Chapter 39

3.2K 77 2
                                    

Jaimie Sabrina

Ngayon na ang sched namin na pupunta sa Subic. Yung bar sarado. Ayos lang naman eh. Para rin eto sa mga empleyado. Lahat lahat kasi eh sumama. Walang naiwan. Ready na ang mga gamit namin at isang bus ang gamit ng mga crew. Kami ni Haym gamit namin yung kotse niya. Nakihiwalay kami sa kanila para maenjoy naman nila na sila ang mag kakasama. Alam kasi naming nahihiya sila kapag andon kami.

Chase and I are not okay. Nasundan na naman kasi yung about sa ex niya. And i was so pissed off about it. Hindi ba niya kayang huwag ng kausapin yung tao? Naiinis ako sa kanya.

"Okay na lahat ng gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Haym ng maayos na namin lahat ang gamit sa loob ng kotse niya.

"Oo okay na okay na lahat. Tara na para maaga tayong maka dating may kalayuan pa naman."

"Kaya kong magdrive ng mahaba Sabrina kaya huwag kang mag-alala. Magaling yata to." Pagyayabang niya.

"Ang hangin ah. Sarado naman lahat ng bintana dito sa kotse." Pang babara ko sa kanya.

Tumawa lang siya at kami ay tumuloy na. May binili na rin kaming pagkain incase man na magutom kami. Yung mga kasama namin meron din silang pagkain doon.

"Sabrina pasubo naman yang burger. Gutom ako." Sabi ni Haym. Naawa naman ako kaya sinobuan ko na lang.

"Nganga ng malaki!" Utos ko.

"Uh? Anong malaki? Hindi ko kaya!" Kontra niya.

"Para isang kainan lang eto. Dali na." Niloloko ko lang naman.

"Mabulonan ako neto cpr mo ako hah? Mouth to mouth. Hahahahah." Ganti niya.

"Sapak gusto mo? Mas effective yun eh."

"Kiss gusto mo? Yun ang mas effective." Siya.

Para-paraan lang naman siya eh. Ako yung unang nagbiro pero bumalik talaga sa akin.

"Huwag na salamat na lang. Magdrive ka na lang diyan."

"Ayaw mo talaga?" Ngumuso pa siya. "Eh di huwag namiss ko lang namang halikan ka." Bulong niya pero hindi ko narinig.

"May sinasabi kaba?"

"Wala matulog kana muna may isang oras pa tayo bago makarating doon." Pagdismiss niya.

Natulog nalang din ako. Pambawi ko sa mga puyat kong gabi. Mga ilang sandali lang nilamon na ako ng antok.

"Wakey wakey. Andito na tayo." Gising niya sa akin. Pagdilat ko ng mga mata ko bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Nangungulit na naman.

Tinignan ko siya masama. Diba sabi nila lokohin muna ang taong lasing huwag lang ang bagong gising.

"Ohh para ka namang papatay sa tingin mo sa akin ah. Kiss lang naman sa cheek yun Sabrina. Cheek lang." Sabi niya.

"Huwak ako Haym. Bagong gising lang ako."

"Oo nah. Lika dito payakap nga ako." Hinila niya ako at niyakap. Hayy sige na nga nagpapalambing lang eto.

Lumabas na kami ng kotse at dumeretso sa reception para ipaayos yung mga kwarto. Kinausap na lang niya yung manager dito at ako naman naupo lang sa gilid. Inaantok pa kasi ako.

"Tara na sa restaurant nila kumain muna tayo ng pananghalian. Andoon na rin yung mga kasama natin." Sabi niya.

Tumayo na ako at inakbayan niya ako. Patungo kami ngayon sa restaurant para kumain. Tanghali na pala kaya gutom na ako. May sarili kaming table ni Haym pero kasama pa rin namin yung iba. Maingay sa loob kasi nagkakasiyahan ang lahat. Mukhang makakarelax nga sila. Tinapos na namin ang pananghalian at kailangang pumunta na sa mga kwarto namin.

"Ahh Sabrina kinulang ng isang room. May iba rin kasing guests ang nandito kaya yung room mo binigay ko na. Pero huwag kang mag alala meron ka pa rin namang tutulogan. Sa kwarto ko." Sabi niya at kakamot kamot ng batok.

"Ayos lang kesa sila ang mawalan ng matutulogan. Lagay nalang natin doon yung mga gamit ko."

"Nasa kwarto ko na pinalagay ko na lahat lahat doon. Puntahan nalang natin para maayos." Tumungo nga kami sa room namin.

Isa pala etong maliit na bahay. Pang isahan lang talaga. Nakahiwalay sa mga rooms mismo ng mga guests.

"Dito yung room ko. Actually dito natutulog yung bibisita ng resort. Kahit sino sa aming magkakapatid dito tumutuloy. Pinagawa nila Mommy para daw komportable pa rin kami. Pero iisang kama lang. Ayos lang?" Medyo alanganin niyang sabi. Siguro naiisip pa rin nya yung huli naming tabi matulog. Akala niya siguro ayaw ko na siyang katabi.

"Oo ayos lang sakto naman yung kama. Huwag mo akong ihuhulog ha? Sasapakin talaga kita makita mo." Pagpapagaan ko sa loob niya.

"Nawala lang ako ng isang taon ang amazona muna. Kawawang Chase." Dahil sa nabangit niya si Chase naaalala ko naman siya. Alam naman niyang may vacation kami. Pinaalam ko pa rin kahit hindi kami ayos.

"Mag ayos na lang kaya ng gamit no? Ang dami pang sinasabi."

Inayos namin yung mga gamit namin at nilagay sa isang cabinet. Pagkatapos mag ayos naidlip muna siya. Nainggit naman ako kaya tumabi na ako sa kanya.

"Haym usog ka konti gusto ko rin matulog. Sinakop mo na lahat eh." Umayos naman siya at tumabi na ako. Niyakap niya ako mula sa likod at yung mga kamay niya niyakap ko na rin sa dibdib ko. Makakatulog ako neto ng mahimbing.

Nagising ako mag aalas singko na. Ang haba ng tulog namin. Yung mga kasama naman namin nasabihan na kanina na mag enjoy lang sa pamamasyal kasi mamaya pa naman yung activities namin.

Humarap ako kay Haym at gising na pala siya. "Ang sarap ng tulog mo ah. Ang tagal. Hindi naman kita magising kasi para kang puyat."

"Bumabawi lang sa mga puyat na gabi. Buti nga nakatulog ako." Sabi kong nakatingin ng deretso sa kanya.

Natahimik kami ng ilang minuto. Magkatingin ang mga mata. Wari'y naguusap. Hinawakan niya yung pisngi ko at sinabing "Sana ikaw na lang". Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano Haym? Anong sana ako na lang?"

Umiling siya. "Wala huwag mo ng pansinin yung sinabi ko. Tara na sa labas maglibot din tayo."

Umayos na kami at nagpalit ng gamit. Maglilibot na rin siguro kami susulitin etong bakasyong eto.

Dinala niya ako sa iba't ibang parte ng resort. Nag picture din kaming dalawa. We tried jetski and ang saya. Magdidilim na ng umuwi kami sa kwarto namin.

"Tara na gutom na ako. Nandoon na silang lahat."

Can We Make It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon