video them." It's Hailey. May kalokohan din etong anak kong eto.

"Goodmorning my twins." Sabi ni Sabrina pero hindi pa nagmumulat ng mata. Humigpit ang yakap sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko.

My twins, our twins, giggled when their Mommy said that at tuloy lang ang pagvideo sa amin gamit ang cellphone ko. Alam na nilang gamitin eto. Sinenyasan ko silang huwag magsasalita and they nod.

"Good morning too, Sabrina." Now my turn to wake her up. Upon hearing my voice, agad siyang lumayo sa leeg ko at tinignan ako na naka kunot noo. I smiled as an answer.

"Why are you here? And paanong magkatabi tayo?" Sabi niya at dahil doon. Lumakas na ang tawa ng dalawa.

"I don't know. Pagkagising ko, magkatabi na tayo at nakayakap ka sa akin. Which I remember hindi naman tayo nagtabi kagabi." Sagot ko. Totoo naman, hindi ko alam. "Why don't you asked our twins? Baka sila, alam." At pagkasabi ko yun, agad humarap si Sabrina sa dalawa. Nakahiga pa rin kami.

"Babies namin eh, pinagtutulongan niyo na naman si Mommy. Stop recording please." And they obliged what she said. Bumangon na siya sa pagkakahiga at sumandal sa headboard. Ganon din ang ginawa ko. "Bakit hindi niyo kami ginising?" She asked.

"Mommy, we didn't wake you up kasi po magkayakap kayo ni Dada. And your enjoying it too." Honest na sagot ni Hailey. Natawa ako sa sinabi niya at tinignan ako ni Sabrina ng masama. Bakit ba eh nagsasabi naman ng totoo ang bata.

"Come here my princesses." Tawag ko sa kanila at nag unahan pa. Habang naka sandal kami sa headboard ni Sabrina, pinaupo ko si Hailey sa lap ako at si Heather naman kay Sabrina. Ang sarap gumising na ganito mabubungadan mo sa umaga. Masayang pamilya. "I love you, princesses." Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. At tumingin ako kay Sabrina and mouthed it too, but she just raised her eyebrow to me.

"Sabrina ipapakilala ko na sila ngayon kila Mommy at Daddy. Sinabi ko lang na may importante akong taong ipapakilala pero di ko sinabi kung sino." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Sige magbreakfast muna tayo at paliligoan ko sila para maisama mo." Sagot naman niya.

"Bakit sila lang ang sasama? Ikaw rin dapat. Miss kana nila Mom. Lagi kang tinatanong sa akin." I said.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila Haym." Pag amin niya.

"Just leave it to me ok? Please." Paki usap ko. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

Tumayo na kami sa kama at lumabas ng kwarto. Hawak ko ang dalawa baka magtatakbo pa pababa. Ayoko silang masaktan. Naabutan namin ang mga magulang niya na nag-aagahan na. Inaya na lang nila kami. Nagkamustahan na rin kami ng Papi niya. At masaya ako na hindi sila galit sa akin dahil sa hindi ko pinandigan si Sabrina. Yung mga bata naman salitan kami ni Sabrina sa pagpapakain. Naglalaro pa kasi.

"Ahm Mama, Papi, pupunta po kami sa bahay nila Mommy. Ipapakilala ko po etong kambal ko." Paalam ko rin sa kanila.

"Sige anak, tiyak matutuwa ang mga magulang mo pag nakita nila yang mga bata." Sagot niya.

"Isasama ko rin po si Sabrina."

Tumingin naman siya kay Sabrina at tumango lang ang huli.

"Ayos lang anak, para may kasama ka rin magbantay sa kanila. Makukulit pa naman mga yan. Baka kawawa ka lang." Natatawang sabi ni Mama.

Tapos na kaming lahat at umakyat na para paligoan ang dalawa. Kinarga ko na lang silang dalawa. Todo kapit nga sa leeg ko eh.

"My twins, baba na kayo kay Dada maliligo na kayo, may pupuntahan tayo." Tawag ni Sabrina sa kanilang pansin. Agad namang bumaba ang dalawa at naghubad na ng damit. Masyadong excited mga anak ko.

"Gusto ko rin silang paligoan." Sabi ko kay Sabrina.

"Mabuti pa nga at tulongan mo ako sa pagpapaligo. Ang kulit kasi pag nagsama sa banyo. Baka mapano pa." Sabi niya. Natuwa naman ako doon sa sinabi niya.

Pumasok na kami sa loob ng banyo at doon ngsabog ng lagim ang dalawa. Ang kulit nga nila todo saway si Sabrina sa kanila. Ganon din ako. Ayaw lang namin mapano ang dalawa. Doon sila sa bathtub naglagi at natahimik sila. Okay na eto.

"Ang kulit nila, paano mo nakakaya yon na magisa lang?" Tanong ko.

"Hindi lang naman ako mag-isa. Kasama ko naman si Mama sa pag-aalaga. Minsan si Chase rin." Sabi niya habang sinasabon namin ang dalawa.

Chase? Sila pa rin pala. Mukhang hindi madali etong pagbuo ko ng pamilya namin ah. Pero kahit ano pa yan, ipaglalaban ko sila.

Tango na lang sagot ko. Tinuloy namin ang pagbabanlaw sa kanila. Pero ang sutil kong anak umarangkada na naman. Sinabuyan niya ako ng tubig at yung kambal niya tumawa na rin. Yung Mommy nila nagulat.

"Oh my god! Hailey bakit mo binasa si Dada mo? Wala siyang pamalit." Si Sabrina na tila pinagsasabihan na rin ang anak ko.

"Okay lang Sabrina. Gusto lang makipaglaro ng bata. May damit ako sa kotse parang di mo naman ako kilala." Pagtatanggol ko sa bata. Baka umiyak kasi eh.

"Hailey, say sorry to Dada. And you too Heather." Utos niya.

"Sorry Dada. We love you!" Sabay nilang sabi. Natunaw ang puso ko sa kasweetan ng dalawa. Hinding-hindi ko magagawang magalit sa kanila.

"It's okay young ladies. Tapusin na natin eto. Baka magkasakit pa kayo pag nagtagal dito." Sabi ko at tinapos na namin ang pagligo nila.

Binihisan na namin sila at pinababa. Ako naman kinuha ko yung mga damit ko sa kotse. Dito na lang ako maliligo.

Pagkakuha ko ng damit, pumasok na ako sa kwarto. Walang Sabrina sa loob, baka nagbibilin pa kay Mama. Walang katok-katok kong binuksan ang pinto ng banyo at doon nagulat kaming dalawa! Naliligo pala siya at wala ng kahit na anong saplot sa katawan. Ang sexy niya, parang hindi nanganak ng kambal! Hot!!

"Haym!!!!!!" Pagtawag niya sa akin para maputol ang pagpapantasya ko sa kanya. " Bakit kaba nandito. Hindi ka man lang kumatok!" Nahihiya niyang sabi. Namumula ang mukha at tinakpan ang mga maselang bahagi ng katawan.

"Ahhh..ahm.. i thought you're with Mama. Kaya dito na ako sa banyo pumasok para maligo sana." Sagot kong nauutal pa.

"Lumabas ka muna. Maliligo na ako. Labas na." Pagtataboy sa akin. Since kaming dalawa lang naman dito sa kwarto may naisip akong kalokohan.

"Sabay na tayo." Sabi ko.

"No! Lumabas kana." Nahihiya pa ring sagot.

"Bakit? Para save sa tubig. Wala naman akong gagawin sayo. Maliligo lang tayo." With smirk kong sabi.

"Haym isa! Masasapak na kita." Naiinis na niyang sabi. Ang sarap asarin.

"Nah. Ligo lang tayo. Besides, i already saw that body before. And also once kiss all your body." Pang aasar ko.

"Labas!!!!" Namumula niyang sigaw. Lumabas na ako na tawa ng tawa. Ang sarap talaga asarin!

Can We Make It?Where stories live. Discover now